DILG Province of Isabela - Region II

Call Directions Website Contact the organization

DILG Province of Isabela - Region II The Official page of Department of the Interior and Local Government - Isabela. Follow us! htt

Mga Pamahalaang Lokal ng Isabela, Humakot ng mga Parangal sa CY 2026 EAGLEKinilala ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaa...
22/10/2026

Mga Pamahalaang Lokal ng Isabela, Humakot ng mga Parangal sa CY 2026 EAGLE

Kinilala ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) Rehiyon 02 ang mga natatanging lokal na pamahalaan at barangay mula sa Isabela, sa isinagawang CY 2026 Excellence Award for Governance and Leadership (EAGLE) Regional Awarding Ceremonies noong ika-20 ng Oktubre, 2026, sa Casa Jardin by Zen, Lungsod ng Santiago.

Itinampok sa seremonya ang mga nakamit na tagumpay ng mga pamahalaang lokal na nagpakita ng natatanging pagganap at dedikasyon sa paglilingkod sa pamamagitan ng mahusay at tumutugong pamamahala, pagsiguro ng kaligtasan ng komunidad, at pagsulong sa inklusibong kaunlaran. Kabilang sa mga kinilala ang mga pinarangalan sa pambansang antas sa ilalim ng Anti-Drug Abuse Council (ADAC) at Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities (PACFMC), na binigyan din ng parangal sa nasabing seremonya.

Ang mga sumusunod ay ang mga lokal na pamahalaan na nakatanggap ng mga parangal:

2025 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) National Awardees
🏆Aurora, Isabela
🏆Burgos, Isabela
🏆Delfin Albano, Isabela
🏆Mallig, Isabela

2025 Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities (PACFMC) National Awardees
🏆Cabagan, Isabela, National Winner
🏅Santiago City, National Finalist

2026 Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities (PACFMC) National Finalists
🏅City of Ilagan, Isabela, National Finalist
🏅Santiago City, National Finalist

2026 Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) Regional Awardees
🏆Barangay Bacnor East, Burgos, Isabela – Regional Winner and National Finalist, Most Outstanding Lupong Tagapamayapa – Third-Class Municipalities Category
🏅Barangay San Andres, Santiago City – First Runner-Up, Most Outstanding Lupong Tagapamayapa – City Category

BESTS: BEST BARANGAY, EXECUTIVE, SANGGUNIANG BARANGAY, TREASURER, AND SECRETARY

Most Outstanding Barangay – City Category
🏆Regional Winner: Barangay Malvar, Santiago City

Most Outstanding Barangay Executive – City Category
🏆Regional Winner: Hon. Manuel G. Santiago II, Barangay Executive of Malvar, Santiago City

Most Outstanding Sangguniang Barangay – City Category
🏆Hall of Fame: Barangay Malvar, Santiago City
🏅Runner-up: Barangay San Andres, Santiago City

Most Outstanding Barangay Secretary – City Category
🏆Regional Winner: Angeli E. Taar, Barangay Secretary of Malvar, Santiago City

Most Outstanding Barangay Treasurer – City Category
🏆Regional Winner: Marites T. Fariñas, Barangay Treasurer of San Fermin, Cauayan City, Isabela

Most Outstanding Barangay – Municipality Category
🏅 Nominee: Barangay San Antonio, Delfin Albano, Isabela

Most Outstanding Barangay Executive – Municipality Category
🏅 Nominee: Hon. Fortune Celeste T. Gabriel, Barangay Executive of Barangay San Antonio, Delfin Albano, Isabela

Most Outstanding Sangguniang Barangay – Municipality Category
🏆Regional Winner: Barangay San Antonio, Delfin Albano, Isabela

Most Outstanding Barangay Secretary – Municipality Category
🏅 Nominee: Maryjo A. Bartolome, Barangay Secretary of Malapat, Cordon, Isabela

Most Outstanding Barangay Treasurer – Municipality Category
🏅 Nominee: Jing-Jing D. Sapiil, Barangay Treasurer of Malapat, Cordon, Isabela

