Atty. Caryl Ardeña Balbuena

Directions

Atty. Caryl Ardeña Balbuena Legal Consultations | Notary Public

Grateful for the chance to have such a meaningful discussion with the student leaders of University of Batangas. Also, a...
22/09/2026

Grateful for the chance to have such a meaningful discussion with the student leaders of University of Batangas.

Also, a huge thank you Sir/Dr. V of the SAEP Office for inviting me (and kuya norvs, also a former member of the UBSG).

It’s been almost six years since my term as the Executive President of the student government. All the things I’ve learned from it, I bring it with me. It became a part of me. For all of these, I would forever be thankful. 🤍

To all our young leaders,

Know your purpose. Lead with a heart.

*plays “pwede ng mangarap by Lyca Gairanod” 🎶

20/09/2026

Sa sesyon nito noong Agosto 16, 2026, nagkakaisang idineklara ng na inaatasan ng Article II, Section 26 ng Saligang Batas ang Kongreso na magpasa ng batas na nagbabawal sa mga political dynasty. Ayon sa Korte, ang kabiguan ng Kongreso na gawin ito sa loob ng 39 na taon ay maituturing na grave abuse of discretion (malubhang pag-abuso sa pagpapasya).

Hinimok ng Korte ang Kongreso na tuparin sa lalong madaling panahon ang tungkulin nito sa ilalim ng Konstitusyon na magpatibay ng batas laban sa mga political dynasty, tukuyin ang mga political dynasty, at itakda ang saklaw ng pagbabawal.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, pinagbigyan ng En Banc ng Korte Suprema ang pinagsamang mga petisyon para sa certiorari at mandamus sa G.R. Nos. 263934, 272370, at 279201.

Paliwanag ng Korte, ang Kongreso ay may “MANDATORY CONSTITUTIONAL DUTY to enact the law on the constitutional prohibition against political dynasties as expressly provided for in Article II, Section 26 of the Constitution.”

Ipinahayag din ng Korte na ang Kongreso “MUST HENCEFORTH AND WITH UTMOST URGENCY ENACT THE APPROPRIATE ANTI-POLITICAL DYNASTY LAW AT THE EARLIEST OPPORTUNITY.”

Nakasaad sa Article II, Section 26 ng Konstitusyon: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.” Ibig sabihin, titiyakin ng Estado ang pantay na pagkakataon para sa paglilingkod-bayan at ipagbabawal ang mga political dynasty na itatakda ng batas.

Sinabi ng Korte na hindi lamang isang mithiin kundi isang utos ng Konstitusyon ang probisyong ito. Malinaw sa paggamit ng salitang “shall” na may mandatoryong tungkulin ang Estado na tiyakin ang pantay na pagkakataon sa paglilingkod-bayan at ipagbawal ang mga political dynasty.

Ayon sa Korte, ang pariralang “as may be defined by law” ay hindi nagbibigay sa Kongreso ng opsyon kung ipagbabawal o hindi ang mga political dynasty. Sa halip, binibigyan nito ang Kongreso ng kapangyarihang tukuyin kung ano ang bumubuo sa political dynasty at itakda ang saklaw ng pagbabawal.

Dagdag pa nito, ang matagal nang kabiguan ng Kongreso na magpatibay ng batas laban sa mga political dynasty ay maituturing na grave abuse of discretion.

Binigyang-pansin ng Korte ang maraming panukalang batas laban sa mga political dynasty na inihain ngunit hindi naisabatas mula nang pagtibayin ang 1987 Constitution. Isinaalang-alang din nito ang mga pag-aaral tungkol sa lawak ng mga political dynasty at ang kaugnayan ng mga ito sa socioeconomic conditions sa bansa.

Sinabi pa nito na nananatiling laganap ang mga political dynasty at umabot na rin ang mga ito sa party-list system. Sa kabila ng mga pagbabago sa komposisyon ng Kongreso sa paglipas ng mga taon, wala pa ring naipapasang komprehensibong batas laban sa mga political dynasty na nagpapahiwatig umano ng kawalan ng interes, pag-iwas para sa sariling kaginhawaan, o pagtataguyod ng pansariling interes.

Bagama’t walang itinakdang deadline ang Konstitusyon para sa Kongreso na magpatibay ng naturang batas, nagpasya ang Korte na hindi ito nangangahulugang maaaring ipagpaliban ng Kongreso nang walang takdang panahon ang tungkulin nito sa ilalim ng Saligang Batas. Sa pasya ng Korte, ang 39 na taon ay lampas na sa makatwirang panahon para maisakatuparan ang utos ng Konstitusyon. Dahil dito, ang patuloy na kawalan ng aksyon ng Kongreso ay bumubuo ng patuloy na paglabag sa tungkulin nito sa ilalim ng Konstitusyon.

Basahin ang press briefer sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=173242.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=173192.

Basahin ang Concurring Opinion ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=173197.

