30/07/2026
𝐓𝐔𝐏𝐀𝐑𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐑𝐀𝐏! | 𝐒𝐊 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐁𝐨𝐭𝐚 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐅𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟔
Good news, mga iskolar ng bayan!
Bilang bahagi ng ating patuloy na suporta sa edukasyon, opisyal nang binubuksan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Villa Bota – Committee on Education ang 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 ng aplikasyon para sa SK Villa Bota Educational Financial Assistance para sa mga indigent college students na nasa kanilang 4th year o inaasahang magtatapos ngayong Academic Year 2026-2027.
Siguraduhing kumpleto ang lahat ng documentary requirements upang maging kwalipikado sa validation.
🗓 Deadline ng Pagsusumite: August 28, 2026
⚠️ Paalala: Tanging mga aplikanteng nakapagsumite ng kumpleto, tama, at nasa oras na requirements ang tatanggapin para sa validation.
📩 Para sa iba pang katanungan, makipag-ugnayan sa inyong SK Chairperson o mag-message sa opisyal na SK Villa Bota page.
Ang edukasyon ay hindi lamang pangarap—ito ay karapatan at puhunan para sa mas maliwanag na kinabukasan. Sama-sama nating abutin ito!