23/11/2023
IMUS, KINILALA SA 5 COMPETITIVENESS INDEX SA CMCI PROVINCIAL RECOGNITION
Ginawaran ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ng limang parangal sa 3rd Cavite Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) Provincial Post-Evaluation and Recognition ng Provincial Competitiveness Committee ng Department of Trade and Industry (DTI) Cavite noong Biyernes, Nobyembre 10, 2023, sa City of General Trias, Cavite.
Sa ilalim ng Component Cities category, tinanghal ang Imus bilang Rank 1 sa Government Efficiency, Rank 1 sa Resiliency, Rank 3 sa Economic Dynamism, at Rank 3 sa Innovation. Gayon din ang paggawad ng Improved Ranking dahil sa pag-angat nito mula Rank 25 hanggang Rank 20.
Taon-taon, kinikilala ng Cavite CMCI ang mga lungsod at munisipalidad na pinatutunayan ang kanilang kakayahan sa limang haligi ng pamamahala. Kinabibilangan ito ng economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resiliency, at innovation.
Nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang mga nasabing pagkilala sa pangunguna na Imus Local Economic Development and Investment Promotions Office.
30/06/2023
Inaanyayahan ko po ang bawat Imuseño na tumutok sa ating Facebook livestream bukas, Biyernes, June 30, sa page ng inyong lingkod sa ganap na 11:00 ng umaga.
Samahan po ninyo ako sa aking pag-uulat sa ating State of the City Address, isang taon mula nang tayo ay magsimulang maglingkod bilang Punong Lungsod.
30/06/2023
Happy Birthday 🎁🎊🎂🎉🎈
Isang Maligayang Kaarawan po kay Engr. Christian Mervin Sarno na City Engineer I ng City Engineering Office (CEO)!
Nawa'y masaya ang iyong pagdiriwang sa espesyal na araw na ito!
10/05/2023
Sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, pinasinayaan ang pagpapatayo ng bagong Ronald McDonald Bahay Bulilit Learning Center sa ACM Village, Brgy. Alapan 1-A noong Biyernes, Mayo 5, 2023.
Nakasama rin dito ang Managing Director ng McDonald’s Philippines at Vice President ng Ronald McDonald House Charities of the Philippines, Inc. (RMHC) na si Ms. Margot Torres at iba pang mga kawani.
Dinaluhan din ito nina Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula, City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, City Social Welfare and Development Office’s Officer-in-charge (OIC) Josephine G. Villanueva, City Administrator Tito Monzon, Special Assistant to the Mayor Jeff Purisima, City Information Office’s OIC Ervin Ace Navarette, City of Imus Tourism and Heritage Office’s OIC Dr. Jun Paredes, Youth Affairs Office’s OIC Jericho Reyes, City Engineering Officer Engr. Chris Sarno, Kap. Jeffrey Aman, at mga kagawad ng Brgy. Alapan 1-A.
Matatandaang binuksan sa mga batang Imuseño ang kauna-unahang McDo Bahay Bulilit noong 2019 sa Brgy. Malagasang 1-G.
Ang McDo Bahay Bulilit ay isa sa mga programa ng RMHC para sa pagkatuto ng mga batang kabilang sa low-income families.