Basahin ang Concurring Opinion ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=173209.

Basahin ang Separate Opinion ni Associate Justice Rodil V. Zalameda sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=173202.

Basahin ang Separate Concurring Opinion ni Associate Justice Japar B. Dimaampao sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=173214.

Basahin ang Separate Opinion ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=173225.

Basahin ang Separate Concurring Opinion ni Associate Justice Raul B. Villanueva sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=173231.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


18/09/2026

Muling binigyang-diin ng na ang pinarurusahan ng Republic Act No. 9262, o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, ay hindi ang mismong pagtataksil sa asawa, kundi ang sikolohikal na karahasan (psychological violence) na kalakip nito na nagdudulot ng pagdurusang pangkaisipan o emosyonal (mental and emotional suffering) sa asawang babae.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, pinagtibay ng Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema ang hatol ng pagkakasala ng isang lalaki sa paglabag sa Section 5(i) ng Anti-VAWC Act na nagpaparusa sa pagdudulot ng pangkaisipan o emosyonal na pagdurusa, panlilibak o kahihiyan sa isang babae o sa kanyang anak.

Ikinasal ang mag-asawa noong 1999 at nagkaroon ng dalawang anak. Nagsimula ang kanilang problema sa pagsasama noong 2009 nang simulan ng lalaki ang pag-uwi nang gabi at pagiging malayo sa kanyang pamilya. Noong Enero 2010, nagpadala ng mga mensahe sa telepono ang lalaki sa kanyang asawa na nagsasabing hindi na siya uuwi, gusto na niyang mamuhay mag-isa, at nagbabalak na ipawalang-bisa ang kanilang kasal.

Nalaman kalaunan ng babae na may kinakasamang ibang babae na ang kanyang asawa. Nagmatyag ang kapatid ng babae at isang pampribadong imbestigador at natuklasang totoo ngang may iba nang kinakasama ang lalaki. May mga saksi din na nagsabi sa babae tungkol sa relasyon ng asawa nito at ng kinakasama.

Sinampahan ng kasong psychological violence (sikolohikal na karahasan) ang asawang lalaki sa Regional Trial Court (RTC). Sa paglilitis, isinalaysay ng asawang babae na nagdulot sa kanya ng matinding pagdurusang pangkaisipan at emosyonal ang mga ginawa ng kanyang asawa, pati na rin ang pagkawala ng pagpapahalaga sa sarili at dangal. Sinabi niyang nakaranas siya ng depresyon at ilang beses na nagtangkang magsuicide.

Nalaman ng sikolohistang sumuri sa asawang babae ang mga senyales ng depresyon, kabilang ang pakiramdam ng kawalan ng halaga, kawalan ng tulog, paghihirap sa pagtuon ng pansin, at mga problema sa pakikipag-ugnayan sa iba. Iniugnay ng sikolohista ang mga emosyonal na paghihirap na ito sa hidwaan ng asawang babae sa kanyang asawa at sa pag-iwan nito sa pamilya para sa ibang babae.

Pinagtibay nang buo ng Korte Suprema ang desisyong nagpapatunay na guilty sa sikolohikal na karahasan sa ilalim ng Anti-VAWC Act ang asawang lalaki. Dahil dito, pinatawan siya ng parusang pagkakulong nang hanggang walong taon at inutusang magbayad ng PHP 100,000 na multa at PHP 30,000 na moral damages sa kanyang asawa. Inatasan din siya ng Korte Suprema na sumailalim sa obligadong psychological counseling o psychiatric treatment.

Paliwanag ng Korte, depende sa sitwasyon, ang pakikipagrelasyon sa labas ng kasal ay maaaring magdulot ng pagdurusang pangkaisipan o emosyonal sa asawang babae pero kailangan pa ring patunayan ito.

Sa kasong ito, pinagtibay ng Korte Suprema na ang salaysay ng asawang babae, ang kanyang psychological evaluation, at ang mga pahayag ng iba pang saksi ay sapat na nakapagpatunay na nagdulot sa kanya ng pagdurusang pangkaisipan at emosyonal ang mga ginawa ng kanyang asawa.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=173362.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/268619-###-vs-people-of-the-philippines/.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


I am pleased to share that I am now commissioned as a Notary Public. ⚖️For notarial services and other legal concerns, a...
12/09/2026

I am pleased to share that I am now commissioned as a Notary Public. ⚖️

For notarial services and other legal concerns, appointments may be arranged through this page.

📞 09774157699
📧 [email protected]
📍 221, Brgy. Coliat II, Ibaan Batangas

12/09/2026

Address

221 Coliat II, Ibaan Batangas
Ibaan
4230

Opening Hours

Monday 8:30pm - 9:30pm
Tuesday 8:30pm - 9:30pm
Wednesday 8:30pm - 9:30pm
Thursday 8:30pm - 9:30pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 1pm - 8pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty. Caryl Ardeña Balbuena posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category