Most Outstanding Barangay Tanod Team – City Category
🏆Regional Winner: Barangay Alibagu, City of Ilagan, Isabela

Most Outstanding Barangay Tanod Individual – City Category
🏆Regional Winner: Joel A. Liquigan, Barangay Tanod of Alibagu, City of Ilagan, Isabela

Most Outstanding Barangay Tanod Team – Municipality Category
🏆Hall of Fame: Barangay Maligaya, Tumauini, Isabela
🏅 Nominee: Barangay San Andres, San Mateo, Isabela

Sumasalamin ang kanilang mga tagumpay sa mahalagang papel ng mga lokal na pamahalaan at barangay sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, pag-iwas sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pangangalaga sa mga karapatan ng mga bata, at pagpapalakas ng mekanismo para sa mapayapang paglutas ng mga alitan sa komunidad. Saludo ang DILG Isabela sa ipinamalas na galing at husay ng mga Isabeleño sa nasabing seremonya.




Kanlungan at pagkakaisa, dulot ng Proyektong Multi-Purpose Building sa Lalog 1 sa Bayan ng LunaKanlungan at pagkakaisa s...
22/10/2026

Kanlungan at pagkakaisa, dulot ng Proyektong Multi-Purpose Building sa Lalog 1 sa Bayan ng Luna

Kanlungan at pagkakaisa sa mga residente ng Lalog 1, Luna, Isabela ang dala ng proyektong Multi-Purpose Building. Ang nasabing proyekto ay pinasinayaan noong ika-11 ng Agosto 2026. Ito ay pinondohan sa pamamagitan ng Local Government Support Fund – Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU) FY 2024 na nagkakahalaga ng ₱15 milyon.

Matagumpay na idinaos ng Pamahalaang Lokal ng Luna, Isabela ang pagpapasinaya sa Construction of Multi-Purpose Building sa Barangay Lalog 1 noong ika-11 ng Agosto 2026. Ang bagong gusali ay magsisilbing lugar para sa mga pagpupulong, mga aktibidad ng komunidad, at pansamantalang kanlungan ng mga residente tuwing may sakuna.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Kgg. Adrian Leandro P. Tio na layunin ng Lokal na Pamahalaan na magkaroon ng mas malawak at maayos na lugar para sa mga pagpupulong at iba pang gawain ng mga residente. Ibinahagi rin niya ang kanyang kasiyahan sa naging resulta ng proyekto sa kabila ng limitadong pondong ipinagkaloob sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF).

Ayon kay Kgg. Tio, ang proyekto ay naging posible dahil sa pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Luna at ng mga residente. Binigyang-diin niya na ang paghingi ng tulong ay hindi tanda ng kahinaan, kundi bahagi ng bayanihan at sama-samang hangaring umunlad. Ibinahagi rin niya ang mga planong proyekto ng lokal na pamahalaan sa mga susunod na taon.

Pinuri naman ni Regional Director Agnes A. De Leon, CESO V ang pagkakaisa ng lokal na pamahalaan at ng komunidad na naging susi sa matagumpay na pagpapatayo ng gusali. Ayon sa kanya, ang proyekto ay hindi lamang isang gusali kundi simbolo rin ng bayanihan at pagkakaisa ng komunidad.

Nagpahayag din ng kasiyahan si Provincial Director Engr. Corazon D. Toribio, CESO V sa kalidad ng pagkakagawa ng gusali. Binigyang-diin niya na ang mga ganitong proyekto ay isang mahalagang pamana para sa mga mamamayan. Hinikayat din niya ang komunidad na alagaan at panatilihing maayos ang pasilidad upang mapakinabangan ito ng mga susunod na henerasyon.

Ang bagong Multi-Purpose Building ay nagsisilbing simbolo ng bayanihan at kaunlaran, at patunay ng patuloy na pagtutulungan para sa mas maunlad na kinabukasan ng bayan ng Luna.




