LGU IBA - Municipal Social Welfare & Development Services

Directions

LGU IBA -  Municipal Social Welfare & Development Services This is the official page of Muncipal Social Welfare and Development Services of LGU Iba. For inquiries, kindly send us a message!

For more updates on our local government, like and follow our main FB page: LGU IBA

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICES, ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON AUGUST 14Pursuant to Mem...
14/08/2026

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICES, ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON AUGUST 14

Pursuant to Memorandum Circular No. 126, government offices are directed to shift to appropriate alternative work arrangements in the National Capital Region and the following provinces on August 14, 2026:

πŸ“ National Capital Region (NCR)
πŸ“ Zambales
πŸ“ Bataan
πŸ“ Bulacan
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Tarlac
πŸ“ Nueva Ecija
πŸ“ Cavite
πŸ“ Batangas
πŸ“ Rizal
πŸ“ Laguna
πŸ“ Quezon
πŸ“ Occidental Mindoro

Unless otherwise directed by their respective Local Chief Executives, alternative learning modes for classes at all levels in public and private schools shall likewise be implemented in these areas.

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.

14/08/2026

SUSPENSION OF CLASSES β€” ALL LEVELS

Dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon (Habagat) at sa kasalukuyang ORANGE WARNING LEVEL sa Zambales, kung saan nagbabanta ang pagbaha, ipinababatid na SUSPENDIDO ANG KLASE SA LAHAT NG ANTAS (ALL LEVELS) ngayong araw, Agosto 14, 2026.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, umiwas sa mga lugar na maaaring bahain o magkaroon ng pagguho ng lupa, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng LGU Iba at PAGASA.

Manatiling ligtas, Ibanians.

πŸ“’ PAMPUBLIKONG PAHAYAGAlinsunod sa Memorandum Circular No. 122 na inilabas ng Office of the President noong 05 Agosto 20...
05/08/2026

πŸ“’ PAMPUBLIKONG PAHAYAG

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 122 na inilabas ng Office of the President noong 05 Agosto 2026, at bunsod ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Maymay at ng Habagat (Southwest Monsoon), SUSPENDIDO ANG TRABAHO SA LAHAT NG TANGGAPAN NG PAMAHALAAN AT ANG KLASE SA LAHAT NG ANTAS, PAMPUBLIKO O PRIBADO, SA BAYAN NG IBA, ZAMBALES SA HUWEBES, 06 AGOSTO 2026.

Mananatiling bukas at magpapatuloy ang operasyon ng mga ahensyang nagbibigay ng:

* mga pangunahing serbisyo;
* serbisyong pangkalusugan;
* paghahanda at pagtugon sa mga sakuna at kalamidad; at
* iba pang mahahalagang serbisyo upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng publiko.

Samantala, ang pagsuspinde ng trabaho sa mga pribadong kumpanya at opisina ay nasa pagpapasya ng kani-kanilang mga may-ari o namumuno.

Inaanyayahan ang lahat na manatiling mapagmatyag, sundin ang mga opisyal na abiso ng pamahalaan, at unahin ang kaligtasan sa gitna ng patuloy na nararanasang masamang panahon.

Maraming salamat at mag-ingat ang lahat.

WALANG PASOK SA MGA TANGGAPAN NG GOBYERNO AT KLASE SA LAHAT NG ANTAS SA AGOSTO 6

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 122, suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa:

πŸ“ National Capital Region (NCR)
πŸ“ Ilocos Sur
πŸ“ La Union
πŸ“ Benguet
πŸ“ Pangasinan
πŸ“ Abra
πŸ“ Zambales
πŸ“ Kalinga
πŸ“ Mountain Province
πŸ“ Ifugao
πŸ“ Ilocos Norte
πŸ“ Apayao
πŸ“ Nueva Vizcaya
πŸ“ Tarlac
πŸ“ Nueva Ecija
πŸ“ Bataan
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Bulacan
πŸ“ Rizal
πŸ“ Cavite
πŸ“ Batangas
πŸ“ Laguna
πŸ“ Occidental Mindoro

Ang mga ahensyang ang tungkulin ay ang paghahatid ng basic at health services, kahandaan at pagtugon sa sakuna at kalamidad, at/o iba pang mahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon.

