22/09/2026
JOINT INSPECTION
Nagsagawa ng joint inspection ang MERALCO, Provincial Engineer's Office ng Bulacan at Municipal Engineering Office ng Guiguinto kaugnay ng isasagawang road widening at MERALCO post relocation sa C. Mercado St., Guiguinto, Bulacan.
Layunin ng inspeksyon na matiyak ang maayos at ligtas na pagpapatupad ng proyekto para sa ikagiginhawa ng ating mga motorista at mamamayan.