Pamalakaya - Panay

Pamalakaya - Panay

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pamalakaya - Panay, Political organisation, Iloilo City.

Pamalakaya-Panay is the regional chapter of Pamalakaya Pilipinas (National Federation of Small Fisherfolk Organization in the Philippines) is an alliance of activist fisherfolk groups in the country.

Photos from PAMALAKAYA-Pilipinas's post 29/05/2026
Photos from Pamalakaya - Panay's post 28/05/2026

KINSE KILOMETRO — ATIN TO, ATIN TO!
HOUSE BILL 5606, ISABATAS!

Bitbit ang panawagan para sa eksklusibong karapatan ng mga maliliit na mangingisda sa munisipal na katubigan, militanteng sinalubong ng mga tsapter ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya (PAMALAKAYA) ang paparating na National Fisherfolk Day ngayong Mayo 31.

Kaninang umaga, tumungo ang daan-daang mangingisda at progresibong alyado sa harap ng Department of Agriculture (DA) upang kalampagin ang mismong ahensya na maysala sa pagsuko ng 15-km municipal waters sa mga dambuhalang sakayan.

Noong hapon naman ay matagumpay na inilunsad ang National Fisherfolk Summit bilang patunay sa nagkakaisang lakas ng pederasyon at ang tuloy-tuloy na pakikibaka para sa Atin Ang Kinse na kampanya. Tulad ng nakaraang mga buwan, hindi natatapos ang laban hanggang sa huling sandali na makamit ng pinagsasamantalahang mamamalakaya ang tunay na hustisya at reporma sa pangisdaan.

Karapatan ng mangingisda, ipaglaban!




Photos from Pamalakaya - Panay's post 25/05/2026

🚨 ALERT MGA MANGINGISDA! 🚨

Hindi lang simpleng "tag-init" ang paparating na Super El Niño, ito ay inaasahang kalamidad at banta sa kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda na nagbubuhay ng sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng abot-kayang isda.

Sa pag-init ng temperatura ng tubig, asahan ang posibleng pagkaunti ng huli, at mas maraming insidente ng fish kill o red tide. Tayong mga mangingisda, mas lalong lulubog sa utang, habang tataas naman ang presyo ng isda sa mga palengke.

Sa gitna ng krisis sa langis, bagong krisis nanaman ang haharapin.

Dahil sa sistematikong kapabayaan ng pamahalaan, tila nagiging karaniwan nalang ang dinadanas ng sektor ng mga mamamalakaya.

Kailangan na nating magkaisa ngayon pa lang upang maghanda at manawagan ng kagyat na suporta at pangmatagalang solusyon sa hagupit ng krisis na ito.

Karapatan ng mangingisda, ipaglaban!


Progressive group disappointed over rejection of P250 minimum wage hike petition 22/05/2026

PAMALAKAYA IN THE NEWS | Binatikos ni PAMALALAKAYA Panay Regional Spokesperson Nathaniel Baga-ut ang naging desisyon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) hinggil sa pagpapataas ng buwanang sahod ng mga manggagawa ng Western Visayas.

Aniya, dismayado ito sa naging desisyon ng RTWPB dahil kailangan na kailangan ng mga manggagawa ang napapanahong kalibrasyon sa gitna ng malalang pagkalugi, implasyon, at krisis sa langis dulot ng US-Israel na gyera laban sa Iran.

Nakikiisa ang PAMALAKAYA-Panay bilang progresibong hanay ng mga mangingisda sa panawagan ng United Labor Panay (ULP) na pataasin ang sweldo sa P1,200 kada araw.

Matatandaan na sa panahon ng mahinang kuha o mga fish ban sa kadagatan, nawawalan din ng hanapbuhay ang mga mangingisda at nagiging informal workers na walang seguridad o dagdag na karapatan sa kanilang trabaho. Kung kaya’t ang panawagan sa pagpapataas ng sweldo ay nararapat lamang sa ilalim ng ganitong kalagayan.

Panoorin ang balita mula sa Bombo Radyo Roxas:

Progressive group disappointed over rejection of P250 minimum wage hike petition Enjoy the videos and music you love, upload original content, and share it all with friends, family, and the world on YouTube.

Photos from Pamalakaya - Panay's post 28/04/2026

KWENTONG DAGAT | Magdadalawang buwan na simula noong sumirit ang presyo ng langis, ngunit tila mas humihirap lang ang mga mangingisda ng bansa.

Nakipanayam ng PAMALAKAYA-Panay ang mga residente sa isang purok ng Ajuy, Iloilo kung saan may higit 100 mangingisda. Mula sa dating masaganang dagat — sa naglilipanang isda’t alimango na nagpapauwi ng pambili para sa mga pangangailangan ng pamilya at nagpapaaral sa mga kabataan — ang kalagayan ngayon ay nakatengga at nabubulok na ang mga bangka’t lambat. Malaking bahagi ng operasyon ay nakasalalay sa pagbili ng langis.