WALANG PASOK SA LAHAT NG ANTAS SA BAYAN NG IBAAlinsunod sa patuloy na nararanasang masamang panahon dulot ng Habagat (So...
04/08/2026

WALANG PASOK SA LAHAT NG ANTAS SA BAYAN NG IBA

Alinsunod sa patuloy na nararanasang masamang panahon dulot ng Habagat (Southwest Monsoon) na pinalalakas ng Tropical Cyclone LUIS, at batay sa pinakahuling weather outlook ng PAGASA, isinasailalim sa class suspension ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Iba sa Miyerkules, Agosto 5, 2026.

Batayan ng suspensyon ang mga sumusunod na ulat ng PAGASA:
* Inaasahan ang malalakas hanggang matitinding pag-ulan (100–200 mm) sa Zambales sa Agosto 5 dulot ng Habagat na pinalalakas ng Tropical Cyclone LUIS.
* Nagbabala rin ang PAGASA na ang ganitong dami ng pag-ulan ay maaaring magdulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar, lalo na sa mga lugar na madaling bahain at landslide-prone.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, iwasan ang hindi kinakailangang paglabas ng bahay, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo mula sa LGU Iba, PAGASA, at iba pang kinauukulang ahensya.

Maraming salamat at manatiling ligtas Ibanians.

03/08/2026
WALANG PASOKBilang pag-iingat sa kaligtasan ng lahat dulot ng inaasahang patuloy na malalakas na pag-ulan na dala ng Tro...
02/08/2026

WALANG PASOK

Bilang pag-iingat sa kaligtasan ng lahat dulot ng inaasahang patuloy na malalakas na pag-ulan na dala ng Tropical Cyclone LUIS at ng Southwest Monsoon (Habagat), isinususpinde ang mga klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Iba, ngayong Lunes, August 3, 2026.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng LGU Iba at ng mga kinauukulang ahensya.

26/06/2026
26/06/2026
Isinagawa ang 2nd Quarter Sub-Sectoral Meeting ng Local Council for the Protection of Children (LCPC), Local Committee o...
26/06/2026

Isinagawa ang 2nd Quarter Sub-Sectoral Meeting ng Local Council for the Protection of Children (LCPC), Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC), at Gender and Development Focal Point System (GFPS).

Ito ay sa ilalim ng pamumuno ng ating Local Chief Executive, Hon. Irenea Maniquiz-Binan, katuwang ang mga departamyento at tanggapan ng lokal na pamahalaan na namamahala sa pagpapatupad ng mga PPAs, kasama ang ilang kinatawan ng sector ng lipunan kabilang ang Public Schools District Supervisor ng Iba, Zambales na si Ginoong George P. Acupan.

Sa pamamagitan ng pagpupulong na ito, tinitiyak natin na ang pagsulong ng ating mga itinakdang PPAs (Programs, Projects, and Activities) ay maayos na naipatutupad at nasusuportahan. Masusing tinalakay at pinakinggan din ang mga kasalukuyang isyu at usapin upang masiguro na ang transparency at tapat na pamamahala ay patuloy na napangangalagaan sa ating munisipalidad.

Sa pagsasama-sama ng ating mga estratehiya at pasilidad, patuloy nating pinagtitibay ang ating komitment na protektahan ang mga vulnerable sector at isulong ang gender-responsive governance sa Bayan ng Iba.

June 23, 2026
Iba Municipal Hall

Address

Purok 1, Dirita-Baloguen
Iba
2201

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU IBA - Municipal Social Welfare & Development Services posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share