Nagkakaisang Maturanoc

Nagkakaisang Maturanoc

Share

This is the Official page of Barangay Maturanoc, Guimba, Nueva Ecija.

Photos from Nagkakaisang Maturanoc's post 25/04/2026

ALALAY SA MGA KA-BARANGAY | FEEDING PROGRAM PARA SA MGA BATA

Present sa feeding program ang maraming bata ngayong araw, April 25 na ginanap sa Maturanoc Umali Gym at purok uno kasama ang kanilang mga magulang. Ang programang ito ay pinangunahan ng ating Punong Barangay Raul Romano kasama ang ating mga barangay kagawad na naglalayong makapaghandog ng munting tulong sa ating mga paslit sa pamamagitan ng paghahain ng masustansyang pagkain.

Ito ay patunay na maging sa ating mga anak ay nakasuporta pa rin ang ating Pamahalaang Barangay.



Photos from Nagkakaisang Maturanoc's post 25/04/2026

PONDO NG BARANGAY, PARA SA MAAYOS NA TULAY 🀝

Matapos ang CCTV installation project noong Pebrero, malugod po naming ibinabalita sa inyo ang isa na namang proyektong pinondohan mula sa 20% development fund na natapos ngayong Abril, ito ay sa pangunguna pa rin ng ating Sangguniang Barangay β€” tulay na ginawa sa Binituan River na magbibigay daan at direktang koneksyon sa pagitan ng Barangay Maturanoc at Sta. Lucia.

Maraming salamat po Kap. Raul Romano at sa ating mga kagawad, Konse Joselito Garcia, Konse Laura Bernardo, Konse Arnold Agustin, Konse Louie Baldo, Konse Romeo Barela, Konse Elmer Avera at Konse Wilfredo Rebillaco.

Isa na namang patunay na ang ating Sangguniang Barangay ay may pusong nagmamalasakit para sa mamamayang Maturanoc.




23/04/2026

SA MGA INTERESADO PO DITO:
Pwede po kayong magpalista sa barangay hall. 20 na matanda para sa libreng bunot at 15 na bata para sa fluoride application lamang po ang ililista. Salamat po! 😘

DENTAL MISSION ALERT ‼️

May libreng bunot po ng ngipin at fluoride application para sa mga batang edad 6-8 (allotted for 15 children only). Ito po ay gaganapin sa BLUN, sa April 25, 2026 (Sabado), mula 8:00 AM hanggang 12NN. Ito po ay sponsored ni SBM Kent Natividad.

21/04/2026

DENTAL MISSION ALERT ‼️

May libreng bunot po ng ngipin at fluoride application para sa mga batang edad 6-8 (allotted for 15 children only). Ito po ay gaganapin sa BLUN, sa April 25, 2026 (Sabado), mula 8:00 AM hanggang 12NN. Ito po ay sponsored ni SBM Kent Natividad.

17/04/2026

πŸ“’ Ano ang Importansya ng KK Assembly?

Ang Katipunan ng Kabataan Assembly ay isang mahalagang pagtitipon kung saan ang mga kabataan ng Barangay ay:

βœ… Nakakapagbahagi ng kanilang saloobin, mungkahi, at concerns
βœ… Nakikilahok sa paggawa ng mga desisyon para sa mga proyekto ng SK
βœ… Nagkakaroon ng transparency at accountability sa mga plano at pondo ng SK
βœ… Natututo ng responsableng partisipasyon sa pamahalaan bilang kabataan
βœ… Nabibigyan ng boses at representasyon ang lahat ng miyembro ng Katipunan ng Kabataan

πŸ—£οΈ Sa madaling salita, ang KK Assembly ay boses ng kabataan sa Barangay, dito nag-uugat ang mas makabuluhan at epektibong proyekto para sa ating lahat.

Isa ka na ba sa nakadalo ng ating pagtitipon? Comment down below kung "OO".

Tara, makiisa at dumalo! ✨

14/04/2026

MAY PROBLEMA SA MATA? KAILANGAN NG SALAMIN?

May libreng eye consultation sa ating barangay. Magpunta lamang po sa Maturanoc Umali Gym sa April 18, 2026, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

07/04/2026

πŸ“’ MAHALAGANG ANUNSYO πŸ“’

Para po sa mga member ng RSBSA na hindi pa nasukatan ang sinasakang bukid at gustong magpasukat, magpunta lamang po kayo sa ating barangay hall sa April 14, 2026 bandang alas-8 ng umaga. Salamat po.

Photos from Nagkakaisang Maturanoc's post 04/04/2026

πŸ“’ NAPULOT NA SUSI πŸ“’

Kung sinuman po ang may ari ng susi na ito, nahulog po sa bandang kanto ng purok dos. Pakikuha na lang po sa barangay hall.

03/04/2026

πŸ“’πŸ“’πŸ“’

Magandang gabi po! Baka po may nakapansin o nakapulot ng cellphone na REDMI A1 BLACK na walang case sa bandang kanto ng purok 3 hanggang sa school. Ipagbigay alam po ito o pakibalik po sa ating barangay hall. Maraming salamat po. 😊

Photos from Nagkakaisang Maturanoc's post 29/03/2026

Maayos na naidaos ang Barangay Assembly ngayong araw. Kumpletong naghayag ng kanilang mga naging proyekto at plano ang mga opisyales ng ating Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kap. Raul C. Romano.

24/03/2026

ππ€π‘π€ππ†π€π˜ π€π’π’π„πŒππ‹π˜ πƒπ€π˜ (πŸπ’π“ π’π„πŒπ„π’π“π„π‘ - π‚π˜ πŸπŸŽπŸπŸ”)

β€œπ˜•π˜’π˜¨π˜¬π˜’π˜¬π˜’π˜ͺ𝘴𝘒𝘯𝘨 π˜‰π˜’π˜³π˜’π˜―π˜¨π˜’π˜Ί 𝘡𝘢𝘯𝘨𝘰 𝘴𝘒 𝘬𝘒𝘭π˜ͺ𝘯π˜ͺ𝘴𝘒𝘯, 𝘬𝘒𝘒𝘺𝘢𝘴𝘒𝘯, 𝘬𝘒𝘱𝘒𝘺𝘒𝘱𝘒𝘒𝘯 𝘒𝘡 π˜¬π˜’π˜Άπ˜―π˜­π˜’π˜³π˜’π˜―β€

Magandang araw po! Ang atin pong barangay ay magsasagawa ng π™±πšŠπš›πšŠπš—πšπšŠπš’ π™°πšœπšœπšŽπš–πš‹πš•πš’ π™³πšŠπš’ para sa first semester ng kasalukuyang taon. Inaanyayahan po ang lahat na dumalo at makiisa sa gagawing aktibidad.

Ito po ay gaganapin sa:
πŸ“Lugar: Maturanoc Gymnasium
πŸ—“οΈ Petsa: Marso 29, 2026 (Linggo)
⏰ Oras: Alas-2 ng hapon (2:00 P.M)

✨Ang inyong presensya ay mahalaga upang mas mapalakas ang ating pagkakaisa at maitaguyod ang mas maayos at progresibong komunidad.

Maraming salamat po!


Want your business to be the top-listed Government Service in Guimba?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Maturanoc
Guimba
3115