Guyam Munti Indang Cavite

Directions

Guyam Munti Indang Cavite Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Guyam Munti Indang Cavite, Government Organization, Guyam Munti, Indang.

BAGONG PILIPINAS BARANGAY SCHOLARSNarito ang listahan ng limang (5) napiling iskolar ng Barangay  Guyam Munti sa ilalim ...
19/09/2026

BAGONG PILIPINAS BARANGAY SCHOLARS

Narito ang listahan ng limang (5) napiling iskolar ng Barangay Guyam Munti sa ilalim ng Bawat Barangay Makikinabang Program (BBMP).

Ang pagpili sa mga iskolar ay isinagawa alinsunod sa mga itinakdang pamantayan at kwalipikasyon na nakasaad sa Sangguniang Barangay Resolution No. 11, Series of 2026.

Bilang bahagi ng programa, bawat napiling iskolar ay makatatanggap ng halagang โ‚ฑ20,000.00 bilang tulong-pinansyal para sa kanilang pag-aaral.

Sa ating mga bagong iskolar, nawa'y maging inspirasyon ang pagkakataong ito upang patuloy na magsikap sa pag-aaral, abutin ang inyong mga pangarap, at maging huwaran ng kabataan sa ating pamayanan. Antayin lamang ang abiso ng barangay kapag handa na itong maibigay.

Congratulations, Bagong Pilipinas Barangay Scholars!

Ang edukasyon ay puhunan para sa mas maliwanag na kinabukasan.




07/09/2026

#๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ž

Ayon sa Heavy Rainfall Warning No. 5 na inilabas ngayong 8:00 PM, Setyembre 7, 2026, nakataas na sa Orange Rainfall Warning ang malaking bahagi ng Cavite, kabilang ang Bayan ng Indang.

Bilang pag-iingat at alinsunod sa Executive Order No. 36, Series of 2026 at DepEd Order No. 14, Series of 2026, SUSPENDIDO ANG KLASE BUKAS, Setyembre 8, 2026, SA LAHAT NG ANTAS sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Indang.

Manatiling ligtas at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng DOST-PAGASA at ng Pamahalaang Bayan ng Indang.

๐„๐ฆ๐ž๐ซ๐ ๐ž๐ง๐œ๐ฒ ๐‡๐จ๐ญ๐ฅ๐ข๐ง๐ž๐ฌ:

โ€ข MDRRMO: 09619921998 / 09526529265 / 046-4339220

โ€ข Municipal Command Center: 046-4040183

โ€ข Municipal Fire Station: 046-4151217 / 09156034245

โ€ข Municipal Police Station: 09491849145 / 09985985603

07/09/2026

PAUNAWA SA MGA KABARANGAY!

Setyembre 7, 2026

Ipinagbibigay-alam po sa lahat na kasalukuyang walang ilaw ang mga streetlight sa ating barangay. Ito ay sanhi ng nag-short circuit na linya ng kuryente.

Gumagawa na po ng paraan ang ating Sanggunian upang masuri at maayos agad ang nasirang linya. Inaasahang maibabalik ang normal na operasyon ng mga ilaw sa lalong madaling panahon.

Mga Paalala para sa Seguridad:

Mag-ingat sa paglakad o pagmamaneho sa mga madidilim na kalsada.
Gumamit ng flashlight o ilaw ng cellphone kung kinakailangang lumabas ng bahay ngayong gabi.

Humihingi po kami ng inyong malawak na pag-unawa at pasensya sa abalang dulot nito.

Ligtas na gabi sa ating lahat.

Sangguniang Barangay

24/7 BARANGAY EMERGENCY OPERATIONS CENTER, HANDA NA!Para sa August 29, 2026 HABAGAT ResponseHanda na ang mga Barangay Em...
29/08/2026

24/7 BARANGAY EMERGENCY OPERATIONS CENTER, HANDA NA!

Para sa August 29, 2026 HABAGAT Response

Handa na ang mga Barangay Emergency Operations Center ng Barangay Guyam Munti sa pangunguna ni Punong Barangay Marlon M. Pagkaliwangan at Kagawad on Peace and Order and Public Safety Honesto V. Perello para sa 24/7 monitoring, coordination, at response ngayong panahon ng Habagat.

Naka-standby na ang mga Barangay Officials at Employees, kasama ang mga kinakailangang kagamitan at sasakyan, upang agarang makatugon sa anumang insidente o panganib na maaaring idulot ng patuloy na pag-ulan.

Patuloy ang pag-iikot at pag-iinspeksyon sa mga komunidad upang:

๐Ÿ”น Ma-monitor ang mga lugar na maaaring maapektuhan ng pag-ulan;
๐Ÿ”น Makipag-ugnayan sa mga sambahayan na nasa hazard-prone areas;
๐Ÿ”น Magbigay ng maagap na impormasyon at safety advisories;
๐Ÿ”น Maghanda para sa posibleng pre-emptive evacuation kung kinakailangan; at
๐Ÿ”น Tiyaking tuloy-tuloy ang koordinasyon sa Municipal EOC at iba pang response agencies.

Kung kayo ay nakatira sa hazard-prone area, manatiling alerto at makipag-ugnayan sa inyong Barangay. Huwag nang hintaying lumala ang sitwasyon bago lumikas kung kinakailangan.

