18/12/2025
ᴄꜱɢʟʏɢ ᴇxɪᴛ ᴄᴏɴꜰᴇʀᴍᴇɴᴛ ᴄᴇʀᴇᴍᴏɴʏ | 12/18/2025
Ipinagmamalaki ng Sangguniang Kabataan ng Buenavista II sa pangunguna ng ating butihing SK Chairperson Kim Jerald Sarte Colocado, SK Secretary Dan Carlo Potante, SK Treasurer Nicole Simon at buong Sangguniang Kabataan Buenavista II ang pagkakamit ng Seal of Good Local Youth Governance (SGLYG). Ang karangalang ito ay resulta ng kolektibong pagsusumikap, masusing dedikasyon, at matatag na paninindigan ng SK Buenavista II sa pagsusulong ng responsableng pamumuno at tapat na paglilingkod para sa kabataan.
Ang pagkilalang ito ay nagsisilbing patunay ng aming matibay na pagpapahalaga sa transparency at accountability, gayundin sa patuloy na pagpapatupad ng mga makabuluhan at makataong programa na naglalayong magbigay ng lakas, kaalaman, at oportunidad sa kabataan ng aming pamayanan.
Lubos ang aming pasasalamat kina Mayor Jon-Jon Ferrer, Sir Ronald Mojica, Ma’am Lhen Muralla Kempiz, at sa buong pamunuan ng Barangay Buenavista II sa pangunguna ni Kap Rodel Lumanog Juliano sa patuloy na paggabay, walang sawang suporta, at tiwalang ipinagkakaloob ninyo sa kakayahan at potensyal ng kabataan. 💚🫶
Para sa kabataan at para sa kinabukasan—ang Sangguniang Kabataan ng Buenavista II ay nananatiling tapat sa makabuluhan at responsable na paglilingkod.