Barangay Bucandala 1

Barangay Bucandala 1

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Bucandala 1, Government Organization, Bucandala 1, Imus.

06/06/2024

MALIGAYANG KAARAWAN SA ATING 1ST KAGAWAD EXCEL LAPIDARIO 🎂🎁🎉🎊🎈
PAGPALAIN KA NAWA NG ATING POONG MAY KAPAL AT BIGYAN NG KALAKASAN UPANG MAPAG TAGUMPAYAN ANG ANUMANG HAMON SA BUHAY!
PAGBATI MULA SA ATING PUNONG BARANGAY KAP. FERDINAND"DUDUY" SANTIAGUEL AT MGA KASAMA MO SA KONSEHO.

MALIGAYANG KAARAWAN KONSI. EXCEL🎂🎁🎉🎉🎊🎈❤️



Photos from Barangay Bucandala 1's post 29/05/2024

Magandang Buhay mga kaBarangay☺️

Narito po ang listahan ng mga Natioanal Id, p**i basa nyo nalang po ang inyong mga Pangalan at kung anjan po ang inyong Pangalan p**i kuha nalang po sa ating Barangay Hall simula ngaun araw Miyerkules hanggang Linggo lang po ang kuhanan dahil sa Lunes po kukuhanin na po ulit ng Philsys ang mga National Id.
Maraming salamat po☺️

Photos from Barangay Bucandala 1's post 27/05/2024

Magandang Buhay mga kaBarangay☺️

Nagsimula ng gumawa at mag kabit ng Banderitas para sa nalalapit na Kapistahan sa June 15, 2024 ang ating mga Masisipag na mga Bantay Bayan, sa pangunguna padin ng ating napaka sipag na mga Konsehal Andy Lasquete at Konsehal Jeffrey Cadaba at Brgy. Secretary, Brgy. Treasurer, kasama din ang mga Sangguniang Kabataan ng Bucandala 1
Tulong tulong, Sama sama para sa ika uunlad ng ating Barangay.



24/05/2024

MALIGAYANG KAARAWAN KONSEHAL EDUARDO "EDU" NAVAL 🎂🎁🎉🎊🎈
PAGPALAIN KA NAWA NG ATING POONG MAY KAPAL AT BIGYAN NG KALAKASAN UPANG MAPAG TAGUMPAYAN ANG ANOMANG HAMON SA BUHAY!
PAGBATI MULA SA ATING PUNONG BARANGAY KAP. FERDINAND"DUDUY" SANTIAGUEL AT MGA KASAMA MO SA KONSEHO.

MALIGAYANG KAARAWAN KONSI. EDU🎂🎁🎉🎉🎊🎈❤️



16/05/2024

Magandang Buhay mga kaBarangay☺️

Kung sino man po ang naka pulot ng Wallet na kulay Itim na naglalaman ng mga mahahalagang ID ni Lily Villaruel sa bandang Legian 2 South sa Grocery daw po , p**i soli nalang po sa Brgy. Hall ng Bucandala 1. Kahit yung mga Id nalang po ang mapa balik kahit hindi na po yung Cash dahil mas importante po ang mga ID.
Maraming salamat po sa inyong lahat.

14/05/2024

MALIGAYANG KAARAWAN SA ATING CHIEF OF BARANGAY ALFREDO SARREAL🎂🎊🎉🎈🎁
PAGBATI MULA SA ATING PUNONG BARANGAY KAP. FERDINAND "DUDUY" SANTIAGUEL,
MGA KONSEHO AT SANGGUNIANG KABATAAN NG BUCANDALA 1.

Photos from Barangay Bucandala 1's post 05/05/2024

Magandang Buhay mga kaBarangay☺️

Kanina nagsagawa muli ng Weekly Clean Up Drive sa La Terraza Ph. B at La Terraza Ph. C Villas ang mga 4P's Member,kasama ang ating mga Bantay Bayan, Brgy. Chief Alfredo Sarreal, Brgy. Secretary Victoria Aranzasu at ang ating napaka sipag na Brgy. Kagawad Andy Lasquete.
Tulong tulong para sa Kalinisan at Kaayusan ng Barangay Bucandala 1



30/04/2024

Magandang Buhay mga kaBarangay☺️

Nais lang po ipabatid sa ating mga Senior Citizen na sarado po ang Health Center sa Bucandala 2 (May 1,2024)
Baka po may mga Senior Citizen na hihingi po ng kanilang Maintenance na gamot, sarado po sila bukas dahil Labor Day.
Maraming salamat po sa inyong pang unawa. ☺️



Photos from Barangay Bucandala 1's post 29/04/2024

Magandang Buhay mga kaBarangay☺️

Ngayong araw kinabit na pong muli sa ating Barangay Hall ang Early Warning Siren System/Early Warning Device upang mabigyan ng babala ang ating mga kaBarangay kapag may mga Sakuna o Kalamidad na dumarating.
Maraming salamat sa ating Punong Barangay Kap. Ferdinand "Duduy" Santiaguel at mga Barangay Kagawad.
Tulong tulong, Sama sama para sa Pag Unlad ng Bucandala 1.

Maraming salamat din sa ating Bantay Bayan na sina Glenn Santiaguel, Rico Llavanes at Kag. Jeffrey Cadaba sa pagkakabit ng ating Early Warning Device.



Photos from Barangay Bucandala 1's post 28/04/2024

Magandang Buhay mga kaBarangay☺️

Tuloy tuloy pdin po ang Weekly Clean Up Drive sa Main Road ng Bucandala 1, kasama ang ating masisipag na mga 4P's Member, mga Bantay Bayan at mga Brgy. Kagawad na sina Kag. Excel Lapidario at Kag. Andy Lasquete at Brgy. Secretary Victoria Aranzasu.
Sama sama, Tulong tulong para sa Kalinisan at Kaayusan ng Bucandala1❤️




24/04/2024

Magandang Buhay mga kaBarangay☺️

FACE-TO-FACE CLASSES SUSPENDED

Ayon sa rekomendasyon ng Imus City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), SUSPENDIDO na po ang FACE-To-FACE CLASSES simula ngayong araw, APRIL 24, MIYERKULES, (2ND SHIFT - 09:00 AM) hanggang APRIL 26, BIYERNES, sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan mula kinder hanggang kolehiyo dahil sa matinding init ng panahon na aabot sa 43°C heat index.

Ang asynchronous classes o distance learning ay inaasahan pong ipatutupad.

Para sa emergency, tumawag lamang sa Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO):

📞 (046)472-2618
📞 (046)472-2623
📞 (046)472-2625
📱 0919 069 1703


Photos from Barangay Bucandala 1's post 23/04/2024

Magandang Buhay mga kaBarangay☺️

Kamakailan ay nagsagawa po ng paglilinis ng mga Kanal sa La Terraza Villas Ph. C, upang hindi po bumabaha sa ating lugar at maiwasan din ang pagkakaroon ng sakit dhil sa mga Basura na inaanod sa mga Kanal at para maiwasan din ang pagdami ng mga Lamok na nagdudulot ng sakit na Dengue.
Maraming salamat po sa Cenro Imus na palaging tumutulong upang Mapaganda at mapanatiling Malinis ang ating Kapaligiran, at sa tulong narin po ng ating Butihing Punong Barangay Kap. Ferdinand "Duduy" Santiaguel at sa masisipag nating mga Barangay Kagawad na sina Kag.Andy Lasquete at Kag.Jobert Telic.
Maraming maraming Salamat po!



Want your business to be the top-listed Government Service in Imus?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Bucandala 1
Imus
4103