06/10/2026
Magandang araw, Kabataan ng Bamban! ๐
Alinsunod sa Republic Act No. 10742 o Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, at sa mga kaukulang panuntunan sa pagpapanatili at pag-update ng talaan ng Katipunan ng Kabataan (KK), isinasagawa ang KK Profiling para sa lahat ng kabataan edad 15โ30 taong gulang na residente ng Barangay Bamban.
Ang mga datos na makakalap ay magsisilbing batayan sa pagpaplano at pagbuo ng mga programa, proyekto, at aktibidad (PPAs) na angkop sa pangangailangan, interes, at kalagayan ng mga kabataan.
๐ Makilahok sa KK Profiling sa pamamagitan ng QR Code o Google Form:
๐ https://forms.gle/w6PhB2yjaYPkGREf8
๐ Paalala sa Privacy: Ang mga impormasyong makokolekta ay gagamitin lamang para sa mga lehitimong layunin ng SK at Local Youth Development Office, partikular sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa kabataan, alinsunod sa mga umiiral na batas at patakaran sa data privacy.
Mahalaga ang inyong pakikilahok. Ang bawat datos ay makatutulong upang mas maayos nating matugunan ang pangangailangan ng Kabataan ng Bamban. ๐
Maraming salamat sa inyong pakikiisa!