DILG Isabela Reorganizes Provincial Monitoring Teams for LCAT-VAWC and Safe Spaces Act AssessmentsThe Department of the ...
22/10/2026

DILG Isabela Reorganizes Provincial Monitoring Teams for LCAT-VAWC and Safe Spaces Act Assessments

The Department of the Interior and Local Government (DILG) Isabela convened the Provincial Inter-agency Monitoring Team (PIMT) and Provincial Safe Spaces Monitoring Team (PSSMT) Reorganization Meeting on September 3, 2026, at the PSO Conference Hall, DRRM Complex, Capitol Compound, Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

The activity brought together representatives from the Department of Justice – Office of the Provincial Prosecutor (DOJ-OPP) Isabela, Isabela Police Provincial Office (IPPO), Isabela Provincial Health Office (IPHO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), and DILG Isabela to strengthen coordination in the implementation of local governance monitoring mechanisms. The meeting aimed to reorient the PIMT, clarify their respective roles and responsibilities, and establish a common understanding of the conduct of the 2026 Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) Functionality Assessment and Safe Spaces Act (SSA) Localization Monitoring.

Provincial Director Engr. Corazon D. Toribio, CESO V, in her opening message, emphasized the importance of the activity in assessing the capacity and compliance of local government units (LGUs) in promoting the safety, welfare, and protection of communities. She underscored that the monitoring mechanisms help identify systemic challenges, compliance gaps, and resource needs that may affect the effective implementation of gender-responsive laws and protection mechanisms at the grassroot level.

The members of the PIMT were provided with a detailed discussion of the assessment guidelines, technical notes, and compliance requirements for both monitoring activities. The required means of verification (MOVs) and assessment checklists were also discussed to promote consistent and objective evaluation of LGU compliance. The teams likewise reviewed the prescribed timelines and identified ways forward to ensure the timely completion and submission of assessment results to the Regional Office.

Through the reorganization and strengthened coordination of the PIMT, DILG Isabela seeks to support LGUs in improving their mechanisms for preventing and responding to trafficking, violence against women and children, and other forms of abuse and exploitation. The initiative reinforces the Province's commitment to responsive local governance and the protection of vulnerable sectors and communities.




DILG Isabela, pinalakas ang koordinasyon at serbisyong pampubliko sa ikalimang Provincial Team ConferenceIsinagawa ng Ka...
22/10/2026

DILG Isabela, pinalakas ang koordinasyon at serbisyong pampubliko sa ikalimang Provincial Team Conference

Isinagawa ng Kagawaran ng Interyor at Pamhalaang Lokal (DILG) Isabela ang ikalimang Provincial Team Conference (PTC) noong ika-29 ng Setyembre, 2026, sa Piazza Zicarelli Hotel, Restaurant and Bakeshop, Upi, Gamu, Isabela. Nagsilbing lugar ang kumperensya para sa pagsusuri ng mga naisagawang gawain, pagtalakay sa mga operasyon, pagtutugma ng mga prayoridad, at pagtukoy ng mga angkop na hakbang at estratehiya upang suportahan ang mahusay na pagpapatupad ng mga programa, proyekto, at aktibidad ng Tanggapan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Panlalawigang Patnugot Engr. Corazon D. Toribio, CESO V, ang paninindigan ng DILG Isabela hinggil sa maayos na pagsasagawa ng mga inter-agency activities at engagements. Ipinaalala rin niya sa mga field officers ang kanilang mga tungkulin at pananagutan sa pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin bilang C/MLGOOs sa kani-kanilang mga lugar na nasasakupan. Naglahad rin si PD Toribio ng mga update hinggil sa mga nakatakdang aktibidad ng Tanggapan, kabilang ang talakayan ukol sa YAKAP Program at ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Isabela State University bilang suporta sa mga adbokasiyang nagtataguyod ng paggamit ng wikang Filipino.

Samantala, sa kanyang pambungad na mensahe, binigyang-diin ni CH LGOO VII Imelda PA. Rosales ang kahalagahan ng PTC bilang lugar para sa mga field officers upang maibahagi ang kanilang mga obserbasyon at mapag-usapan ang mga isyung nararanasan sa pagpapatupad ng mga programa at polisiya. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon at koordinasyon sa pagtugon sa mga usaping may kaugnayan sa operasyon sa antas ng lokal na pamahalaan at pamayanan.

