02/10/2026
๐จ Heads up: Pinag-utos ng Supreme Court En Banc โ๏ธ sa Office of the President, Senado, Kamara, at COMELEC na mag-comment sa petisyon ni Atty. Romulo Macalintal laban sa RA 12326 โ ang batas na nag-postpone ng Barangay at SK Elections mula Nov 2026 papuntang Nov 2028 ๐ณ๏ธ. May TRO/SQAO request din. โณ 5 days na lang ang binigay sa mga respondente. Worth watching ito. ๐
Inutusan ng En Banc ng sa sesyon nito ngayong Setyembre 30, 2026, ang Office of the President, Senado, Kamara, at COMELEC na magsumite ng kanilang komento sa petisyong certiorari at prohibition na inihain ni Romulo Macalintal.
Kinukuwestiyon ng petisyon ang legalidad ng RA 12326, at hinihiling din nito ang pag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) at/o Status Quo Ante Order (SQAO).
Binigyan ang mga respondente ng limang araw na takdang panahon, na hindi na maaaring palawigin, mula sa pagtanggap ng abiso.
Ang RA 12326, na isinabatas noong Setyembre 24, 2026, ay nagtakda ng limang taon na termino para sa mga opisyal ng barangay at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan. Ipinagpaliban din nito ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2026 at inilipat ang mga ito sa Nobyembre 2028.
Iginiit ni Macalintal na nilalabag ng bagong batas ang karapatan ng mga botante na bumoto dahil ipinagpapaliban nito ang 2026 BSKE sa pamamagitan ng pagtatakda ng bagong haba ng termino ng mga opisyal.
Ayon sa kanya, sa bisa nito, pinapayagan ang mga kasalukuyang opisyal ng barangay at SK na manatili sa kanilang mga posisyon nang dagdag na tatlong taon, mula Disyembre 2025 hanggang Nobyembre 2028.
Basahin ang kabuuan ng Press Briefer sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=174115
Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/