26/02/2024
DENGUE AWARENESS CAMPAIGN‼️🔊
📌Panahon naman ng tag ulan at posible po ang pagtaas ng kaso ng DENGUE sa ating kumunidad. 🦟🦟
Isang paalala sa ating lahat na UGALIIN ANG PAGLILINIS ng ating mga bakuran. May pamamaraan po na pwede nating gawin upang makaiwas sa sakit na DENGUE.
Muli po nating tandaan ang 4'S KONTRA DENGUE na isinusulong ng DOH:
1. SEARCH & DESTROY BREEDING PLACES
Hanapin at sirain ang mga bagay na puwedeng maipunan ng tubig at pamahayan at pangitlugan ng lamok.
2. SEEK EARLY CONSULTATION
Agad na komunsulta sa doktor kapag makaranas ng anumang sintomas ng Dengue.
3. SELF-PROTECTION MEASURES
Gumamit ng proteksyon laban sa kagat ng lamok tulad ng insect repellant, magsuot ng longsleeves, gumamit ng kulambo at iba pa.
4. SAY YES TO FOGGING IN TIMES OF IMPENDING OUTBREAK
Maaaring magpausok sa komunidad kung may banta ng Dengue Outbreak.