SK Pres. Dylan G. Palomar

Directions

SK Pres. Dylan G. Palomar Official Page of Dylan Palomar
SK Federation President of Gerona
SK Provincial Federation VP of Tarlac Province

Isang malaking THANK YOU sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Municipal Linggo ng Kabataan! 🙏🏻💙Taos-puso akong nag...
06/09/2026

Isang malaking THANK YOU sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Municipal Linggo ng Kabataan! 🙏🏻💙

Taos-puso akong nagpapasalamat sa lahat ng tumulong mula sa pagpaplano, pag-aayos, paghahanda, coordination, logistics, hanggang sa mismong facilitation ng bawat activity. Sa bawat oras, effort, idea, at tulong na inyong ibinigay, naging mas maayos at makabuluhan ang ating selebrasyon para sa kabataan.

Maraming salamat sa ating mga Technical Working Group, facilitators, volunteers, SK officials, at lahat ng indibidwal na naglaan ng kanilang panahon at lakas upang maisakatuparan ang mga gawain.

Hindi man lahat nakikita ng ating mga kabataan ang trabaho sa likod ng bawat activity, alam kong bawat isa sa inyo ay may malaking ambag sa tagumpay ng Municipal Linggo ng Kabataan.

This celebration was not the work of one person, it was the result of many people coming together with one purpose: to unite the youth, strengthen their connection with one another, and build a more active and empowered community in our Municipality.

Maraming Salamat sainyong lahat! 💙💙💙

05/09/2026

MUNICIPAL LINGGO NG KABATAAN 2026

Balikan natin ang mga nakaraang larong Pinoy na nagbigay saya, nagbuklod sa kabataan, at nagpaalala sa atin ng kahalagahan ng tradisyon. Kasabay nito, patuloy nating alagaan ang kinabukasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno para sa susunod na henerasyon.

Sa bawat tawa, laro, at pagtutulungan, nabubuhay muli ang mga masasayang alaala ng ating kabataan. Sa bawat punong ating itinatanim, nag-iiwan naman tayo ng pamana para sa kinabukasang ating pananagutan.

Dahil ang paghubog sa kabataan ay hindi lamang tungkol sa kanilang kinabukasan, ito rin ay tungkol sa pagbuo ng mas matatag, mas nagkakaisa, at mas makabuluhang komunidad ngayon.

Balikan ang mga nakaraang laro. Alagaan ang kalikasan. Paunlarin ang kabataan.
Sama-sama nating pagyamanin ang kabataan at ang buong Gerona! ❤️

Salute to all youth volunteers!Maraming salamat sa inyong oras, lakas, at malasakit sa ating komunidad. Sa kabila ng pag...
30/08/2026

Salute to all youth volunteers!

Maraming salamat sa inyong oras, lakas, at malasakit sa ating komunidad. Sa kabila ng pagod at hirap, patuloy kayong kumikilos para sa kaligtasan ng ating mga kababayan.

Sandbagging Operation.Sa patuloy na pagbuhos ng ulan, agad na rumesponde ang ating mga kapwa Sangguniang Kabataan sa iba...
29/08/2026

Sandbagging Operation.

Sa patuloy na pagbuhos ng ulan, agad na rumesponde ang ating mga kapwa Sangguniang Kabataan sa iba’t ibang Barangays at boluntaryong tumulong sa sandbagging operation sa d**e ng Cardona.

Maraming salamat sa inyong malasakit, bayanihan, at kahandaang tumulong sa oras ng pangangailangan.

Mag ingat po tayo lahat and God bless.

OFFICIAL ANNOUNCEMENT ❗️❗️❗️RESCHEDULING OF THEMUNICIPAL LINGGO NG KABATAAN 2026Due to the prevailing weather conditions...
29/08/2026

OFFICIAL ANNOUNCEMENT ❗️❗️❗️

RESCHEDULING OF THE
MUNICIPAL LINGGO NG KABATAAN 2026

Due to the prevailing weather conditions and continuous heavy rainfall, the Municipal Linggo ng Kabataan 2026 Celebration originally scheduled for August 30, 2026 will be rescheduled to September 5, 2026 (Saturday).

This decision is made to prioritize the safety, welfare, and convenience of all participants, volunteers, organizers, and members of the Technical Working Committee (TWC).

