29/09/2026
𝐏𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎: Kaanak ni JOHN DOE SAUYO
Ipinababatid ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa mga kaanak ni John Doe Sauyo o kilala rin bilang Cedrick Lumen, 35 taong gulang, dating pasyente ng National Center for Mental Health (NCMH), na ngayon ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Halfway Home ng pamahalaan.
Ito ay matapos siyang matagpuan na walang saplot malapit sa rotonda ng Barangay Alapan I-C, Imus City, Cavite.
Maaaring makipag-ugnayan ang sinumang kaanak ni Sauyo o Lumen sa tanggapan ng Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO) sa Ground Floor, New Imus City Government Center, Imus Blvd., Brgy. Malagasang 1-G, City of Imus, Cavite.
Maraming salamat po.