Sa isinagawang kumperensya, naglahad ang mga kinatawan mula sa Operations Performance and Capability Development Section (OPCDS) ng mga update hinggil sa kani-kanilang programa at aktibidad. Sa pamamagitan ng regular na pagsusuri sa mga natapos na gawain at koordinasyon sa pagitan ng mga kawani, natukoy ang mga agwat sa pagpapatupad sa mga proyekto, programa at aktibidad at nakapaglatag ng mga angkop na hakbang na naaayon sa mga prayoridad at target ng Tanggapan.

Bahagi rin ng PTC ang paggawad ng Certificate of Commendation na kumikilala sa DILG Isabela bilang Drug-Free Workplace, na sinundan ng paglagda sa Pledge of Commitment bilang pagpapatibay sa pangako ng Tanggapan na mapanatili ang isang ligtas at malaya sa iligal na droga na workplace.

Itinampok din sa aktibidad ang Pammarubwat bilang pagkilala kay PM LGOO VI Michael Angelo L. Benigno sa kanyang labing-isang (11) taong paglilingkod sa DILG Isabela. Naging pagkakataon ang seremonya upang kilalanin ang kanyang mga naging kontribusyon at ipahayag ang pagpapahalaga sa kanyang matapat na paglilingkod sa Departamento.




Maligayang kaarawan, ma'am Angel!Pagbati mula sa iyong Pamilya DILG Isabela.
16/10/2026

Maligayang kaarawan, ma'am Angel!

Pagbati mula sa iyong Pamilya DILG Isabela.



Kilalanin ang bagong miyembro ng Team DILG Isabela.Maligayang pagdating sa Isabela, G. Franz Derek T. Escobar, Local Gov...
16/10/2026

Kilalanin ang bagong miyembro ng Team DILG Isabela.

Maligayang pagdating sa Isabela, G. Franz Derek T. Escobar, Local Government Operations Officer II.



Mga Huwarang Lingkod-Bayan at Natatanging Pamahalaang Lokal, Binigyang-Parangal sa SIGLAT Isabela Matagumpay na isinagaw...
16/10/2026

Mga Huwarang Lingkod-Bayan at Natatanging Pamahalaang Lokal, Binigyang-Parangal sa SIGLAT Isabela

Matagumpay na isinagawa ng Kagawaran ng Interyor at Pamhalaang Lokal (DILG) Isabela, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang kauna-unahang Saludo sa Ipinamalas na Galing sa Lokal na Administrasyon at Tapat na Serbisyo ng mga Pamahalaang Lokal ng Isabela (SIGLAT Isabela) 2026 noong, ika-14 ng Oktubre 2026, sa G. F.N. Dy Amphitheater, Alibagu, Lungsod ng Ilagan, Isabela.

Binigyang pagpupugay sa nasabing aktibidad ang mga lokal na pamahalaan at opisyal na nagpamalas ng kagalingan at katapatan sa iba’t ibang larangan ng maayos na pamamahala.

Ito ay dinaluhan ng mga lokal na opisyal at kawani na pinangunahan nila Kgg. Francis Faustino A. Dy, Pangalawang Punong Lalawigan ng Isabela; Kgg. Maria Katrina Jessica G. Dy, National President ng mga Liga ng Barangay sa Pilipinas; at Atty. Christopher A. Mamauag, Panlalawigang Tagapangasiwa, Atty. Bernardine M. Lucas, President ng Vice Mayors' League of the Philippines ng Region 02, at Kgg. Lourdes S. Panganiban, President, Vice Mayors' League of the Philippines ng Lalawigan ng Isabela.

Sa kanyang pambungad na mensahe, binigyang-diin ni Panlalawigang Patnugot Engr. Corazon D. Toribio, CESO V ang kahalagahan ng SIGLAT Isabela 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Local Government Month at pagkilala sa kahusayan, integridad, at tapat na paglilingkod ng mga lokal na pamahalaan at pinuno sa Lalawigan ng Isabela. Dagdag pa niya, “Ang mabuting pamamahala ay hindi lamang simpleng salita; ito ay katotohanang binubuo araw-araw sa pamamagitan ng kamay, isip, at puso ng mga lokal na pinuno.”

