20/10/2026
📣 𝑲𝑨𝑩𝑨𝑻𝑨𝑨𝑵𝑮 𝑷𝑨𝑪𝑨𝑪, 𝑨𝑵𝑶𝑵𝑮 𝑵𝑬𝑿𝑻 𝑷𝑹𝑶𝑱𝑬𝑪𝑻 𝑨𝑵𝑮 𝑰𝒀𝑶𝑵𝑮 𝑩𝑬𝑻?
May project idea ka ba para sa kabataan ng Pacac? May programa ka bang matagal nang gustong maisakatuparan para sa ating barangay? O may mungkahi ka bang makatutulong sa pag-unlad at kapakanan ng ating kapwa kabataan?
https://forms.gle/7CPVPUXLbXPVZR6u5
Ito na ang pagkakataon mong marinig at maisakatuparan ang iyong mga ideya! Tara na at makiisa sa ating 𝐒𝐊 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟕!
Sa pangunguna ni 𝑺𝑲 𝑪𝒉𝒂𝒊𝒓𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝑹𝒆𝒏𝒚 𝑹𝒆𝒏𝒛 𝑩𝒂𝒓𝒓𝒊𝒆𝒏𝒕𝒐𝒔 𝑰𝑰 at ng 𝐒𝐊 𝐏𝐚𝐜𝐚𝐜 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥, layunin ng programang ito na bigyang-puwang ang mga mungkahi, pangangailangan, at adhikain ng mga kabataan bilang gabay sa pagpaplano ng mga proyekto at programang isasakatuparan sa taong 2027.
Hindi lamang boses mo ang mahalaga-mahalaga rin ang iyong mga ideya, mungkahi, at aktibong pakikilahok! Bawat suhestiyon ay maaaring maging simula ng isang makabuluhang proyekto.
Kaya huwag mahiyang magbahagi ng iyong saloobin. Malay mo, ang ideya mo na ang maging susunod na programang magbibigay ng positibong pagbabago sa ating komunidad!
🗣️ Boses mo. Ideya mo. Kinabukasan natin.
🤝 Ang SK Project Consultation 2027 ay handog ng Sangguniang Kabataan ng Pacac sa pangunguna ng mga sumusunod:
𝐒𝐊 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋
𝑺𝑲 𝑪𝒉𝒂𝒊𝒓𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 — Reny Renz Barrientos II
𝑺𝑲 𝑴𝒆𝒎𝒃𝒆𝒓 — Ephraim Aron M. Esteban
𝑺𝑲 𝑴𝒆𝒎𝒃𝒆𝒓 — Angelie Rose E. Barboza
𝑺𝑲 𝑴𝒆𝒎𝒃𝒆𝒓 — Catherine L. Cosilet
𝑺𝑲 𝑴𝒆𝒎𝒃𝒆𝒓 — Kenn Onil Bernabe
𝑺𝑲 𝑴𝒆𝒎𝒃𝒆𝒓 — Romeo Lagbao
𝑺𝑲 𝑴𝒆𝒎𝒃𝒆𝒓 — Raymond Carbonel
𝑺𝑲 𝑴𝒆𝒎𝒃𝒆𝒓 — John Mark Mina
𝑺𝑲 𝑺𝒆𝒄𝒓𝒆𝒕𝒂𝒓𝒚 — Jheimi-Ann Xyrene Therizza Manalili
𝑺𝑲 𝑻𝒓𝒆𝒂𝒔𝒖𝒓𝒆𝒓 — Monina Kaye Verde
Sama-sama nating buuin ang mga proyektong tunay na tumutugon sa pangangailangan ng kabataan! Dahil sa Barangay Pacac, bawat boses ay mahalaga, bawat ideya ay may puwang, at bawat kabataan ay may kakayahang maging bahagi ng pagbabago.
Tara na, Kabataang Pacac! Makilahok, magmungkahi, at maging bahagi ng pagpaplano para sa mas makabuluhang 2027!