08/06/2026
Kapag may emergency, hindi dapat iisa ang tugon sa lahat ng sitwasyon.
Sa ilalim ng bagong Learning Continuity in Emergencies guidelines, gagamitin ng mga paaralan ang Learning Continuity Framework:
🟢 Hayo – Tuloy ang regular na klase kapag ligtas ang lahat.
🟡 Hinay – Mas flexible ang pagkatuto kapag may bahagyang disruption.
🔵 Hinga – Well-being muna at mas kaunting academic demands habang bumabangon ang komunidad.
🔴 Hinto – Pansamantalang itinitigil ang academic learning kapag nanganganib ang kaligtasan.
Layunin nating matiyak na tuloy ang edukasyon nang may malasakit at pag-unawa sa kalagayan ng mga mag-aaral, g**o, at school personnel sa panahon ng krisis.