28/10/2026
๐๐๐๐๐ก๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐ฆ๐ ๐ฆ | Pag-unawa sa Ating mga Reaksyon at Damdamin
May mga pagkakataong hindi natin namamalayan kung paano natin hinaharap ang stress, takot, lungkot, o iba pang mabibigat na damdamin.
Minsan, iniiwasan natin ang isang sitwasyon, itinatanggi ang isang masakit na katotohanan, o nailalabas ang ating galit sa ibang tao.
Ang mga ganitong reaksyon ay maaaring may kaugnayan sa tinatawag na ๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ito ay ang mga hindi namamalayang paraan ng ating isipan upang maprotektahan tayo mula sa pagkabalisa at emosyonal na paghihirap.
Mahalagang maunawaan na ang defense mechanisms ay bahagi ng karaniwang karanasan ng tao. Bagama't nakatutulong ang mga ito upang pansamantalang makayanan ang mahihirap na sitwasyon, may mga pagkakataong maaari rin itong makahadlang sa pagharap sa tunay na pinagmumulan ng ating nararamdaman.
๐ง๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฎ๐ป: Hindi natin kailangang husgahan ang ating sarili dahil sa paraan ng ating pagtugon sa mahihirap na sitwasyon. Sa halip, maaari nating simulan sa pagkilala at pag-unawa sa ating mga damdamin at reaksyon.
Sa mas malalim na pag-unawa sa ating sarili, unti-unti rin nating natututunang harapin ang mga hamon ng buhay sa mas malusog na paraan.
Alamin ang iba't ibang uri ng defense mechanisms at kung paano ito nakaaapekto sa ating pang-araw-araw na buhay. Basahin ang mga larawan upang mas maunawaan ang paksang ito.
๐๐๐ก๐๐ฎ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐๐ฅ. ๐๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ข๐๐๐ข๐๐ฃ. ๐๐๐ข๐-๐จ๐๐ข๐ ๐จ๐ ๐๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐. ๐
๐ฅ๐ฒ๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ๐:
American Psychological Association. (n.d.). Defense mechanism. APA Dictionary of Psychology. https://dictionary.apa.org/defense-mechanism
Bailey, R., & Pico, J. (2023). Defense mechanisms. In StatPearls. StatPearls Publishing. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK559106/