Liga ng mga Barangay - City of Imus, Cavite Chapter

Liga ng mga Barangay - City of Imus, Cavite Chapter

Share

This is the official facebook account of the Liga ng mga Barangay - City of Imus Cavite Chapter Liga ng mga Barangay - City of Imus Cavite Chapter

03/06/2026

Isang Maligayang Kaarawan kay Punong Barangay Carlos S. Maluto ng Barangay Poblacion III-A

Nawaโ€™y maging masaya at makabuluhan ang iyong pagdiriwang. Hangad namin ang patuloy na mabuting kalusugan, lakas, at tagumpay sa pagtupad ng iyong mga tungkulin para sa ating lungsod. ๐Ÿ’™

02/06/2026

PABATID SA PUBLIKO! ๐Ÿ“ข

๐Œ๐š๐ฌ๐ฌ ๐‘๐š๐›๐ข๐ž๐ฌ ๐•๐š๐œ๐œ๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐Ÿ‘โ€“๐Ÿ๐Ÿ”

Hatid ng Office of the City Veterinarian ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang libreng bakuna kontra rabies para sa mga alagang a*o at pusa sa ibaโ€™t ibang barangay sa lungsod.

Narito ang iskedyul ng gaganaping pagbabakuna mula Hunyo 3-16, 2026:

๐Ÿ—“ Hunyo 3, 2026
โžค Bagong Silang
๐Ÿ“Barangay Hall
โžค Mariano Espeleta 3
๐Ÿ“Fairwood Covered Court

๐Ÿ—“ Hunyo 4, 2026
โžค Maharlika
๐Ÿ“Area B Covered Court
โžค Pinagbuklod
๐Ÿ“Barangay Hall

๐Ÿ—“ Hunyo 9, 2026
โžค Mariano Espeleta 1
๐Ÿ“Covered Court
โžค Mariano Espeleta 2
๐Ÿ“Covered Court

๐Ÿ—“ Hunyo 10, 2026
โžค Magdalo
๐Ÿ“Covered Court
โžค Bayan Luma 1
๐Ÿ“Covered Court

๐Ÿ—“ Hunyo 11, 2026
โžค Bayan Luma 2
๐Ÿ“Covered Court
โžค Bayan Luma 3
๐Ÿ“Treelane 2

๐Ÿ—“ Hunyo 16, 2026
โžค Bayan Luma 3
๐Ÿ“Camella Homes
โžค Bayan Luma 4
๐Ÿ“Covered Court

Para naman sa ongoing Pet Registration, narito po ang link para sa Pawnec App:
https://pawnec.com/register?city=Imus%20City

Ang kalusugan ng inyong mga alagang hayop ay mahalaga. Pabakunahan sila, Imuseรฑo!

01/06/2026

Happy Pride Month! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ

Ang Liga ng mga Barangay ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month bilang pagkilala sa pagkakapantay-pantay, paggalang, at dignidad ng bawat isa. Nawaโ€™y patuloy nating itaguyod ang isang komunidad na bukas, mapagkalinga, at nagbibigay-pagkakataon para sa lahat.

Photos from Liga ng mga Barangay - City of Imus, Cavite Chapter's post 01/06/2026

๐‹๐”๐Š๐’๐€๐๐† ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹

Ang Liga ng mga Barangay ay taos-pusong nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at sa buong pamayanan sa pagpanaw ni Former Punong Barangay Bayani Sarinas ng Barangay Medicion II-E.

Isinagawa ang Luksang Parangal bilang pagkilala at pagpupugay sa kanyang mahalagang ambag at natatanging paglilingkod sa komunidad, gayundin sa mga aral at inspirasyong kanyang iniwan sa larangan ng paglilingkod-bayan.

Maraming salamat, Kap. Bayani, sa iyong tapat na dedikasyon, malasakit, at walang sawang paglilingkod para sa bawat Imuseรฑo. Mananatiling buhay sa alaala ng marami ang iyong mga nagawa at ang pamana ng kabutihan na iyong iniwan.

28/05/2026

Isang Maligayang Kaarawan kay Punong Barangay Jeffrey P. Aman ng Barangay Alapan I-A.

Nawaโ€™y maging masaya at makabuluhan ang iyong pagdiriwang. Hangad namin ang patuloy na mabuting kalusugan, lakas, at tagumpay sa pagtupad ng iyong mga tungkulin para sa ating lungsod. ๐Ÿ’™

28/05/2026

๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐–๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐–๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ

Ipinagdiriwang ngayong Mayo 28, 2026, ang National Flag Days at ang ika-128 anibersaryo ng makasaysayang Labanan sa Alapan noong Mayo 28, 1898.

Ang unang tagumpay ng Republika ng Pilipinas sa Labanan sa Alapan ang naging mitsa upang tuluyan nitong makamit ang matagal nang minimithing kalayaan noong Hunyo 12, 1898.

Kaya naman sa bisa ng Executive Order No. 179, s. 1994, pinalawig ang selebrasyon ng Pambansang Araw ng Watawat mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12 taon-taon na kinikilala bilang National Flag Days.

Ang selebrasyong ito ay hindi lamang simbolo ng pagpapahalaga sa bansa, kundi ito ay pag-alala sa sama-samang sakripisyo at pagmamahal ng mga taong ibinuwis ang kanilang dugo't pawis para sa kasarinlan ng kanilang bayang sinilangan--ang Pilipinas.

Maligayang Araw ng Pambansang Watawat, Imuseรฑo!

