09/08/2026
📢 ABISO PUBLIKO | WORK-FROM-HOME AT ALTERNATIVE LEARNING MODE NGAYONG AGOSTO 10
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 123 ng Malacañang, ipatutupad ngayong Agosto 10, 2026 (Lunes) ang WORK-FROM-HOME arrangement sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Oriental Mindoro, kabilang ang Bayan ng Gloria, bunsod ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.
🏫 Para naman sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan, ipatutupad ang alternative learning modes sa halip na regular na face-to-face classes.
Patuloy namang mag-ooperate ang mga tanggapan at kawani na nagbibigay ng basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa publiko.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat, manatiling alerto, at subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Gloria at mga kinauukulang ahensya.