24/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐! ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐!
Sa gitna ng patuloy na lumalalang krisis sa ating lipunan tulad ng Oil Price Hike at nagtataasang bilihin dulot ng giyera ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran at deregulasyon sa mga industriya ng langis, patuloy na pasismong kinakamit ng reaksyunaryong estado sa sambayanang Pilipino, pag usbong ng mga kasong kinasasangkutan ng mga bata sa loob ng sarili nilang paaralan sanhi ng panlipunang normalisasyon ng karahasan, pagbabanta sa ating pambansang soberanya matapos ang ilang pahayag na dapat umano isailalim sa teritoryo ng sosyal-imperyalistang Tsina ang Batanes dulot ng militarisasyon sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas, at panibagong naglantarang katiwalian ng mga burukrata kapitalista sa LGU tulad ng ilegal na dumpsite sa lupang ninuno ng mga Aeta; sa halip na tugunan ang tunay na ugat ng mga suliraning ito at pagsilbihan ang interes ng sambayanang Pilipino, mas pinili pa ng papet na gobyerno ni Marcos Jr. na patuloy na mangayupapa sa dikta ng imperyalistang Estados Unidos na isuko ang sarili nating lupa sa ngalan ng Pax Silica.
๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐?
Kamakailan lamang, pumutok at lumitaw sa pampublikong diskurso at kamalayan ang salitang โPax Silicaโโpero ano nga ba talaga ito?
Ito ay binubuo ng dalawang susing salita: โPaxโ o ang salitang latin para sa โpeace,โ habang ang โSilicaโ naman ay tumutukoy sa pangunahing sangkap sa pagyari ng mga semiconductor, computer chips, at Artificial Intelligence (AI).
Ang Pax Silica Initative ay isang koalisyon ng ibaโt ibansa sa pangunguna ng Estados Unidos upang tiyakin ang pandaigdigang linya ng suplay ng mga kritikal na mineral at rare earth na gagamitin sa produksyon ng mga semiconductor na bumubuo at nagpapagana sa Artificial Intelligence (AI) at kagamitang pandigma bilang paghahanda at upang samantalahin ang potensyal ng tinatawag nitong โnew AI ageโ.
Unang nakilala ang Pax Silica noong Disyembre 11, 2025, nang inanunsyo ng U.S. Department of State ang Pax Silica Summit na idinaos sa Washington D.C. sa sumunod na araw upang imungkahi ang Pax Silica Declaration sa pangunguna ni Under Secretary of State for Economic Affairs na si Jacob Helberg bilang punong arktiketo nito. Sa nasabing summit, inimbitahan at dinaluhan ito ng kinatawan ng ating bansa ngunit hindi pa ito kagyat na nilagdaan.
Paglipas ng ilang buwan, lumagda na sa kasunduan si Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ceferino Rodolfo at opisyal na pinaloob ang Pilipinas sa Pax Silica bilang ika-labintatlong miyembro nito noong Abril 17, 2026. Sa kasunduang ito, napagpasyahan na may itatayong 4,000 acre o 1,620 ektaryang โEconomic Security Zoneโ (ESZ) sa New Clark City sa Tarlac at Pampanga na bahagi ng mas malawak na Luzon Economic Corridor (LEC). Itong itatayong ESZ ay isang โAI-native industrial hubโ na dinisenyo para sa semiconductor manufacturing, critical mineral processing, at logistics infrastructure na magsisilbing unang sona sa mas malawak pang industrial network na sasaklaw sa mga kaalyadong bansa ng Estados Unidos sa ibaโt ibang panig ng mundo.
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐?
Ayon sa Pax Silica Declaration, layunin diumano ng proyektong ito na isulong ang โmutual prosperity,โ โtechnological progress,โ at โeconomic securityโ upang bawasan ang โcoercive dependenciesโ at bumuo ng panibago, patas, at pantay na ugnayan sa pagitan ng mga bansang nakapaloob sa koalisyong ito. Bukod pa rito, upang bigyang katwiran ang itatayong ESZ, magdudulot diumano ito ng pagdagsa ng dayuhang puhunan, paglikha ng trabaho, at paglago ng yaman at pangmatagalang kaunlaran sa ating bansa.
Sa unang tingin, para sa isang bansang malapyudal at may kawalan ng regular na hanapbuhay, ang pangako ng industriyalisasyon ay nakakasilaw at tila nangangahulugan ng pangmatagalang kaunlaran. Ngunit, sa ilalim ng umiiral na mitong liberal na pantay na ang katayuan at payapa na ang ugnayan ng mga bansa sa pandaigdigang antas, kinukubli nito ang konkretong katotohanan na may materyal na estruktura na nagpapanatili sa hindi pagkakapantay-pantay na katayuan at kontradiksyon sa pagitan ng mga imperyalistang bansa sa isang banda at mga kolonyal at malakolonyal na bansa sa kabilang banda na kung tawagin ay โImperyalismoโ.
