Kap. Ernesto Medina

Kap. Ernesto Medina

Share

Punong Barangay ng Pag-asa II, Imus, Cavite

14/11/2025

Announcement from Primavida Homeowners Association:

“Tapos na ang Bagyong Uwan!
Umpisahan na ang Bagyong Laro ng Volleyball..
Calling All PAGASA 2 MENS UNDER 18
Pwede ng magbuo ng team minimum 10 players at sumali sa 1st PRIMAVIDA INTER-LEAGUE
Opening is on NOV 29
Every Saturday and Sunday games only
200 pesos quota per head
Single round eliminations
Cash prize and trophy awaits for the Champion
HURRY UP! Registration will be end on Nov 26.
LETS SPIKE! TOSS! AND SERVE!!!”

04/10/2025

MAGING HANDA AT ALERTO!

Dahil po sa malakas na pag-ulan simula kanina ay umaangat na po ang tubig sa ating kanal at bangbang. Maging handa po tayo sa posibleng pagbaha sa susunod na oras.

Ang evacuation center po sa barangay ay laging bukas para sa inyo. Kung may kailangan po ay magmessage lang po sa atin.

Mag-ingat po tayo!


Photos from GMA News's post 30/09/2025
25/09/2025

Break muna sa “Flood Control Hearing” na balita, padaan lang po muna para sa paghahanda sa posibleng pagbaha sa ating barangay.

Narito po ang Flood Updates as of 10PM sa ating barangay:

Hindi pa man bumubuhos ang ulan ay medyo tumataas na po ang tubig sa kanal at ilog.

Bilang paghahanda po sa forecasted na pag-ulan at posibleng bagbaha bukas, magtaas na po ng mga gamit at makibalita.

Kung kinakailangan na pong lumikas bilang paghahanda ay bukas po ang ating evacuation center sa second floor ng Barangay Hall.

Ingat po tayo at maging alisto!

P.S. Pagkatapos basahin at maghanda, makinig o magbasa ulit ng balita tungkol sa Flood Control Projects sa bansa para mas maunawaan at matukoy nating ang may kasalanan kung bakit tayo mas binabaha.

25/09/2025

Bilang paghahanda sa bagyong , suspendido na po ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Imus simula Setyembre 26–27, 2025 (Biyernes at Sabado).

Wala ring pasok sa mga tanggapan ng Lokal na Pamahalaan, maliban sa mga ahensyang may kinalaman sa kalusugan, disaster response, at iba pang pangunahing serbisyo.

Pinag-iingat po ang lahat, kasabay ng pagiging handa at alerto sa masamang panahon.

Photos from City Government of Imus's post 24/09/2025
22/09/2025

Alinsunod sa anunsyo ng ating butihing Mayor Alex Advincula, wala pong pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Imus bukas, Setyembre 23, 2025, bunsod ng patuloy na malakas na pag-ulan na dala ng .

Manatili pong alerto at mag-ingat!

Suspendido pa rin po ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Imus bukas, Setyembre 23, 2025, bunsod ng patuloy na malakas na pag-ulan na dala ng .

Ipatutupad ang Asynchronous o Modular Distance Learning alinsunod sa DepEd, habang ang mga pribadong paaralan naman ay susunod sa desisyon ng kanilang pamunuan.

Manatili pong alerto at mag-ingat, mga Imuseño.

22/09/2025

Ayon sa NDRRMC ay nasa kategoryang orange rainfall warning po ang Cavite sa kasalukuyan.

Ibig sabihin po ay nagbabanta ang matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa. Ngayon po ay hindi pa naman umaapaw ang tubig sa kanal.

Gayunpaman, tayo po ay maghanda at mag-ingat!

Want your business to be the top-listed Government Service in Imus?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Brgy. Pag-asa II
Imus
4103