10/10/2026
๐ ๐๐ฆ ๐๐ข๐ ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก๐ง๐๐ฌ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐ข๐๐ช: ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐ง๐ฅ๐๐ก๐ฆ๐๐ง ๐๐ข๐จ๐ก๐๐, ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐ก๐๐๐ ๐ง๐๐ฅ๐ ๐๐ก๐๐ ๐ฏ
PASAY CITY โ May bagong lugar na mapagpapahingahan ang mga OFW na lilipad patungo sa trabaho nila sa ibang bansa o kararating sa Pilipinas at may connecting domestic flight sa NAIA Terminal 3.
Binuksan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), katuwang ang New NAIA Infra Corp. (NNIC), ang bagong OFW Transit Lounge sa Terminal 3. May mga k**a at massage chair ang pasilidad at kaya nitong tumanggap ng hanggang 26 na OFW sa isang pagkakataon. Hanggang tatlong oras ang maaaring pananatili upang mas marami ang makinabang.
Bahagi ito ng pagpapalawak ng mga OFW Lounge sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. May mga lounge na rin sa NAIA Terminal 1, Mactan-Cebu International Airport, at Clark International Airport.
Sino ang maaaring gumamit?
Maaaring gumamit ng lounge ang mga OFW na paalis patungo sa trabaho sa ibang bansa o kararating mula abroad at may connecting domestic flight sa NAIA Terminal 3. Kailangang magpakita ng mga dokumentong nagpapatunay na OFW sila at kumpirmado ang kanilang biyahe. Saklaw ng paggamit ang umiiral na mga patakaran ng lounge.
โPatuloy nating pinapabuti ang mga pasilidad sa paliparan upang magkaroon ang mga OFW ng maayos at komportableng lugar na mapagpapahingahan habang naghihintay ng kanilang biyahe. Kinikilala natin ang pagod at sakripisyong kaakibat ng kanilang paglalakbay,โ ani OWWA Administrator Patricia Yvonne โPYโ Caunan.
Nagpasalamat si Administrator Caunan sa NNIC sa pakikipagtulungan upang mabuksan ang pasilidad.
โMaraming salamat sa NNIC sa pagsuporta sa serbisyong ito. Sa pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor, mas napapabuti natin ang karanasan ng mga OFW sa paliparan,โ dagdag niya.
Para naman sa mga distressed OFW na kararating lamang sa bansa at nangangailangan ng tulong, maaaring lumapit sa OWWA Airport Arrival Assistance Desk sa arrival area pagkatapos ng Customs sa NAIA Terminals 1 at 3. Maaaring humingi roon ng tulong sa transportasyon, pagkain, o pansamantalang matutuluyan, alinsunod sa mga patakaran ng OWWA.
Patuloy na makikipagtulungan ang OWWA sa NNIC at iba pang katuwang upang mapahusay ang mga pasilidad at serbisyong sumusuporta sa mga OFW sa kanilang pag-alis at pag-uwi sa bansa.