Municipal Government of Infanta

Directions Website Contact the organization

Municipal Government of Infanta Mabuhay Ka Infanta is the official page of Municipality of Infanta, Province of Quezon. Alparce.

The page Mabuhay Ka Infanta name is derived from the title of Infanta's hymn which was composed by Elsie Coronacion-Alparce and her daughter Ultima Angela C. The song won in the "Pambayang Awit" contest in November 29, 2006.

๐“๐€๐‘๐€ ๐๐€! ๐‡๐”๐–๐€๐† ๐๐€๐‹๐€๐Œ๐๐€๐’๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐๐€๐Š๐”๐๐€ ๐„๐’๐Š๐–๐„๐‹๐€! Bukas, nakatakda ang oryentasyon sa Bakuna Eskwela sa mga sumusunod na paa...
08/10/2026

๐“๐€๐‘๐€ ๐๐€! ๐‡๐”๐–๐€๐† ๐๐€๐‹๐€๐Œ๐๐€๐’๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐๐€๐Š๐”๐๐€ ๐„๐’๐Š๐–๐„๐‹๐€!

Bukas, nakatakda ang oryentasyon sa Bakuna Eskwela sa mga sumusunod na paaralan:

TONGOHIN NATIONAL HIGH SCHOOL (8:00 AM)
DINAHICAN ELEMENTARY SCHOOL (8:00 AM)
BINULASAN INTEGRATED SCHOOL (10:00 AM)
GUMIAN ELEMENTARY SCHOOL (1:00 PM)

Mahalagang malaman ang kahalagahan ng mga bakuna upang maprotektahan ang ating kabataan laban sa mga naiiwasang sakit.

Isulong natin ang kabataang ligtas tungo sa isang malusog nating bayan.

Infantahin, KAYA NATIN!



๐“๐€๐‘๐€ ๐๐€! ๐‡๐”๐–๐€๐† ๐๐€๐‹๐€๐Œ๐๐€๐’๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐๐€๐Š๐”๐๐€ ๐„๐’๐Š๐–๐„๐‹๐€! ๐Ÿซ๐Ÿ’‰Simula ngayong Oktubre, pabakunahan ang mga batang nasa Grade 1 at 7 lab...
08/10/2026

๐“๐€๐‘๐€ ๐๐€! ๐‡๐”๐–๐€๐† ๐๐€๐‹๐€๐Œ๐๐€๐’๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐๐€๐Š๐”๐๐€ ๐„๐’๐Š๐–๐„๐‹๐€! ๐Ÿซ๐Ÿ’‰

Simula ngayong Oktubre, pabakunahan ang mga batang nasa Grade 1 at 7 laban sa measles, rubella, tetanus at diphtheria.

Huwag ding kalimutang pabakunahan laban sa Human Papillomavirus (HPV) at cervical cancer ang mga batang babae na nasa Grade 4, gayundin ang mga babaeng nasa Grade 5 na hindi pa nababakunahan laban sa naturang sakit.

Para sa mga magulang at tagapag-alaga, alamin at ibahagi ang mga hakbang na dapat gawin para sa kalusugan ng inyong mga anak.

Kitakits po tayo sa mga pampublikong paaralan para sa Bakuna Eskwela!
Infantahin, KAYA NATIN!



๐“๐‡๐”๐๐ƒ๐„๐‘๐’๐“๐Ž๐‘๐Œ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ ๐๐Ž. 13Sa inilabas na abiso ng PAGASA, inaasahan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na ...
08/10/2026

๐“๐‡๐”๐๐ƒ๐„๐‘๐’๐“๐Ž๐‘๐Œ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ ๐๐Ž. 13

Sa inilabas na abiso ng PAGASA, inaasahan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat at malakas na bugso ng hangin ay inaasahan sa ating lalawigan kabilang ang Infanta sa loob ng dalawang (2) oras.

Maging handa at manatiling ligtas.
Infantahin, KAYA NATIN!



๐Œ๐€๐Œ๐€๐˜๐€ ๐๐€! Inaanyayahan ng Living Word Christian Fellowship (LWCF) at ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta ang lahat sa isa...
08/10/2026

๐Œ๐€๐Œ๐€๐˜๐€ ๐๐€!

Inaanyayahan ng Living Word Christian Fellowship (LWCF) at ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta ang lahat sa isang Special Lecture on Good Governance and National Transformation and Development for Nation-Building kasama si former Chief Justice Hon. Maria Lourdes A. Sereno!

Magkita-kita tayo ngayong Oktubre 8, 2026 (1:00 - 5:00 PM) sa Infanta Social Center para sa isang makabuluhang talakayan!

Infantahin, KAYA NATIN!



07/10/2026

๐Œ๐€๐‘๐€๐Œ๐ˆ ๐๐€ ๐€๐๐† ๐๐”๐Œ๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐ˆ ๐๐† ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐„๐‚๐Ž-๐๐€๐‹๐„๐๐†๐Š๐„ ๐๐€๐†๐’!