We sincerely apologize for any inconvenience this may cause and appreciate everyone's understanding, patience, and cooperation regarding this necessary adjustment.

All previously announced activities, including the Tree Planting Activity and Larong Lahi, will be moved to the new date, unless otherwise announced by the organizers.
We look forward to celebrating with everyone on September 5, 2026!

Stay safe po! And God bless.

Stay safe po!
27/08/2026

Stay safe po!

SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSES | AUGUST 28, 2026

Dahil sa Orange Rainfall Warning na inilabas ng PAGASA sa Bayan ng Tarlac, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Gerona, Tarlac ngayong Biyernes, Agosto 28, 2026.

Ang mga klase ay lilipat sa Modular o iba pang Alternative Learning Modalities, alinsunod sa mga alituntunin ng Department of Education (DepEd).

Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, mag-ingat, at iwasan ang mga lugar na maaaring bahain. Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa PAGASA at LGU Gerona para sa mga susunod na updates.

Stay Dry and Safe, Geronians! 🌧️💙

MUNICIPAL LINGGO NG KABATAAN 2026 | TREE PLANTING & LARO NG LAHI 🌿 💛💙Inaanyayahan ko ang lahat ng kabataan ng Gerona na ...
24/08/2026

MUNICIPAL LINGGO NG KABATAAN 2026 | TREE PLANTING & LARO NG LAHI 🌿 💛💙

Inaanyayahan ko ang lahat ng kabataan ng Gerona na makiisa at maging bahagi ng ating Municipal Linggo ng Kabataan Tree Planting Activity at Laro ng Lahi sa Agosto 30, 2026, na gaganapin sa Gerona Eco Tourism Park. 🌳

Higit pa ito sa isang simpleng pagtatanim ng puno at paglalaro. Ito ay pagkakataon upang ipakita na ang kabataan ng Gerona ay may malasakit sa ating kalikasan, pagmamahal sa ating kultura, at pagkakaisa para sa ating komunidad.

Sa bawat punong ating itatanim, nagtatanim din tayo ng pag-asa para sa mas luntian at mas maayos na kinabukasan. Sa bawat laro ng lahi, pinapalakas natin ang samahan, pagtutulungan, at diwa ng pagkakabuklod ng mga kabataan mula sa iba’t ibang barangay.

Sama-sama nating patunayan na ang Linggo ng Kabataan ay hindi lamang tungkol sa kasiyahan, kundi tungkol sa pagbuo ng isang henerasyong nagkakaisa, responsable, at handang maglingkod para sa bayan.

Kita-kits po tayo! Dalhin ang inyong sigla, pakikiisa, at pagmamahal para sa Gerona. 🙏🏻

A Milestone for the Sangguniang Kabataan of Gerona! 💛💙The Sangguniang Kabataan of Gerona is honored to be named among th...
12/08/2026

A Milestone for the Sangguniang Kabataan of Gerona! 💛💙

The Sangguniang Kabataan of Gerona is honored to be named among the National Finalists of the Philippine Sangguniang Kabataan Awards!

This recognition would not have been possible without the hard work, dedication, and unity of every Sangguniang Kabataan in the Municipality of Gerona.

Magandang Gabi po sa ating lahat! 😊Ito po ang buong detalye ng ating isinulat na ordinansa, ang SINAG KABATAAN ng Gerona...
17/12/2025

Magandang Gabi po sa ating lahat! 😊

Ito po ang buong detalye ng ating isinulat na ordinansa, ang SINAG KABATAAN ng Gerona Ordinance.

Noong nakaraang buwan, ang Corazon C. Aquino High School Performing Arts ay nagkampyon sa isang internasyonal kompetisyon na ginanap sa Thailand. Sila po ang kauna-unahang makakatanggap ng Sinag Kabataan Award at makakatanggap ng Fifty Thousand Pesos (₱50,000), dahil ang kanilang sinalihan ay isang international-level na kompetisyon.

Sa ilalim po ng pamumuno ng ating Mayor May Eclar, at Vice Mayor Eloy Eclar. lahat po ng sektor ay mabibigyan ng halaga, lalo na po ang kabataan ng Gerona. 💙💙💙

Mabuhay po ang Kabataan ng Gerona!



03/12/2025

Address

Gerona
2302

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK Pres. Dylan G. Palomar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category