02/06/2026
I N P H O T O S | Pakiki-isa sa Brigada Eskwela 2026
Muling Naki-isa ang Pamahalaang Barangay ng Viva Narvacan I, sa isinasagawang Brigada Eskwela ngayong taong 2026 dito sa Narvacan Uno ES, Sa Pangunguna ni Punong Barangay Barcelona KapDan at kaniyang mga Konsehales at mga Empleyado ng Barangay.
Layunin nito na mas maging maayos at maaliwalas ang kapaligiran ng ating Paaralan, para sa kaligtasan ng ating mga Mag-aaral na mag Babalik Eskwela na sa darating na Lunes (June 8, 2026).
Maraming Salamat po sa lahat ng nakiisa at tumulong.
31/05/2026
Barangay Viva Narvacan I
Weekly Flag Raising Ceremony
June 1, 2026
゚
31/05/2026
Handa na ba ang lahat sa Balik Eskwela A.Y 2026-2027?
Heto na po ang inaatay at inaabangan ninyo.
"THE FUTURE BELONGS TO THOSE WHO BELIEVE IN THE BEAUTY OF THEIR DREAMS”-Eleanor Roosevelt
AT DAHIL NANINIWALA KAMING ANG EDUKASYON ANG ATING SANDATA PARA SA ATING MAGANDANG KINABUKASAN.
Mamamahagi po ang Inyong lingkod ng LIBRENG SCHOOL SUPPLIES sa ating Barangay Viva Narvacan I at iba pang mga karatig na Barangay;
● BARANGAY NARVACAN I
- Para sa lahat ng Studyante ng Barangay Narvacan I, Elem. School. (Day Care to Grade 6)
- SAAN: Barangay Narvacan I Gymnasium
- KAILAN: To be Announce Soon
● BARANGAY NARVACAN 2
- Para sa lahat ng studyante mula DAYCARE hanggang GRADE 3 ng Barangay Narvacan 2 Elem. School.
- SAAN: Barangay Narvacan 2, Elem. Gymnasium
- KAILAN: To be Announce Soon
● BARANGAY PACAC
- Para sa lahat ng studyante mula DAYCARE hanggang GRADE 3 ng Barangay Pacac, Elem. School.
- SAAN: Barangay Pacac, Elem Gymnasium
- KAILAN: To be Announce Soon
● BARANGAY CASONGSONG
- Para sa lahat ng studyante mula DAYCARE hanggang GRADE 3 ng Barangay Casongsong, Elem. School.
- SAAN: Barangay Casongsong Elem. Gymnasium
- KAILAN: To be Announce Soon
SA MGA KABATAANG NABIBIGYAN NG PAGKAKATAONG MAG-ARAL, PAGBUTIHAN PO NINYO. Kayo po ang unang makikinabang kapag nakatapos kayo. Believe in the power of your DREAMS.
SERBISYONG HANDOG NI KAPDAN PARA SA NARVACAN ONE at karatig Barangay.
24/05/2026
Barangay Viva Narvacan I
Weekly Flag Raising Ceremony
May 25, 2026
Sa Pangunguna ni Punong Barangay Kgg. Danrebb M. Barcelona, Mga Barangay Officials at Empleyado ng Pamahalaan.
Itinaas sa kalahati lamang ang Watawat upang maipakita ang taos pusong Pakikiramay ng Pamahalaan sa kapwa nating lingkod barangay na namayapa na..
゚
24/05/2026
Ang Pamahalaang Barangay ng Viva Narvacan I, Sa pangunguna ni Punong Barangay Kgg. DANREBB M. BARCELONA, kaniyang Pamilya, Mga Barangay Kagawad at Iba pang Opisyales/Empleyado ng Pamahalaang Barangay,
Ay lubos po na nag Papaabot ng Madalamhating Pakikiramay sa Pamilyang naulila ng ating Ka-Barangay at Kapwa Lingkod Barangay ng Pamahalaang Barangay ng Narvacan I, na si G. Novelito Calpito Cabudol, BARC Chairman +.
Sa mundong ibabaw ka lamang lilisan, ngunit patuloy kang mananahan sa aming puso't Isipan... Maraming Salamat sa iyong hindi matatawarang serbisyo at Hanggang sa Muli G.. Novelito..
G. Novelito Calpito Cabudol +🕊
November 28, 1950 - May 23, 2026
19/05/2026
𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎 | BESWMC 2nd Quarter Project
May bilang na Dalawampu't Isang (21) Trash Cans ang paunang naging proyekto ngayong 2nd Quarter taong kasalukuyan ng Barangay Ecological Solid Waste Management Committee (BESWMC) ang nakahanda na para maipamigay sa mga tindahan sa nasasakupan ng ating Barangay Viva Narvacan I.
Sa pangunguna ni BESWMC Chairman/Punong Barangay Kgg. Danrebb M. Barcelona, kaninang Vice Chairman/SBM Committee on Environment Kag. Felicidad V. Calpito, at iba pang miyembro ng komite.
Maraming Salamat rin po kay ate Armilyn Centro at kay kuya Carlito Martinez..
Para sa Maayos at Masinop na Basura tungo sa maaliwalas na Barangay Viva Narvacan Uno.
18/05/2026
Barangay Viva Narvacan I
Weekly Flag Raising Ceremony
May 18, 2026
゚
17/05/2026
Kumusta po mga ka-barangay sa Viva Narvacan I?
Sobrang lakas po ng ulan, Ibayong pag ingat po, lalo na sa mga bumabyahe, Safety First po.