28/04/2026
Lubos po kaming nagpapasalamat sa aming Kapitan sa pagbibigay ng isang maayos na recycling chair at mini fan para sa aming Breastfeeding Corner. πΊπ€±
Malaking tulong po ito upang maging mas komportable at panatag ang ating mga nanay habang nagpapasusoβisang simpleng suporta na may malaking epekto sa kanilang kalusugan at sa kanilang mga sanggol.
19/03/2026
Ipinapaalam po sa lahat na walang pasok ngayong araw bilang pagdiriwang ng Eid al-Fitr.
Ang lahat ng serbisyo ay magpapatuloy sa Lunes, alas-8:00 ng umaga.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. Maligayang Eid al-Fitr po sa ating mga kapatid na Muslim. ππ
18/02/2026
CHICKENPOX (BULUTONG TUBIG)
Health Education & Prevention Guide
β Ano ang Chickenpox?
Ang chickenpox (bulutong tubig) ay isang nakakahawang sakit na dulot ng varicella-zoster virus. Karaniwan ito sa mga bata ngunit maaaring tumama sa kahit anong edad.
β οΈ Mga Sintomas
β’ Lagnat
β’ Panghihina / sakit ng katawan
β’ Makating pantal na nagiging paltos na may tubig
β’ Pagkawala ng gana kumain
π Paano Ito Kumakalat?
β’ Pag-ubo o pagbahing ng may sakit
β’ Direktang contact sa paltos / likido ng sugat
β’ Shared items (tuwalya, damit, kubyertos)
π‘οΈ Paraan ng Pag-iwas
β
Magpabakuna (Varicella Vaccine) *di po available sa ating health center
β
Iwasan ang close contact sa may chickenpox
β
Takpan ang bibig kapag umuubo / bumabahing
β
Madalas na paghuhugas ng kamay
β
Panatilihing malinis ang kapaligiran
π Kapag May Chickenpox sa Bahay
βοΈ Ihiwalay ang may sakit (home isolation)
βοΈ Huwag kamutin ang pantal (maiwasan ang impeksyon at peklat)
βοΈ Panatilihing maiksi at malinis ang kuko
βοΈ Uminom ng maraming tubig
βοΈ Magpahinga
βοΈ Kumonsulta sa health center kung kinakailangan
π¨ Kailan Dapat Magpatingin Agad?
β Mataas na lagnat na di bumababa
β Hirap sa paghinga
β Matinding sakit ng ulo / pagsusuka
β Paltos na may nana o sobrang pamumula
π‘ Paalala
Ang chickenpox ay kadalasang gumagaling sa loob ng 7β10 araw. Ang tamang kaalaman at pag-iingat ay mahalaga upang maiwasan ang pagkalat nito.
For more information, visit your nearest Health Center / Barangay Health Station.
Health Education and Promotion Unit - DOH CHD Calabarzon
Public Information Office - City of General Trias
16/02/2026
π ABISO SA LAHAT
Ang atin pong Health Center ay sarado sa February 17, 2026 (Martes) bilang paggunita sa Chinese New Year.
Magbabalik serbisyo po kami kinabukasan February 18,2026( Miyerkules)
Maraming salamat po sa inyong suporta pag-unawa. π§§β¨
26/01/2026
πΌπ ROUTINE IMMUNIZATION NG MGA SANGGOL
Mahalaga ang routine immunization upang maprotektahan ang mga sanggol laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
π Paalala: Huwag po nating kalimutan ang pagbibigay ng kumpleto at tamang bakuna sa inyong mga babies.Bumisita lang po sa ating Health Center.
21/01/2026
January 21, 2025 | Successfully conducted Newborn Immunization Program (NIP) services today to help protect our little ones from preventable diseases.
We remain committed to promoting early protection, healthy beginnings, and stronger communities through accessible healthcare services.
Because every child deserves a healthy start in life. πΌπβ¨
20/01/2026
π’ Community Health Services Conducted
π
January 20, 2025
π Lavanya Phase 3
We successfully conducted PhilHealth Yakap Registration, along with NIP services, Prenatal Care, and General Check-up for the residents of the area.
Thank you to everyone who participated and supported this activity.
Together, we continue bringing accessible health services to the community π
04/12/2025
December 3, 2025 | Wednesday
Nagsagawa ng house to house Larva Survey and Dengue Reminders ang mga BHWs ng Brgy. Bacao 1 bilang unang gawain sa pag-iwas sa dengue.
Panatilihing malinis ang kapaligiran at tiyaking nakakapaglinis ang lahat.