Ang Imperyalismo, bilang huli at monopolyong yugto ng kapitalismo, ang tumutukoy sa isang sistema kung saan kontrol at konsentrado sa kamay ng mga monopolyo kapitalista ang ekonomya, pulitika, kultura, militar, at ugnayang panlabas ng mga kolonyal at malakolonyal na bansa katulad ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang Estados Unidos ang pinakamalaking imperyalistang kapangyarihan sa buong daigdig.
Malinaw ang imperyalistang kontrol ng Estados Unidos at pagiging malakolonyal ng ating bansa. Mula sa hindi pantay na palitan ng hilaw na materyales at murang lakas-paggawa mula sa Pilipinas at yaring kalakal na galing sa Estados Unidos na pinatindi ng ipinataw na kundisyon ng mga dayuhang institusyong pinansyal kapalit ng lumolobo nating utang katulad ng liberalisasyon sa imports, pagpapababa sa halaga ng piso, at pagpapataas sa buwis; pagtayo ng mga EDCA sites o base militar, taunang Balikatan Exercises at malayang panghihimasok ng mga tropa ng U.S. resulta ng mga kasunduang militar tulad ng MDT, VFA, at EDCA; paglaganap ng kulturang palasamba at palaasa sa mga imperyalista at pagtataguyod sa paggamit ng wikang Ingles; at pagiging sunud-sunuran sa dikta ng imperyalismong U.S. sa ugnayang pandaigdig tulad ng pagsuporta sa mga giyerang agresyon nito laban sa ibang bansa.
Sa kontekstong ito, masasabing hindi kailanman naging tunay na malaya ang ating bansa at ang Pax Silica ay isang bahagi lamang sa mas malawak na estrukturang nagpapatindi sa pagpapasailalim at pagkakatali ng ating bansa sa imperyalistang kontrol habang patuloy na naghihirap ang sambayanang Pilipino. Salungat ito sa mga sabi-sabing hiwalay sa kolonyal na kasaysayan ng Pilipinas na ang Pax Silica ang unang magsasailalim sa bansa natin sa imperyalistang kontrol.
Ang pagiging malakolonyal ng ating bansa ay kitang-kita sa planong itayong Economic Security Zone sa Luzon Economic Corridor. Sa sonang ito, bibigyan ng extraterritorial rights at โdiplomatic immunityโ ang Estados Unidos sa sarili nating lupa. Magkatulad ito sa iginagawad na proteksyon sa embahada ng dayuhang bansa kung saan mamayani ang batas ng U.S. at hindi ng ating bansa. Sa madaling salita, ang sonang itatayo sa sarili nating lupa ay magiging teritoryo ng Estados Unidos at maaaring makaligtas sa kaparusahan at pananagutan ang mga tauhan nito. Bukod pa rito, walang babayaran na upa sa lupa ang U.S. sa unang dalawang taon at wala ring kasiguraduhan kung ilan ang magiging upa sa lupa sa mga susunod na taon. Lahat ng ito ay sa kabila ng pangangamkam at pagpapalayas sa mga katutubo at magsasaka sa kanilang lupang ninuno at sinasaka upang magbigay daan sa pagmimina ng kritikal na mineral tulad ng nikel, copper, chromite, at cobalt na matatagpuan sa Zambales, Palawan, at Nueva Vizcaya na lubhang nakakapinsala sa kalikasan.
Karugtong nito, hindi maikakaila kung ano ang tunay na layunin ng Pax Silica. Sa tipikal na istilong imperyalista, hindi ito upang bigyang malasakit at paunlarin ang isa sa malakolonya nito kundi makipag kompetensya at lamangan ang Tsina na sa kasalukuyan ay may monopolyo sa 80% ng pagproseso ng rare earth sa mundo at higit sa 70% ng produksyon ng lithium ion na baterya, at may nangingibabaw na bahagi sa pagpapakete ng mga semiconductors. Inamin na mismo ni Under Secretary Jacob Helberg na isa itong structural vulnerability na layuning lampasan ng U.S. sa pamamagitan ng Pax Silica. Sa tumitinding inter-imperyalistang kontradiksyon sa pagitan ng Tsina at Estados Unidos, ang pagsama ng Pilipinas sa Pax Silica ay magdadala lamang sa sambayanang Pilipino sa matinding panganib lalo na ang mga semiconductor at AI ay mahalagang kasangkapan sa teknolohiyang pandigma tulad ng missiles, drones, at surveillance at communication systems. Dagdag pa ay kinumpirma rin mismo ng U.S. ang am******on production sa Subic at Bataan at drone facility sa APECO, Casiguran, Aurora. Ang mga ito ay tiyak na gagamitin sa gerang agresyon ng Estados Unidos at mga kaalyado nitong bansa tulad ng Israel sa Kanlurang Asya, Latin Amerika, at dito sa Asya-Pasipiko upang itatag at panatilihin ang pandaigdigang hegemonya nito.
