09/10/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐,
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ซ๐ข๐๐ฌ, ๐ข๐๐ข๐ง๐๐ก๐๐ ๐ข ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ญ๐๐ค๐ง๐ข๐ค๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฌ๐๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐ฉ๐๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐
Binigyang-linaw ni ๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐ซ๐๐ฅ ๐๐ซ๐ข๐๐ฌ ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ฅ๐๐ง๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐๐๐ข๐๐๐ซ ๐๐๐ ๐๐จ๐ข๐ฆ๐๐ ๐๐๐ซ๐ข๐๐ฌ ang mga tiyak na pamaraan sa pagpaplano ng mga panukalang programa ng sangay upang masig**ong magiging maayos ang implementasyon ng mga proyektong inihapag ng SDO Imus City.
Sa kaniyang pagtalakay tungkol sa Program Management Information System (PMIS), ipinunto ni PO III Varias ang kahalagahan ng tamang pagpaplano sa matagumpay na paglulunsad ng mga gawain at programa ng dibisyon.
โPlanning for issues and concerns at planning stage is difficult since these will arise only during implementation,โ pahayag ni Varias bilang pagbibigay-diin sa importansya ng tiyak na pagpaplano sa lahat ng pagkakataon.
Binigyang-pansin din ni PO III Varias sa workshop ang kahalagahan ng pagsisig**ong hindi magkakamali sa pagsasagawa ng proseso ng pagpaplano ang mga pangunahing opisyal ng sangay ng Imus.
โThe lesser the issues the better. More issues are a reflection of weaknesses in the system,โ ani Varias bilang hamon sa mga kawani ng SDO Imus hinggil sa maayos na pagpaplano para sa ikabubuti
Inaasahang magiging gabay sa mga nakasalang na programa para sa implementasyon ng Angat Framework ng SDO Imus City ang mga pangunahing pamaraan na binanggit ni Varias sa pagpaplano ng mga gawain ng dibisyon.