29/10/2026
📣 MGA KABATAAN NG BANUTAN, DITO ANG TINGIN!📣
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng aktibong pakikilahok ng kabataan sa ating barangay, narito ang mga nakatakdang gawain at mahahalagang anunsyo mula sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Banutan! ❤️
📌 CHECK OUT OUR UPCOMING ACTIVITIES AND IMPORTANT ANNOUNCEMENTS!
📝 KK REGISTRATION
Para sa mga kabataang may edad na 15–30 years old, bukas ang pagpaparehistro bilang miyembro ng Katipunan ng Kabataan (KK) mula October 27–31, 2026.
🗣️ KK ASSEMBLY
Inaanyayahan ang lahat ng KK members na dumalo sa ating Pangkalahatang Pagpupulong ng Kabataan sa November 7, 2026, mula 1:00 PM hanggang 4:00 PM sa Barangay Banutan Hall.Makiisa, makinig, at makibahagi sa mga programang para sa ating lahat!
🗳️ SPECIAL ELECTION
May LIMANG (5) VACANT POSITIONS na kailangang punan sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Banutan. Sa mga kwalipikado at interesadong kabataan na nais maglingkod bilang SK Councilor, ito na ang pagkakataon upang ipakita ang inyong kakayahan, malasakit, at kahandaang maglingkod sa kapwa kabataan.
🎃 TRICK OR TREAT 2026 ( NOVEMBER 1,2026)
Abangan din ang ating Halloween activities na inihanda upang maghatid ng saya, excitement, at masayang samahan sa mga kabataan ng ating barangay!
📢 PAALALA SA LAHAT: Mangyaring basahin at unawain ang bawat pubmat para sa kumpletong detalye, mga petsa, oras, at iba pang mahahalagang gabay sa bawat aktibidad.
Sa pangunguna ni SK Chairperson Hon. Cindy Masculino Motea , kasama ang buong Sangguniang Kabataan, patuloy nating isinusulong ang isang kabataang aktibo, nagkakaisa, at may malasakit sa kinabukasan ng ating barangay.
Ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayan, kundi katuwang sa pagbuo ng mas maunlad na pamayanan!❤
📍Sangguniang Kabataan ng Barangay Banutan, Gloria, Oriental Mindoro