Mula sa isa o dalawang beses na pamamalaot araw-araw, swerte na kung nakakapalaot sila ng isang beses sa kada dalawa o tatlong araw. Kung kwentahin ang epekto ng oil price hike sa kanila, aabot sa P12,000 hanggang P32,500 kada buwan ang nawawala sa bawat mangingisda — halos katumbas na ito ng 1 hanggang 2 buwang budget para sa bigas, ulam, at pag-aaral ng mga anak. Ang nabawasang mga araw sa pangingisda ay direktang nagdudulot ng pagbagsak ng huli mula 10kg - 20kg tungong 5kg - 7kg na lamang.

Sa 100 mangingisda, 13 lamang ang nakatanggap ng fuel subsidy mula sa pamahalaan — 87 ang iniwan sa ere. Anila, nakabatay ang kwalipikasyon sa lista ng mga rehistradong mangingisda tuwing may ipapalabas na ayuda. Ngunit bukod sa pamumulitika ng pagpili ng benepisyaryo, marami ang hindi na nagpaparehistro ngayong taon dahil sa gastusin, burukrasya, at pagkadismaya sa mga pangakong serbisyo ng gobyerno.

Hindi tamad ang mangingisda. Ang dagat ay sagana. Ang pumapatay sa kabuhayan nila ay ang mahal na langis, kapabayaan ng gobyerno, at sistemang pabor lang sa malalaking negosyante at importer.

Dulot ng walang tigil na krisis, naiiwan ang mga mangingisda sa sitwasyong tiis nang tiis — habang nabubulok ang bangka, nababaon sa utang, at nagugutom ang pamilya. Sa paghahambing nga ng marami, tila iniiwan sila sa ere. Ang galing-galing lang ng mga politiko humingi ng tulong tuwing eleksyon, ngunit hindi na ramdam sa mga pampang ang nararapat na serbisyo kapag naihalal na.

Nakikiisa ang PAMALAKAYA-Panay sa buong hanay ng maralitang mangingisda. Naninindigan ito laban sa lahat ng anyo ng pandarambong, at nananawagan para sa nakatutustos na pangkabuhayan.

Suporta para sa Maliliit na Mangingisda, Ibigay Na!
Oil Deregulation Law, Ibasura!
VAT at Excise Tax sa langis, Tanggalin!
Lokal na Produksyon, Hindi Importasyon!

09/04/2026

KULANG NA KULANG: AYUDA PA BA O PAASA NANAMAN?

Sa lumalalang krisis sa langis, mariing nananawagan ang PAMALAKAYA-Panay ng agarang subsidyo para sa lahat ng maliliit na mangingisdang apektado sa patuloy na pagsirit ng presyo sa langis.

Sa nakaraang committee hearing sa Senado, kinumpirma ng National Director ng Department of Agriculture (DA) na may ₱100-milyong pondong inilaan bilang fuel subsidy ngayong Abril para sa 15,669 mangingisda at 14,400 magsasaka. Sa Kanlurang Visayas (Region VI) kung saan pinapalibutan ito ng mga coastal na munisipalidad, 1,698 mangingisda lamang (10.84%) ang makikinabang ngayong buwan.

Tila nakalimutan ng mga ahensya na may mahigit 2 milyong rehistradong munisipal na mangingisda—ngunit 15,669 lang ang pinili nitong maging benepisyaryo. Ano ito DA-BFAR, paraffle at paswerte-swerte nalang?

Sobra na sa doble ang gastos ng mga mangingisda sa krudo pa lamang. Kitang-kita na ang Oil Deregulation Law ay nagbibigay-kapangyarihan sa mga kartel ng langis na magdikta ng napakataas na presyo at kumamal ng tubo mula sa mamamayan.

Kung tutuusin, ang katiting na one-time-big-time na P3,000 sa subsidyo ay aabot lamang ng isang buwan (average 5L sa isang linggo o 20L kada buwan) para sa isang mangingisda kung ikukumpara ang presyong ₱55/L noon, sa halos ₱150/L ngayon.

Dagdag pa, sasabihin na naman ng gobyerno na kulang ang pondo para tulungan ang milyun-milyong mangingisda at magsasaka. Pero habang kumikita ng ₱1.5 bilyon kada araw ang mga kumpanya ng langis simula noong tumaas ito ng mga presyo, umaabot naman sa ₱161 milyon kada araw ang nakokolekta ng gobyerno sa value added tax (VAT), na sinasabi nila ay mahalaga raw para sa serbisyong panlipunan. Ngunit dito pa lang, malinaw kung kaninong interes ang pinoprotektahan at hindi iyon ang mamamayang Pilipino, ngunit ang mga kapitalista. Nagbubulag-bulagan parin ito kahit halos sinubo na sa kanila ang mga solusyon na makakapaglutas ng bansa natin mula sa krisis na ito.

Hihintayin pa ba ng gobyerno na tuluyang tumigil sa laot ang milyun-milyong mangingisda, iwan ng mga magsasaka ang kanilang sakahan, at magtigil-pasada ang mga tsuper—hanggang sa wala nang maiiwang tagapagtaguyod ng batayang pangangailangan sa bansa?

Ating patuloy na ipanawagan:

I-rollback ang ₱55/L na presyo ng langis!
Buwisan ang mga gahaman na bilyonaryo at kartel ng langis!

SUBSIDYO PARA SA LAHAT NG MALILIIT NA MANGINGISDA—WALANG IWANAN, NGAYON NA!

Want your business to be the top-listed Government Service in Iloilo City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Iloilo City
5000