22/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ฌ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐จ๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ง๐๐ก ๐๐๐๐ฃ๐๐ง๐ค ๐๐ค๐๐จ๐๐ฃ ๐๐ช๐ก๐ก๐ค๐ฃ
(๐๐ฏ๐ท๐ฆ๐ช๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ง ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐ช๐ด๐ต๐ฐ๐ณ๐ช๐ค๐ข๐ญ ๐๐ข๐ณ๐ฌ๐ฆ๐ณ ๐ฐ๐ง ๐๐ฆ๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ข๐ญ ๐๐ฆ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ณ๐ฐ ๐๐ฐ๐ค๐ด๐ช๐ฏ ๐๐ถ๐ญ๐ญ๐ฐ๐ฏ)
๐๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐บ ๐๐ข๐จ๐ถ๐ฎ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ, ๐๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข๐ฏ, ๐๐ฏ๐ต๐ช๐ฒ๐ถ๐ฆ
๐๐ฆ๐ฑ๐ต๐ฆ๐ฎ๐ฃ๐ฆ๐ณ 21, 2026
Si Heneral Leandro Locsin Fullon ay ipinanganak sa Hamtic, Antique noong Marso 1874. Noong Setyembre 1898, itinalaga siya ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ng Pilipinas bilang Komandante ng Expeditionary Forces, at pinalaya niya ang ilang bayan sa kanyang sariling lalawigan ng Antique. Pagkaraan ay nakipagsanib-puwersa siya kay Heneral Martin Delgado at sa iba pang rebolusyonaryong Ilonggo upang talunin ang mga kawal na Espanyol sa Arevalo at Molo (na ngayon ay bahagi na ng Lungsod ng Iloilo), na nagbigay-daan sa paglaya ng Iloilo at ng buong Panay noong Araw ng Pasko ng Taong 1898. Nang sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 1899, pinamunuan ni Hen. Fullon ang lokal na paglaban sa mga pwersang Amerikano sa Antique sa pamamagitan ng pakikipagdigmaang gerilya hanggang sa siya ay sumuko noong Marso 22, 1901. Pagkatapos nito, itinalaga siya bilang unang Pilipinong Gobernador ng Lalawigan ng Antique noong Abril 1901, isang posisyong hawak niya hanggang sa kanyang pagpanaw noong Oktubre 16, 1904.
Ang penipikasyong pangkasaysayan (marker) ay inilantad ni Alvin Alcid, Deputy Director for Programs and Projects ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (NHCP), kasama ang mga kaanak at salinlahi ni Hen. Fullon, kabilang ang dating Bise Mayor ng Hamtic na si Julie Anne Pacificador- Osunero at SB Member Ma. Eva D. Pacificador. Dumalo rin ang Gobernador ng Antique, Paolo Javier; Mayor ng Pandan Tomas Estoperez Jr.; Bise Mayor Plaridel Sanchez VI; mga lokal na opisyal ng pamahalaan; mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na sina Ricky M. Lavega at Vince Piccio III; pati na rin ang mga kinatawan nina Senador Loren Legarda at Kongresista AA Legarda.
๐ธ Janrey Dungganon