Photos from Liga ng mga Barangay - City of Imus, Cavite Chapter's post 28/05/2026

Sa pangunguna ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), katuwang ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Pamahalaang Lungsod ng Imus, matagumpay na isinagawa ang Pagtataas ng Pambansang Watawat ng Pilipinas ngayong National Flag Days, kasabay ng paggunita sa ika-128 anibersaryo ng Labanan sa Alapan, ngayong Mayo 28, 2026 sa Dambana ng Pambansang Watawat ng Pilipinas, Alapan II-B.

Ang makasaysayang pagtitipon na ito ay isinasagawa bilang pagpupugay sa katapangan ng mga Pilipinong lumaban para sa kalayaan, at bilang pagpapalalim ng kamalayan at pagpapahalaga sa kasaysayan ng ating pambansang watawat, isang sagisag ng ating kasarinlan, pagkakaisa, at nasyonalismo.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng Punong Barangay na nakilahok at nakiisa sa makabuluhan at makasaysayang pagdiriwang na ito. ๐Ÿ’™๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ


27/05/2026

Isang Maligayang Kaarawan sa ating masigasig na City Chief of Poilice, PLTCOL Chey Chey Saulog.

Nawaโ€™y maging masaya at makabuluhan ang iyong pagdiriwang. Hangad namin ang patuloy na mabuting kalusugan, lakas, at tagumpay sa pagtupad ng iyong mga tungkulin para sa ating lungsod. ๐Ÿ’™

27/05/2026

Nakikiisa ang Liga ng mga Barangay sa ating mga kapatid na Muslim sa makabuluhang pagdiriwang ng Eidโ€™l Adha, o โ€œFeast of Sacrifice,โ€ na sumisimbolo sa pananampalataya, pagsunod, at pagmamalasakit sa kapwa.

Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pang mapatatag ang pagkakaisa, paggalang sa bawat pananampalataya, at pagtutulungan sa ating komunidad.

Maligayang Eidโ€™l Adha sa lahat ng ating mga kapatid na Muslim. Eid Mubarak! ๐Ÿค

27/05/2026

๐“๐”๐‹๐Ž๐๐† ๐ƒ๐”๐๐Ž๐๐† ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐๐† ๐ˆ๐Œ๐”๐’๐„ร‘๐Ž! ๐ŸŽ“๐Ÿ’™

Para po sa ating mga masisipag at determinadong college students dito sa Lungsod ng Imus, bukas na po ang aplikasyon para sa ๐‚๐‡๐„๐ƒ ๐“๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ƒ๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ (๐“๐ƒ๐)!

Sa pamamagitan ng programang ito, ang mga kwalipikadong iskolar ay makatatanggap ng โ‚ฑ๐Ÿ•,๐Ÿ“๐ŸŽ๐ŸŽ ๐จ๐ง๐ž-๐ญ๐ข๐ฆ๐ž ๐ ๐ซ๐š๐ง๐ญ para makatulong sa inyong pag-aaral.

๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€: Ang programang ito ay para sa ๐Ÿ๐Ÿ“๐ŸŽ ๐‹๐ˆ๐Œ๐ˆ๐“๐„๐ƒ ๐’๐‹๐Ž๐“๐’ lamang! Kaya naman ihanda na agad ang inyong mga requirements at mag-apply nang maaga!

๐Ÿ“Œ ๐๐”๐€๐‹๐ˆ๐…๐ˆ๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐’:

- Residente at rehistradong botante ng Lungsod ng Imus.
- Kasalukuyang 3rd year o 4th year college student na naka-enroll sa anumang undergraduate degree program sa mga SUCs, CHED Recognized LUCs, o PHEIs.
- May General Weighted Average (GWA) na hindi bababa sa 2.50 o 80%.
- Hindi benepisyaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES), CHED Scholarship Programs, at iba pang national-government funded StuFAPs.
- Hindi benepisyaryo ng Binhing Advincula at iba pang Educational Assistance programs mula sa Imus LGU.

๐Ÿ“‹ ๐‘๐„๐๐”๐ˆ๐‘๐„๐Œ๐„๐๐“๐’:

- Accomplished Tulong Dunong Application Form
- Photocopy ng School ID na may tatlong (3) specimen signatures
- Voterโ€™s Certification
- Certified True Copy (CTC) ng Certificate of Registration o Enrollment para sa 1st Sem A.Y. 2025-2026
- Certified True Copy (CTC) ng Certificate of Indigency

๐Ÿ“ฅ ๐๐€๐€๐๐Ž ๐Œ๐€๐Š๐”๐‡๐€ ๐€๐๐† ๐€๐๐๐‹๐ˆ๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐…๐Ž๐‘๐Œ?
I-download lamang ang form sa link na ito:
๐Ÿ‘‰ https://drive.google.com/file/d/1lsBryWGoHtdygluxI6NuZVYe6eH7fxbT/view

๐Ÿ“… ๐€๐๐๐‹๐ˆ๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐„๐‘๐ˆ๐Ž๐ƒ:
Mula May 26 hanggang 28, 2026 lamang po ito, kaya ihanda na agad ang inyong mga requirements!

๐Ÿ“ ๐’๐€๐€๐ ๐ˆ๐๐€๐๐€๐’๐€?
Magtungo at i-submit ang inyong aplikasyon sa:
3rd Floor, Congressmanโ€™s Office, New Imus City Government Center.

Sa pamamagitan ng mga programang kagaya nito, patuloy po nating itataguyod ang dekalidad na edukasyon para sa mas magandang kinabukasan ng ating mga kabataang Imuseรฑo! ๐Ÿ’™



Want your business to be the top-listed Government Service in Imus?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Liga Ng Mga Barangay Office, 5th Floor New Government Center
Imus
4103