Bilang kinatawan ni Kgg. Rodolfo T. Albano, III, Punong Lalawigan ng Isabela, nagbigay ng mensahe si Provincial Administrator, Atty. Christopher A. Mamauag, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng patuloy na pagsisikap sa paglilingkod-bayan. Aniya, “Excellence is not the end, but a never-ending commitment.”

Samantala, nagbigay ng mensahe si House Speaker Kgg. Faustino G. Dy III na ibinahagi ni Kgg. Francisco Faustino A. Dy, Pangalawang Punong Lalawigan. Aniya, “Good laws begin with careful listening, and they work best when the people who will implement them help shape them.” Dagdag pa niya na ang tunay na sukatan ng mahusay na pamamahala ay makikita sa kung paano nito napapagaan ang buhay ng mga mamamayang umaasa sa mga serbisyo ng pamahalaan.

Nagbigay din ng mensahe si Kgg. Maria Katrina Jessica G. Dy, National President ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas, sa mga pinarangalan at dumalo sa seremonya. Bilang pagbibigay-diin sa pangmatagalang epekto ng mahusay na pamumuno, sinabi ni Kgg. Dy na “The true test of a leader who is ‘Matino at Mahusay’ is not what he builds during his term, but what remains long after his leadership ends.”

Isa sa mga tampok na bahagi ng SIGLAT Isabela 2026 ang Provincial SubayBAYANI Awards, na kumilala sa mga pamahalaang lokal para sa kanilang mga natatanging gawain sa pagpapatupad at pangangasiwa ng mga proyektong pang-imprastraktura. Ang mga sumusunod na pamahalaang lokal ang kinilala sa Provincial Subaybayani Awards:

🏆Bayan ng Cordon – Provincial Winner for Exemplars at Finalist for Best Seal of Good Local Governance - Incentive Fund Project (SGLG-IF);
🏆Bayan ng Tumauini – Best Vertical Infrastructure Project and Most Gender and Development (GAD) Compliant at Finalist for Local Project Monitoring Committee (LPMC) - Municipality Category;
🏆Bayan ng Cabagan – Provincial Winner for Best SGLG-IF at Finalist for LPMC - Municipality Category;
🏆Lungsod ng Cauayan – Provincial Winner for LPMC - City Category;
🏆Bayan ng Benito Soliven – Provincial Winner for LPMC - Municipality Category;
🏆Bayan ng Burgos – Finalist for Best SGLG-IF at LPMC - Municipality Category; at
🏆Bayan ng San Mateo – Finalist for Best SGLG-IF

Bahagi rin ng seremonya ang Local Legislative Award (LLA) na kumikilala sa mga Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlungsod na nagpamalas ng mahusay na pagganap sa mga tungkuling lehislatibo at pagbuo ng mga makabuluhang patakarang nagtataguyod ng maayos na lokal na pamamahala.

Ang mga sumusunod na lokal na pamahalaan mula sa Isabela ay kinilala sa LLA:
🏆Sangguniang Bayan ng San Mariano – National Winner and Hall of Fame Awardee, 1st to 3rd Class Municipalities Category
🏆Sangguniang Panlungsod ng Santiago – National Finalist, Independent Component City (ICC) Category
🏆Sangguniang Panlungsod ng Ilagan – National Finalist, Component City Category
🏆Sangguniang Bayan ng Delfin Albano – National Finalist, 4th to 6th Class Municipalities Category

Isa pang tampok sa SIGLAT Isabela 2026, ang Excellence Awards for Governance and Leadership (EAGLE) kung saan kinilala ang mga barangay at opisyal ng barangay dahil sa kanilang natatangi at huwarang pagganap sa kanilang tungkulin. Layunin nitong itaguyod ang kahusayan sa lokal na administrasyon at hikayatin ang patuloy na pagpapabuti ng paghahatid ng serbisyong tumutugon sa pangangailangan ng komunidad.
Ang mga sumusunod ang mga pinarangalan sa kani-kanilang kategorya:

