01/06/2026
#𝐀𝐠𝐫𝐢𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞𝐬 | 𝐌𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐥𝐢𝐤 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐝𝐢𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐮𝐥𝐨 𝐬𝐚 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐠𝐛𝐮𝐤𝐥𝐨𝐝!
Muling magbabalik ang Kadiwa ng Pangulo sa Lungsod ng Imus ngayong 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟏𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐇𝐮𝐰𝐞𝐛𝐞𝐬) 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐠𝐛𝐮𝐤𝐥𝐨𝐝 𝐂𝐨𝐯𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐭, 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐈𝐦𝐮𝐬.
Inaanyayahan ang lahat ng mga Imuseño na mamili ng sari-sari, sariwa, at abot-kayang produktong agrikultura at lokal na pagkain mula mismo sa ating mga magsasaka at lokal na producers.
📍 Lugar: Barangay Pinagbuklod Covered Court, Imus City
https://maps.app.goo.gl/KWq1aFSotBxUfq189
📅 Petsa: June 11, 2026 (Huwebes)
𝑻𝒂𝒓𝒂 𝒏𝒂, 𝒎𝒈𝒂 𝑰𝒎𝒖𝒔𝒆ñ𝒐!
𝑺𝒖𝒑𝒐𝒓𝒕𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒂𝒕 𝒕𝒂𝒏𝒈𝒌𝒊𝒍𝒊𝒌𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒓𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏.
#𝐊𝐚𝐝𝐢𝐰𝐚𝐍𝐠𝐏𝐚𝐧𝐠𝐮𝐥𝐨 #𝐀𝐠𝐫𝐢𝐈𝐦𝐮𝐬
28/05/2026
𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲, 𝐊𝐮𝐲𝐚 𝐎𝐫𝐥𝐢! 🎉🌱
Kapag usapang energy, good vibes, at kwela sa opisina, siguradong hindi mawawala ang pangalan mo! 😄 Salamat sa pagiging masipag, approachable, at laging game sa kwentuhan at tawanan na talagang nagpapasaya sa workplace.
Bukod sa iyong sense of humor, hanga rin kami sa iyong talento at husay pagdating sa pagtatanim at agrikultura. Marami kang natutulungan hindi lang sa opisina kundi pati na rin sa mga clients na natututo mula sa iyong experience at practical knowledge.
Thank you for always sharing your ideas, techniques, at pagiging creative pagdating sa mga halaman at urban gardening.
Wishing you more blessings, good health, happiness, at mas marami pang tagumpay sa buhay. Sana ay patuloy mong mapalago hindi lang ang mga halaman kundi pati ang inspirasyon at good vibes na naibibigay mo sa iba.
𝐸𝑛𝑗𝑜𝑦 𝑦𝑜𝑢𝑟 𝑠𝑝𝑒𝑐𝑖𝑎𝑙 𝑑𝑎𝑦, 𝐊𝐮𝐲𝐚 𝐎𝐫𝐥𝐢! 🎂🍃✨
22/05/2026
𝐀𝐀𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐕𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐂𝐋𝐔𝐒𝐓𝐄𝐑 𝟓!
Imuseño, sa patuloy na paghahatid ng pinakamalaking serbisyo caravan, muling magbabalik ang programang aaksyon sa inyong pangangailangan, ang AAksyon Caravan!
Sa darating na Sabado, Mayo 23, 2026, magkita-kita po tayo sa Treelane 3 Phase C Covered Court, Bayan Luma 6, mula 08:00 AM hanggang 12:00 NN.
📌 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐢𝐬𝐭
• Free Seeds
Kita-kits, Imuseño!
20/05/2026
#𝐀𝐠𝐫𝐢𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞𝐬 | 𝐔𝐫𝐛𝐚𝐧 𝐆𝐚𝐫𝐝𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫
Muling nagsagawa ng Urban Gardening Seminar sa ACM Sherwood Homes, Brgy. Anabu II-B, Lungsod ng Imus sa pangunguna ni Punong Barangay Christian Diato.
Tinalakay sa seminar ang iba’t ibang paraan ng urban gardening tulad ng container gardening, paggamit ng organikong pataba, at ang makabagong paraan ng pagtatanim gamit ang SNAP Hydroponics System. Layunin nitong hikayatin ang mga residente na magtanim ng sariling gulay upang magkaroon ng masustansya at sariwang pagkain sa tahanan.
#𝐀𝐠𝐫𝐢𝐈𝐦𝐮𝐬
14/05/2026
#𝐀𝐠𝐫𝐢𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞𝐬 | 𝐏𝐫𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐨𝐧𝐢𝐭𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠
Patuloy na nagsasagawa ng price monitoring ang Office of the City Agriculturist upang mabantayan ang presyo ng mga pangunahing agricultural commodities sa mga pamilihan.
Layunin nitong mapanatili ang patas na presyo ng mga produktong agrikultural habang tinitiyak ang kapakanan ng mga mamimili at suporta sa ating mga lokal na magsasaka.
#𝐀𝐠𝐫𝐢𝐈𝐦𝐮𝐬
14/05/2026
𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎: Extended Four-Day Compressed Workweek ng Imus LGU
Nilagdaan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula nitong Mayo 11, 2026 ang Executive Order No. 029, s. 2026, na nagpapalawig sa implementasyon ng Four‑Day Compressed Workweek hanggang Disyembre 25, 2026 sa Pamahalaang Lungsod ng Imus.
Sa ilalim ng kautusang ito, mananatiling bukas ang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan mula Lunes hanggang Huwebes, 7:00 A.M. hanggang 6:00 P.M., upang patuloy na makapaghatid ng serbisyo sa mga Imuseño.
Gayunpaman, hindi pa rin saklaw ng direktiba ang mga tanggapan na may kinalaman sa kalusugan, disaster response, at iba pang pangunahing serbisyo na kinakailangang magpatuloy ng operasyon para sa kapakanan ng publiko.
Ang nasabing pagpapalawig sa implementasyon ng Four‑Day Compressed Workweek ay bunsod ng matinding init ng panahon at ng patuloy na kawalan ng katatagan sa presyo ng produktong petrolyo.
12/05/2026
𝐇𝐚𝐩𝐲 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲, 𝐌𝐬. 𝐌𝐚𝐫𝐠𝐞! 🎉✨
Thank you for bringing joy, laughter, and positive energy to the office every day. Your kindness, cheerful personality, and generosity truly make the workplace brighter and more enjoyable for everyone.
We also appreciate your warm and friendly attitude toward clients and coworkers. You are truly a blessing to the team.
Wishing you good health, happiness, success, and many more blessings in life. May you continue to inspire others with your positivity and beautiful smile.
Enjoy your special day, Ms. Marge! 🎂💖
11/05/2026
#𝐀𝐠𝐫𝐢𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞𝐬 | 𝐔𝐫𝐛𝐚𝐧 𝐆𝐚𝐫𝐝𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫
Sa pangalawang pagkakataon, muling nagsagawa ng Urban Gardening Seminar sa Crystal Place Subdivision, Brgy. Malagasang II-C sa pangunguna ni Punong Barangay, Mr. Danilo Herrera.
Tinalakay sa seminar ang iba’t ibang pamamaraan ng urban gardening kabilang ang Container Gardening, paggamit ng Organic Fertilizers, at ang makabagong teknolohiya ng pagtatanim gamit ang SNAP Hydroponics. Nagbigay rin ng mga praktikal na kaalaman kung paano makapagsimula ng sariling gulayan kahit sa limitadong espasyo lamang.
Bilang karagdagang suporta sa mga residente, namahagi rin ng mga IEC Materials tungkol sa Urban Agriculture at Container Gardening upang magsilbing gabay at dagdag kaalaman sa pagpapatuloy ng kanilang pagtatanim sa tahanan.
Patuloy ang Office of the City Agriculturist sa pagsusulong ng mga programang naglalayong palawakin ang kaalaman ng komunidad tungkol sa urban agriculture tungo sa mas masagana at luntiang pamayanan.
#𝐀𝐠𝐫𝐢𝐈𝐦𝐮𝐬
07/05/2026
#𝐀𝐠𝐫𝐢𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞𝐬 | 𝐏𝐫𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐨𝐧𝐢𝐭𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠
Nagsagawa ng price monitoring ang aming opisina sa tatlong pampublikong pamilihan sa Lungsod ng Imus: Anabu Kostal Public Market, Buhay na Tubig Public Market, at Mariano Espeleta Public Market upang matiyak ang tamang presyo at sapat na suplay ng mga pangunahing bilihin para sa ating mga mamimili.
#𝐀𝐠𝐫𝐢𝐈𝐦𝐮𝐬 See less