๐Ÿ“ž PARA SA EMERGENCY AT AGARANG TULONG:
Barangay Emergency Operations Center โ€“ 24/7

Contact No.: 0977 766 8195

Para sa anumang emergency, pagbaha, landslide, pangangailangang lumikas, o iba pang insidente, agad na makipag-ugnayan sa inyong Barangay.

20/06/2026

MAGPAALAM AT DUMALO: PHILHEALTH CARAVAN

Nais ninyong magkaroon ng PhilHealth, magdagdag ng benepisyaryo, o iwasto ang inyong rekord? May magandang balita para sa inyo!

Ang PhilHealth Office Trece kasama ang Indang Rural Health Unit ay magsasagawa ng PhilHealth Assessment sa inyong barangay:

๐Ÿ—“๏ธ Petsa: Hunyo 22, 2026
โฐ Oras: 8:00 NG UMAGA โ€“ 3:00 NG HAPON
๐Ÿ“ Lugar: Barangay Banaba Lejos, Indang, Cavite

ANO ANG MAAARING MAGAWA DITO?
โ€ขโœ…๏ธ Tulong sa pag-aavail ng PhilHealth benefits
โ€ข โœ…๏ธBagong pagpaparehistro ng miyembro
โ€ขโœ…๏ธ Paglalagay o pag-a-update ng mga dependent/benepisyaryo
โ€ข โœ…๏ธPagwawasto o pag-a-update ng personal na impormasyon
โ€ข โœ…๏ธYAKAP Registration

BAKIT DAPAT DUMALO?
โœ…๏ธ Libre ang serbisyo โ€“ walang babayaran para sa tulong
โœ…๏ธ Malapit lang โ€“ hindi na kailangang bumiyahe pa sa Trece Martires o bayan
โœ…๏ธ Tiyak at tama โ€“ direkta sa opisyal ng PhilHealth at RHU hihingi ng tulong
โœ…๏ธ Handa sa pangangailangang medikal โ€“ siguradong aktibo at tama ang inyong rekord

Dalhin lamang ang anumang mga dokumentong kailangan para sa inyong transaksyon.
โœ…๏ธValid ID
โœ…๏ธBirth Certificate
โœ…๏ธMarriage certificate
Huwag palampasin ang pagkakataong ito!

Inaanyayahan po namin ang ibang mga kalapit na Barangay para dumalo..

Maraming salamat at inaasahan namin ang inyong pakikilahok.

PAANYAYA SA LAHAT!COMMUNITY CARPOOLING / SHARED TRANSPORT INITIATIVE: ORGANIZED MARKET TRIP SA KADIWA NG PANGULOInaanyay...
26/03/2026

PAANYAYA SA LAHAT!

COMMUNITY CARPOOLING / SHARED TRANSPORT INITIATIVE: ORGANIZED MARKET TRIP SA KADIWA NG PANGULO

Inaanyayahan ang lahat ng mamimili na makiisa sa ating sama-samang biyahe papuntang Kadiwa ng Pangulo sa darating na:

PETSA: March 27 (Biyernes)
ORAS NG ANTAYAN: 9:00AM
SAAN: Barangay Hall

Layunin ng programang ito na matulungan ang ating mga kababayan na makabili ng mas murang gulay at prutas, mga ulam, at iba pang local produce kumpara sa karaniwang presyo sa merkado.

๐Ÿ’ก Benepisyo:
โœ”๏ธ Tipid sa pamasahe sa pamamagitan ng carpooling
โœ”๏ธ Mas murang bilihin
โœ”๏ธ Suporta sa lokal na produkto
โœ”๏ธ Bayanihan at sama-samang pag-unlad

๐Ÿ“ Magpalista na sa Barangay Hall o makipag ugnayan sa page na ito.

Sama-sama tayong bumiyahe at mamili nang mas matipid!

29/01/2026
18/12/2025

๐Ÿ“ข ๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐— ๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—” ๐—”๐—ง ๐—ก๐—˜๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—ก๐—ง๐—˜

Ipinapaalala ng Pamahalaang Bayan ng Indang ang mahigpit at maigting na pagpapatupad ng ๐—”๐—ก๐—ง๐—œ-๐— ๐—ข๐——๐—œ๐—™๐—œ๐—˜๐—— ๐— ๐—จ๐—™๐—™๐—Ÿ๐—˜๐—ฅ ๐—ข๐—ฅ๐——๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—–๐—˜
๐Ÿ“œ Municipal Ordinance No. 131-2015

โŒ Ipinagbabawal ang paggamit at pag-operate ng motorcycle o tricycle na may modified muffler na nagdudulot ng malakas at hindi makatwirang ingay, anumang oras ng araw.

โŒ Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagbebenta, paggawa, at pag-install ng modified mufflers o tailpipes na nagpapalakas ng ingay.

Ang mga barangay, katuwang ang Kapulisan, ay magsasagawa ng maigting na pagpapatupad, kabilang ang ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐˜‚๐—ต๐˜‚๐—น๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด at ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐—ธ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐—ฎ alinsunod sa ordinansa.

Ang maingay na tambutso ay hindi bahagi ng pagdiriwang. Sama-sama nating salubungin ang Tahimik na Kapaskuhan at Ligtas na Bagong Taon.

Sumunod sa ordinansa. Iwas ingay. Igalang ang kapwa.



Address

Guyam Munti
Indang
4122

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Guyam Munti Indang Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share