A. Barangay Executive Category (Most Outstanding Barangay Executive):
🏆City Category – Kgg. Manuel G. Santiago II ng Barangay Malvar, Santiago City
🏆Municipal Category – Kgg. Fortune Celeste T. Gabriel ng Barangay San Antonio, Delfin Albano

B. Sangguniang Barangay Category (Most Outstanding Sangguniang Barangay):
🏆HALL OF FAME – Barangay Malvar, Santiago City
🏆City Category –Barangay San Andres, Santiago City
🏆Municipal Category – Barangay San Antonio, Delfin Albano

C. Barangay Secretary Category (Most Outstanding Barangay Secretary):
🏆City Category – Gng. Angeli E. Taar ng Barangay Malvar, Santiago City
🏆Municipal Category – Gng. Maryjo A. Bartolome ng Barangay Malapat, Cordon

D. Barangay Treasurer Category (Most Outstanding Barangay Treasurer):
🏆City Category – Gng. Marites T. Fariñas ng Barangay San Fermin, Cauayan City
🏆Municipal Category – Gng. Jing-Jing D. Sapil ng Barangay Malapat, Cordon

E. Tanod – Individual Community Service Category (Most Outstanding Barangay Tanod)
🏆City Category – G. Joel A. Liquigan ng Barangay Alibagu, City of Ilagan
🏆Municipal Category – Gng. Rused D. Bacani ng Barangay Maligaya, Tumauini

F. Tanod – Team Community Service Category
🏆HALL OF FAME: Barangay Maligaya, Tumauini
🏆City Category – Most Outstanding Barangay Tanod Team: Barangay Alibagu, City of Ilagan
🏆Municipal Category – Most Outstanding Barangay Tanod Team: Barangay San Andres, San Mateo

Ipinagdiwang din sa SIGLAT Isabela 2026 ang natatanging barangay sa ilalim ng Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA). Sa taong ito, kinilala ang Barangay Bacnor East, Burgos bilang National Finalist para sa Most Outstanding Lupong Tagapamayapa for 3rd Class Municipalities.

Sa kabuuan, nagsisilbing pagkilala ang SIGLAT Isabela 2026 sa mga pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan na isulong ang mahusay, tapat, at may pananagutang pamamahala. Inaasahang magsisilbing inspirasyon ang mga parangal na ito upang higit pang mapahusay ang pagpapatupad ng mga proyekto, mapalakas ang tiwala ng mamamayang pilipino, at mapabuti ang paghahatid ng serbisyo publiko sa buong lalawigan ng Isabela.




15/10/2026

HAPPENING NOW: Philippine Open Government Partnership -DAGYAW Town Hall Meeting at FL Dy Coliseum, District 3, Cauayan City, Isabela

NAGAGANAP NGAYON | Kasalukuyang isinasagawa ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) Isabela, katuwang ang P...
14/10/2026

NAGAGANAP NGAYON | Kasalukuyang isinasagawa ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) Isabela, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, ang kauna-unahang Saludo sa Ipinamalas na Galing sa Lokal na Administrasyon at Tapat na Serbisyo ng mga Pamahalaang Lokal ng Isabela (SIGLAT) 2026 ngayong araw, ika-14 ng Oktubre, 2026, sa G.F.N. Dy Amphitheater, Provincial Capitol Bldg., Lungsod ng Ilagan, Isabela.



Maligayang kaarawan, sir Russel!Pagbati mula sa iyong Pamilya DILG Isabela.
12/10/2026

Maligayang kaarawan, sir Russel!

Pagbati mula sa iyong Pamilya DILG Isabela.



Address

Provincial Capitol Compound, Alibagu, City Of Ilagan, Isabela
Ilagan
3300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DILG Province of Isabela - Region II posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DILG Province of Isabela - Region II:

Shortcuts

Share