05/10/2026
๐ ๐๐๐๐ง๐๐ก๐ง๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ฃ๐จ๐ฃ๐จ๐๐๐ฌ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐ก๐ ๐๐จ๐ฅ๐ข ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก! โ๐ผ
Bilang paggunita sa Pambansang Araw ng mga G**o, nagsama-sama ang mga progresibong Kabsuhenyos ng Kolehiyo ng Edukasyon sa pangunguna ng College of Education Student Council (CEd-SC) at CvSU Kilos Na! (CKN) para sa ๐ฃ๐ผ๐๐ฒ ๐๐ผ ๐ข๐ฝ๐ฝ๐ผ๐๐ฒ ๐๐ฒ๐บ๐ผ๐ป๐๐๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป. Sa halip na simpleng pagbati, inilatag natin ang mga panawagang matagal nang dinadaing ng mga G**o ng Bayan: nakabubuhay na sahod, makataong kondisyon sa trabaho, regularisasyon ng mga kontraktuwal, dagdag na plantilla items, at sapat na pondong tutugon sa tunay na pangangailangan ng mga paaralan. Sa gitna ng lumalaking pasanin sa kaguruan, hindi dapat sila ang pinagpapasan ng kakulangan at kapabayaan ng pamahalaan.
Kaisa ang mga Kabsuhenyos sa mga g**o at kawani sa pagsusulong ng isang sistemang hindi nagkakait sa mga nasa paaralan ng disenteng kabuhayan at marangal na paggawa. Sapagkat ang pagtatanggol sa kanilang karapatan ay pagtatanggol din sa karapatan ng bawat mag-aaral at sa kinabukasang dapat abot ng lahat. Sa araw na ito, taas-kamaong pagpupugay para sa mga bayaning G**o ng Bayan!
SAPAT NA BADYET SA EDUKASYON, IPAGLABAN!
SWELDO NG KAGURUAN, ITAAS! 50K DAPAT!
SWELDO ITAAS! 36K PARA SA KAWANING SG1 AT SG16 FOR INSTRUCTOR 1!
P.E.R.A DAGDAGAN, GAWING 5,000!
G**O AT KAWANING KONTRAKTUWAL, GAWING REGULAR!
PONDO SA BAYAD-UTANG, KORAPSYON, AT PASISMO, ILIPAT SA SERBISYO!
DEFEND ACADEMIC FREEDOM!
HANDS-OFF OUR TEACHERS!