Taliwas sa pangako ng pangmatagalang kaunlaran, wala sa interes ng imperyalistang Estados Unidos ang tuluyang isailalim sa industriyalisasyon ang ating bansa. Sa halip, tinitiyak nitong atrasado at malapyudal pa rin ang ating ekonomya upang manatiling taga suplay hindi lamang ng mumurahing hilaw na materyales kundi pati na rin ng kritikal na mineral para sa kagamitang pandigma ang Pilipinas. Ang pagtayo ng โindustrial hubโ sa Pilipinas ay hindi nangangahulugan na magiging tunay na industriyalisado na ang ating bansa sapagkat ito ay tumutukoy lamang sa mababang halaga ng pagproseso tulad ng pagasembol, testing, at pagpakete. Malayo rin ito sa pangangailangan ng mga manggagawang Pilipino para makapagtrabaho nang regular at may dignidad dahil sa ianunsyo nitong Hulyo na papasok ang Foxconn bilang pangunahing mamumuhunan sa itatayong Economic Security Zone, tuluyan pang nailantad ang magiging tunay na kahihinatnan ng mga manggagawang Pilipino sa loob sonang ito. Ito ay dahil sa naitalang track record ng Foxconn ng labis na pang-aabuso, sobra-sobrang pagpapatrabaho at di-makataong kondisyon sa paggawa. Ang mga paglabag na ito sa karapatan ng mga manggagawa ay pinalala lamang ng posibilidad na hindi lilitisin sa ilalim ng batas ng ating bansa ang mga kasong ito at makaliligtas ang Foxconn at iba pang dayuhang mamumuhunan sa pananagutan.
๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐!
โI am a Filipino โ inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain future.โ Ito ay sinipi ni Under Secretary Jacob Helberg mula kay Carlos P. Romulo upang ipunto na narito sila upang makipag-tulungan na palayain ang mundo mula sa pagkakabihag sa tinatawag nitong โhostage chainโ o monopolyo ng Tsina sa mga kritikal na mineral at rare earth. Ngunit, kung may puntong akma man sa siping ito, ito ay binihag muli ng imperyalistang Estados Unidos ang sambayanang Pilipino sa isang kinabukasan na walang katiyakan sa pamamagitan ng Pax Silica.
Sino pa ba ang magmamana at magpapasan sa bigat ng kinabukasang ito kundi tayong mga kabataan? Tayo ang susunod na pwersa ng murang lakas-paggawa na magpapagana sa imperyalistang hegemonya ng Estados Unidos bilang pinagsasamantalahang magsasaka, manggagawa, at propesyonal. At tayo rin ang magpapatuloy at magpapanibagong-sigla sa sinimulang pakikibaka ng mga naunang militanteng kabataan sa atin na walang humpay na nilabanan ang pwersa ng imperyalismo, katutubong pyudalismo, at burukratang kapitalismo.
Ang sigaw ng mga makabayang kabataan ay malinaw at matalas: igiit ang tunay na pambansang industriyalisasyon at tutulan ang Pax Silica na patuloy lamang na magpapasailalim sa atin sa kontrol ng mga imperyalistang mandarambong.
Tandaan na hindi kailanman kusang bibitawan ng mga imperyalistang naghaharing uri ang kanilang kontrol sa ating bansa. Kaya kung hindi kikilos ang mga kabataan kasabay ng ritmo ng malawak na hanay ng sambayanang Pilipino para sa tunay na pambansang kalayaan, demokrasya, at industriyalisasyon; ang mga susunod na salinlahi ng kabataan ang maghihirap at papasan sa panibagong pandaigdigang kaayusang pinamayanian ng Pax Silica.
Kabataan, pagbutihin ang pag-aaral sa lipunan! Matinding dagok ang ipalasap sa Imperyalismong U.S., Katutubong Pyudalismo, at Burukratang Kapitalismo! Tuloy-tuloy na makibaka para sa tunay na pambansang kalayaan, demokrasya, at industriyalisasyon!