01/10/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ฬ๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ง๐๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ซ๐ญ๐จ. ๐๐๐ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ ๐ฌ๐ ๐ญ๐ฎ๐๐ข๐ . ๐๐๐ ๐ก๐๐ง๐๐ ๐ง๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐๐ ๐.
Ayon sa DOST-PAGASA Climate Advisory na inilabas noong September 23 2026, isang Strong El Niรฑo ang kasalukuyang umiiral sa Tropical Pacific at inaasahang lalakas pa sa mga susunod na buwan. Inaasahang maaari itong magpatuloy hanggang sa unang kalahati ng susunod na taon (2027).
Sa Pilipinas, maaaring magdulot ang Strong El Niรฑo ng mas mainit na panahon at mas mababang pag-ulan, na maaaring humantong sa dry spells, drought, kakulangan sa suplay ng tubig, epekto sa agrikultura, kalusugan, at iba pang water-dependent activities.
๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐?
๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐:
โข Magtipid at iwasan ang pag-aaksaya ng tubig.
โข Mag-imbak ng sapat at ligtas na tubig na maaaring inumin kung kinakailangan.
โข Panatilihing malinis at maayos ang mga lalagyan ng tubig.
โข Iwasan ang matagal na pagkabilad sa araw, lalo na sa oras ng matinding init.
โข Uminom ng sapat na tubig at bantayan ang mga bata, matatanda at iba pang maaaring mas madaling maapektuhan ng matinding init.
๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ค๐:
โข Magtipid at maayos na magplano sa paggamit ng tubig para sa irigasyon.
โข Panatilihing maayos ang irrigation systems at iba pang water facilities.
โข Isaalang-alang ang mga pananim na mas angkop sa tuyong kondisyon.
โข Gumamit ng mga pamamaraan upang mapanatili ang moisture ng lupa.
โข Subaybayan ang mga advisory ng DOST-PAGASA at kaukulang agricultural offices sa pagpa-plano ng farm activities.
๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐:
โข Bantayan ang kondisyon ng mga pinagkukunan ng tubig.
โข Maghanda ng contingency measures para sa posibleng water shortage.
โข I-monitor ang mga sektor at lugar na maaaring higit na maapektuhan ng matinding init o kakulangan sa tubig.
โข Panatilihing operational ang communication at early warning mechanisms.
โข Patuloy na maghanda para sa iba pang hazards dahil maaari pa ring magkaroon ng localized heavy rainfall, thunderstorms, at bagyo.
๐๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ซ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐ญ-๐ซ๐๐ฅ๐๐ญ๐๐ ๐๐ฅ๐ฅ๐ง๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฌ:
โข Heat cramps โ pananakit o pamumulikat ng kalamnan dahil sa matinding pagpapawis at pagkawala ng fluids at electrolytes.
โข Heat exhaustion โ matinding panghihina, pagkahilo, sakit ng ulo, pagsusuka o labis na pagpapawis.
โข Heat stroke โ isang medical emergency na maaaring maging life-threatening.
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐
Ang El Niรฑo ay maaaring magdulot ng mas tuyong kondisyon, ngunit hindi nangangahulugang ligtas na tayo sa pagbaha o iba pang weather-related hazards.
Manatiling alerto. Magtipid sa tubig. Maghanda nang maaga.
Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather at climate updates ng DOST-PAGASA at mga abiso ng ating Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO).