02/06/2026
𝟑𝟎𝟎 𝐈𝐦𝐮𝐬𝐞𝐧̃𝐨, 𝐝𝐮𝐦𝐚𝐥𝐨 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝟑𝐑𝐬 𝐚𝐭 𝟑𝐂𝐬 𝐖𝐚𝐬𝐭𝐞 𝐃𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Umabot sa 300 Imuseño ang dumalo sa Official Launching ng 3Rs (Reduce, Reuse, and Reward) Program at 3Cs (Cook, Collect, and Contribute) Sana Oil Program, at sa briefing para sa binabalangkas na Executive Order hinggil sa Implementasyon ng Waste Segregation and Diversion Projects na pinangunahan ng Office of the City Environment and Natural Resources Officer (OCENRO) sa Function Hall ng New Imus City Government Center noong Mayo 25, 2026.
Tinalakay nina Klan Alison, Chairman at Founder ng Bioten Energy Inc., at Nerea C. Defensor, mula sa OCENRO Information, Education, and Communication (IEC) Unit, ang 3Rs Program at ang 3Cs Sana Oil Program bilang pangunahing hakbang sa waste diversion.
Dumalo rin sa programa si City Mayor Alex “AA” L. Advincula na nagpahayag ng kanyang suporta.
Sa pamamagitan ng opisyal na paglulunsad na ito, isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang mas sistematikong pagpapatupad ng waste segregation at diversion projects, na naglalayong bawasan ang basura at palakasin ang partisipasyon ng komunidad sa pangangalaga ng kapaligiran.
02/06/2026
𝐙𝐡𝐚𝐧𝐞 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐲𝐧 𝐌𝐚𝐧𝐬𝐮𝐞𝐭𝐨, 𝐁𝐫𝐨𝐧𝐳𝐞 𝐌𝐞𝐝𝐚𝐥𝐢𝐬𝐭 𝐬𝐚 𝐁𝐨𝐜𝐜𝐞 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐄𝐯𝐞𝐧𝐭 𝐬𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚
Tibay ng pulso ang ipinakita ni Zhane Angelyn Mansueto matapos makuha ang tansong medalya sa Bocce Team Event ng 2026 Palarong Pambansa nitong Mayo 29 sa Prosperidad, Agusan del Sur.
Ang iyong tagumpay ay huwaran ng lakas ng loob at dedikasyon sa mga kabataang Imuseñong nasa Special Needs Education.
Congratulations, Zhane Angelyn Mansueto!
02/06/2026
𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐌𝐢𝐜𝐚𝐞𝐥𝐥𝐚 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐨𝐳𝐚, 𝐒𝐢𝐥𝐯𝐞𝐫 𝐌𝐞𝐝𝐚𝐥𝐢𝐬𝐭 𝐬𝐚 𝐓𝐚𝐞𝐤𝐰𝐨𝐧𝐝𝐨‑𝐊𝐲𝐨𝐫𝐮𝐠𝐢 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚
Matinding disiplina at tapang ang ipinamalas ni Princess Micaella Mendoza matapos masungkit ang Silver Medal sa Taekwondo‑Kyorugi Elementary Girls (168 cm) sa 2026 Palarong Pambansa nitong Mayo 29, 2026, sa Prosperidad, Agusan del Sur.
Ang iyong tagumpay ay hindi lamang medalya, kundi inspirasyon para sa mga kabataang Imuseñong may interes sa taekwondo.
Congratulations, Princess Micaella Mendoza!
02/06/2026
𝐋𝐮𝐤𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐝𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐫𝐢𝐧𝐚𝐬
Bago ang kanyang huling hantungan, binigyang-papugay ng Pamahalaang Lungsod ng Imus si yumaong dating Punong Barangay Bayani Sarinas ng Brgy. Medicion 2-E nitong Hunyo 1, 2026.
Nakiramay at nagbigay ng mensahe ang kanyang mga kaanak at mga naging kaibigan bilang pagkilala sa mahabang panahon ng kanyang paglilingkod sa publiko.
Iginawad din ang resolusyon mula sa Sangguniang Panlungsod ng Imus bilang pagkilala sa mga naiambag ni Kapitan Bayani Sarinas sa kanyang barangay at mga nasasakupan.
Nag-alay rin ng bulaklak ang mga dumalo bilang tanda ng paggalang at pamamaalam.
02/06/2026
𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐤𝐚𝐲𝐚 𝐢𝐝𝐨𝐥 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐥𝐞𝐩𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐧𝐢𝐲𝐚?
Mga batang Imuseño! Halina't alamin ang mga nakamamanghang katangian ng tatay na elepante sa kuwentong"My Daddy! My One and Only!" sa darating na Miyerkules, Hunyo 3, 2026, 4:00 P.M., sa “Kuwentuhan na sa Plaza. . . Mga Bata, Tara na!”
Isasalaysay ito ni kuya Christian Mespher A. Hernandez sa Imus City Plaza, kaya’t ayain na ang inyong mga kaibigang edad 5 hanggang 12 taon!
Kita kits, mga bata!
02/06/2026
𝐈𝐦𝐮𝐬 𝐋𝐆𝐔 𝐚𝐭 𝐍𝐇𝐂𝐏, 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐮𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐅𝐥𝐚𝐠 𝐃𝐚𝐲𝐬 𝐚𝐭 𝐢𝐤𝐚-𝟏𝟐𝟖 𝐚𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐀𝐥𝐚𝐩𝐚𝐧
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Matagumpay na idinaos sa Dambana ng Pambansang Watawat, Imus Heritage Park ang National Flag Days at paggunita sa Ika‑128 Anibersaryo ng Labanan sa Alapan, na may temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan.” nitong Mayo 28, 2026.
Pinangunahan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Imus at ang Philippine Navy sa makasaysayang seremonya.
Bilang suporta sa program, dumalo at nagbigay ng mensahe ng pagkakaisa si City Mayor Alex “AA” Advincula, na binigyang‑diin ang papel ng Imus bilang duyan ng rebolusyon at tahanan ng unang tagumpay ng mga Pilipino tungo sa kalayaan.
Ipinahayag naman ni NHCP Chairperson Regalado Trota Jose Jr. ang kahalagahan ng kasaysayan sa paghubog ng pambansang pagkakakilanlan.
Nagbahagi rin ng pakikiisa sina Senador JV Ejercito at DILG Secretary Jonvic Remulla, habang si Cavite Governor Francisco Gabriel “Abeng” Remulla ay nagbigay ng makabayang talumpati hinggil sa demokrasya at kasarinlan.
Lubos namang nagalak ang mga beterano ng Veterans Federation of the Philippines (VFP) na pinangunahan ni Region IV‑A Vice President Celso Voluntad, dahil patuloy na nabibigyang‑halaga ang kanilang pakikibaka para sa kalayaan.
Nagtapos ang programa sa sabayang pagkaway ng Pambansang Watawat habang tinutugtog ang awiting “Samu’t Saring Iisa” ni Kent Charcos, bilang sagisag ng pagkakaisa ng bawat Pilipino.
Ang pagdiriwang ng National Flag Days ay magtatagal mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12, Araw ng Kalayaan, bilang pagpupugay sa Pambansang Watawat—simbolo ng kasarinlan at pagkakaisa ng mga Imuseño at ng sambayanang Pilipino.
02/06/2026
𝐌𝐚𝐬𝐬 𝐑𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐕𝐚𝐜𝐜𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨 𝟑–𝟏𝟔
Hatid ng Office of the City Veterinarian ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang libreng bakuna kontra rabies para sa mga alagang a*o at pusa sa iba’t ibang barangay sa lungsod.
Narito ang iskedyul ng gaganaping pagbabakuna mula Hunyo 3-16, 2026:
🗓 Hunyo 3, 2026
➤ Bagong Silang
📍Barangay Hall
➤ Mariano Espeleta 3
📍Fairwood Covered Court
🗓 Hunyo 4, 2026
➤ Maharlika
📍Area B Covered Court
➤ Pinagbuklod
📍Barangay Hall
🗓 Hunyo 9, 2026
➤ Mariano Espeleta 1
📍Covered Court
➤ Mariano Espeleta 2
📍Covered Court
🗓 Hunyo 10, 2026
➤ Magdalo
📍Covered Court
➤ Bayan Luma 1
📍Covered Court
🗓 Hunyo 11, 2026
➤ Bayan Luma 2
📍Covered Court
➤ Bayan Luma 3
📍Treelane 2
🗓 Hunyo 16, 2026
➤ Bayan Luma 3
📍Camella Homes
➤ Bayan Luma 4
📍Covered Court
Para naman sa ongoing Pet Registration, narito po ang link para sa Pawnec App:
https://pawnec.com/register?city=Imus%20City
Ang kalusugan ng inyong mga alagang hayop ay mahalaga. Pabakunahan sila, Imuseño!
02/06/2026
𝐇𝐀𝐏𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐖: Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) Payout
Kasalukuyang isinasagawa ang pamamahagi ng pinansyal na tulong para sa mga magsasaka at mangingisda ng Lungsod ng Imus sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP), na ginaganap sa Wellness Center ng New Imus City Government Center, sa pangunguna ng Office of the Congressman.
Ang programang ito ay layuning suportahan ang sektor ng agrikultura at pangisdaan, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa seguridad sa pagkain at kabuhayan ng mga mamamayan.
02/06/2026
𝑳𝑰𝑩𝑹𝑬𝑵𝑮 𝑵𝑶𝑻𝑨𝑹𝒀𝑶 𝒂𝒕 𝑳𝑬𝑮𝑨𝑳 𝑪𝑶𝑵𝑺𝑼𝑳𝑻𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 ⚖️
Inaanyayahan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang mga Imuseño na makibahagi sa programang “Abogado ng Imuseño”, na maghahatid ng libreng notaryo at legal consultation para sa publiko, sa pangunguna ni Konsehal Atty. Wency Lara.
🟢Gaganapin ito ngayong Martes, Hunyo 2, 2026, alas‑8:00 ng umaga sa Arvin Pato Residence (Near Majulah, in front of Onion Blooms), Alapan I‑B.
🟢Magkakaroon din sa darating na Huwebes, Hunyo 4, 2026 sa Eden Eternal Garden (Beside Brgy. Outpost), Bayan Luma 9.
Layunin ng programang ito na mailapit ang serbisyong legal sa bawat mamamayan, bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng pamahalaan para sa akses sa katarungan at karapatan ng bawat Imuseño.
07/05/2026
𝐌𝐢𝐥𝐥𝐞𝐧𝐧𝐢𝐚𝐥 𝐨 𝐆𝐞𝐧 𝐙? 🤔
Kahit ano pa yan!
Dahil ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ay aktibong nakiisa sa malawakang kampanya ng pagtitipid sa enerhiya.
Sa pamamagitan ng mga konkretong hakbang gaya ng pagpapatupad ng compressed work week, tamang paggamit ng mga kagamitan, at iba pang energy-saving practices, epektibong naipapakita ng lokal na pamahalaan ang malasakit sa kapaligiran at responsableng pamamahala ng yaman.
Dahil sa Imus, we effectively serve civic duties while saving watts! ⚡💅🏼