Barangay Saba, Hermosa, Bataan

Call Directions Contact the organization

Barangay Saba, Hermosa, Bataan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Saba, Hermosa, Bataan, Government Organization, Saba, Hermosa.

20/10/2026

MAKIPAG-USAP SA PROPESYONAL SA UNANG SENYALES NG MENTAL HEALTH SYMPTOMS

Huwag nang hintaying lumala o maging labis ang bigat ng iyong pinagdadaan. Ang maagang paghingi ng tulong at gabay mula sa isang propesyonal ay mahalagang hakbang upang mapangalagaan ang ating mental health.

Kung ikaw o ang iyong kakilala ay nangangailangan ng propesyonal na tulong, may handang makinig sa inyo 24/7 NCMH Crisis Hotline: 1553 (Luzon-wide landline toll-free)





20/10/2026
17/10/2026

BUWAN NA NAMAN PARA SA VITAMIN A SUPPLEMENTATION!
Nay, Tay! Dalhin na ang inyong mga anak na 6-59 na buwang gulang sa pinakamalapit na barangay health station sa inyong lugar para makatanggap ng vitamin A drops, gayundin sa mga kapapanganak na nanay.

Kapag kulang sa vitamin A, magiging mahina ang katawan sa paglaban sa impeksyon, at babagal ang paglaki ng mga bata at ng development ng ilang mga organo.

Huwag balewalain ang nutrisyon! Patuloy namang pinapayo ng Bataan PHO na sundin ang Pinggang Pinoy at ang 10 Kumainments.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.

#

17/10/2026

Okay lang magpahinga, ha? Huwag mong hintaying ma-burnout ka bago mo bigyan ng oras ang sarili mo.

Minsan, ang pinakamagandang gawin ay huminto sandali, huminga nang malalim, at magpahinga.

Ngayong Mental Health Awareness Month, tandaang hindi kailangang laging maging matatag. May mga panahong kailangan ding magpahinga para muling makabangon at magpatuloy nang may panibagong lakas.

Hindi kasalanan ang magpahinga at magdahan-dahan sa gitna ng hamon ng buhay.

17/10/2026
17/10/2026

Kumusta?
Na-kumusta mo na ba ang mga mahal mo sa buhay?

Maging safe space tayo ng isa’t isa, lalo na ng ating pamilya. 👨‍👩‍👧‍👦

âś…Makinig nang may pag-unawa upang maiparamdam na hindi sila nag-iisa
âś…Makipag-usap kung may mabigat na pinagdadaanan
âś…Magpakonsulta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar





17/10/2026

HUWAG KALIMUTAN IPA-NEWBORN SCREEN SI BABY!
Ang newborn screening (NBS) ay isang pagsusuri na isinasagawa sa mga sanggol makalipas ang 24 oras pagkapanganak. Ito ay upang malaman kung ang sanggol ay mayroong congenital metabolic disorder at nang sa ganon ay mabigyan ng agarang aksyong medikal sakaling magpositibo siya sa congenital metabolic disorders at maagapan din ang maagang pagkamatay.

Kung kaya't ngayong National Newborn Screening Week, sigaw ng Bataan Provincial Health Office ay "Iligtas si baby sa intellectual disability at maagang pagkamatay, ipa-Newborn Screening si baby!"

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malusog at mapagkalingang komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.

17/10/2026

Zumba
October 17, 2026
Barangay Saba
Bataan Provincial Health Office

Address

Saba
Hermosa
2111

Telephone

+639076671335

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Saba, Hermosa, Bataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Saba, Hermosa, Bataan:

Shortcuts

Share