02/10/2026
UNANG BATCH NG EXTERNAL ASSESSMENT NG MGA CHILD DEVELOPMENT CENTER SA GUMACA
Noong Setyembre 29 hanggang Oktubre 2, 2026, isinagawa ang First Batch of External Assessment ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa Bayan ng Gumaca, sa pangunguna ni Ms. Nancy M. Ilagan.
Sa loob ng apat na araw, isinagawa ang assessment, validation, at evaluation ng 41 Day Care Centers sa iba’t ibang barangay ng Gumaca. Layunin nito na masuri ang kalidad ng serbisyo, pagsunod sa mga itinakdang pamantayan, pagpapatupad ng programa, at kondisyon ng mga pasilidad para sa ating mga batang Day Care learners.
Ang gawaing ito ay mahalagang hakbang upang patuloy na mapahusay ang mga programa at serbisyo para sa Early Childhood Care and Development (ECCD) at matiyak ang pagkakaroon ng ligtas, maayos, at child-friendly na learning environment para sa bawat bata.
Binabati at pinasasalamatan ang lahat ng ating Day Care Workers, mga magulang, Barangay Officials, at lahat ng nakiisa at nagbigay ng suporta sa matagumpay na pagsasagawa ng unang batch ng External Assessment!
Ang inyong dedikasyon, pakikiisa, at patuloy na suporta ay mahalaga sa pagsusulong ng dekalidad na serbisyo para sa ating mga batang Gumaqueño.