Binigyang bihis na ang mga dati'y basurang plastik lamang. Ngayon, mapapakinabangan na ng bawat mamamayan-๐ฉ๐ฅ๐š๐ฌ๐ญ๐ข๐ค ๐™๐ž๐ซ๐จ, ๐ฌ๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐‘๐„๐’๐ˆ๐Š๐‹๐Ž!

Kaya kata na at tangkilikin ang ating Eco-Palengke bags! Mabibili ang mga ito sa ating Tourism Office sa Infanta Commercial Center o ICC at sa ating Municipal Environment and Natural Resources Office.

Nakatulong ka na sa kalikasan, may ambag ka pa sa kabuhayan ng kababaihan. Sa bawat pamamalengke niyo, bitbit niyo ang pagbabago at masasabi niyong "๐‡๐„๐‘๐Ž ๐€๐Š๐Ž, ๐ƒ๐€๐‡๐ˆ๐‹ ๐๐”๐Œ๐ˆ๐‹๐ˆ ๐€๐Š๐Ž!"
Infantahin, KAYA NATIN!

[Maraming Salamat sa espesyal na partisipasyon, suporta at adbokasiya nina Andrei Buerano at Apriel Mae Tena, Ginoo at Binibing Infanta 2026, at Kurt Enzo Peรฑaverde at Charlemagne Caceres, Ginoo at Binibining Environment 2026]




๐‚๐Ž๐๐†๐‘๐€๐“๐”๐‹๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐’, ๐ˆ๐๐…๐€๐๐“๐€ ๐Œ๐”๐๐ˆ๐‚๐ˆ๐๐€๐‹ ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐‚๐„ ๐’๐“๐€๐“๐ˆ๐Ž๐!๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ฎ๐‘ฏ๐‘ฌ๐‘บ๐‘ป ๐‘น๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ sa ilalim ng "Class B" Category ang natamo ng Infanta M...
07/10/2026

๐‚๐Ž๐๐†๐‘๐€๐“๐”๐‹๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐’, ๐ˆ๐๐…๐€๐๐“๐€ ๐Œ๐”๐๐ˆ๐‚๐ˆ๐๐€๐‹ ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐‚๐„ ๐’๐“๐€๐“๐ˆ๐Ž๐!

๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ฎ๐‘ฏ๐‘ฌ๐‘บ๐‘ป ๐‘น๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ sa ilalim ng "Class B" Category ang natamo ng Infanta Municipal Police Station (MPS) sa ginanap na Chiefs of Police Evaluation/Assessment para sa buwan ng Setyembre 2026.

Ang iginawad na Certificate of Commendation ngayong ika-7 ng Oktubre 2026 sa Quezon PPO, Camp BGen Guillermo Nakar, Lucena City sa pangunguna ni PCOL Romulo A. Albacea (Provincial Director) ay patunay ng inyong natatanging serbisyo, dedikasyon, at kahusayan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa ating bayan.

Isang mainit na pagbati ang ipinaaabot ng Pamahalaang Lokal ng Infanta sa pamumuno ni ni Mayor LA Ruanto sa Infanta Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni PMAJ Harold Panganiban katuwang ang lahat ng kanilang mga opisyal at kawani.

Maraming Salamat sa inyong tapat at masigasig na pagseserbisyo! Saludo ang buong bayan ng Infanta sa inyong tagumpay!



๐†๐Ž๐Ž๐ƒ ๐๐„๐–๐’, ๐ˆ๐๐…๐€๐๐“๐€!Mas ligtas, mas malinis, at mas maayos na ang pasilidad ng ating Municipal Slaughterhouse!Nagagamit n...
07/10/2026

๐†๐Ž๐Ž๐ƒ ๐๐„๐–๐’, ๐ˆ๐๐…๐€๐๐“๐€!

Mas ligtas, mas malinis, at mas maayos na ang pasilidad ng ating Municipal Slaughterhouse!

Nagagamit na muli mula nitong Lunes ang Municipal Slaughterhouse ng ating bayan matapos ang isinagawang kabuuang pagsasaayos at rehabilitasyon nito.

Sa kabuuang pondong โ‚ฑ1,029,242.34, naisakatuparan ang Concreting ng Flooring, Repair at Rehabilitation ng Bubong, Tiling ng mga Pader, Pagpipinta ng Flooring, Concreting ng Driveway at Pagpapalit ng Dalawang (2) Kawa.

Ayon kay Mr. Angelo Mardenio M. Burgo-Slaughterhouse Master II, mahalaga ang ambag ng ating Slaughterhouse dahil umaabot sa halos 1,000 ulo ng karne ang kinakatay dito buwan-buwan mula sa Infanta at mga karatig-bayan. Bukod sa pagtiyak ng malinis at ligtas na karne para sa bawat pamilyang Infantahin, nagpapasok din ito ng tinatayang โ‚ฑ171,968.00 na kita kada buwan para sa ating bayan.

Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pamumuno ni Mayor LA Ruanto upang mas palakasin ang ating Economic Enterprise at maghatid ng mas maayos na serbisyo para sa lahat!



๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐€๐–๐€๐Š ๐๐† ๐Š๐€๐Œ๐€๐‹๐€๐˜๐€๐ ๐’๐€ ๐†๐„๐๐ƒ๐„๐‘-๐๐€๐’๐„๐ƒ ๐•๐ˆ๐Ž๐‹๐„๐๐‚๐„, ๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐๐ˆ๐๐€๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐’๐€ ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐ˆ๐๐…๐€๐๐“๐€!Isinagawa ang Orientation...
07/10/2026

๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐€๐–๐€๐Š ๐๐† ๐Š๐€๐Œ๐€๐‹๐€๐˜๐€๐ ๐’๐€ ๐†๐„๐๐ƒ๐„๐‘-๐๐€๐’๐„๐ƒ ๐•๐ˆ๐Ž๐‹๐„๐๐‚๐„, ๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐๐ˆ๐๐€๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐’๐€ ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐ˆ๐๐…๐€๐๐“๐€!

Isinagawa ang Orientation Seminar on Gender-Based Violence (GBV) Prevention and Response bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kaalaman, kahandaan, at kakayahan ng mga barangay sa pag-iwas at wastong pagtugon sa ibaโ€™t ibang anyo ng karahasang nakabatay sa kasarian.

Pinangunahan ito ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Ms. Melanie G. Virrey, RSW, MGDHโ€“MSWDO, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga programa para sa proteksyon, karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat mamamayan.

Nagbahagi rito ng mahahalagang kaalaman at gabay si Sir Jeffry L. Lorenzo, GAD & Youth Consultant, bilang Resource Speaker, partikular sa mga hakbang tungo sa pag-iwas sa GBV, pagkilala sa mga senyales ng karahasan, at pagbibigay ng angkop at makataong tugon sa mga nangangailangan ng tulong.

Nakiisa sa mahalagang aktibidad ang 36 Punong Barangay, 36 Barangay VAWC Desk Officers, at 36 MOVE Officers mula sa 36 na barangay ng Bayan ng Infanta. Sa pamamagitan ng kanilang aktibong pakikilahok, higit na napalalakas ang ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at mga barangay para sa mas maagap at epektibong pagtugon sa mga kaso ng GBV at VAWC.

Bilang pagtatapos ng programa, nagbigay ng closing remarks si Hon. Laiza Ramos, Sangguniang Bayan Member, at binigyang-diin ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos laban sa karahasan.

Patuloy ang pagsulong ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor LA Ruanto, upang maitaguyod ang isang ligtas, pantay, makatarungan, at malaya sa anumang uri ng karahasan.

Infantahin, Kaya Natin!



MODERNISASYON AT PAGPAPALAKI NG DINAHICAN PORT, AARANGKADA NA!Isinagawa ang meeting at site inspection sa Dinahican Port...
07/10/2026

MODERNISASYON AT PAGPAPALAKI NG DINAHICAN PORT, AARANGKADA NA!

Isinagawa ang meeting at site inspection sa Dinahican Port kasama ang mga kinatawan ng Philippine Ports Authority (PPA) upang talakayin ang mga kinakailangang hakbang para sa proposed turnover at development ng Dinahican Port.

Ang inspeksyon ay pinangunahan nina Chief of Staff Zaldy Gariguez, Hon. Maxiel Rodrigo A. Mortiz Jr.-OIC, Hon. Sherwin E. Avellano, Hon. Ronald C. Yu, Hon. Laiza S. Ramos at Hon. Marlo Louie N. Cuento. Gayundin ang mga kinatawan ng PPA Lucena at PPA Head Office Manila na sina John Alvin Perez, Joseph Japhet Delgado, Marigo D. Ibalidio, Sherwin I. Reyes, at Eliorico M. Reyes. Mainit namang tinanggap ni Vice Mayor Mannie America ang delegasyon at pinasalamatan ang malaking hakbang na ito.

Isinagawa rin ang pagsusuri sa kasalukuyang kondisyon ng pasilidad bilang bahagi ng pagpaplano para sa development nito. Bilang bahagi ng plano, inaasahang papasok ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta at PPA sa isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa proposed turnover ng pamamahala sa Dinahican Port sa PPA, na mangunguna sa development, supervision, at management nito. Tinatayang aabutin ng humigit-kumulang dalawang taon ang implementasyon ng development plan.

Matatandaang sa pagbisita ni Mayor LA Ruanto sa Senado, inendorso ni Senator Kiko Pangilinan ang pagsasaayos at pagpapaunlad ng nasabing port na agad rin namang tinugunan ni Congressman Mark Enverga.

Tuloy-tuloy ang pagseserbisyo ng Lokal na Pamahalaan upang maisulong ang pagpapabuti at pag-unlad ng Dinahican Port para sa kapakinabangan ng mga mangingisda, negosyante, at buong komunidad.



Handa ka na bang ipakita ang galing ng Quezonian ngayong Pasko?The holiday season shines brighter as Paskong Quezonian 2...
07/10/2026

Handa ka na bang ipakita ang galing ng Quezonian ngayong Pasko?

The holiday season shines brighter as Paskong Quezonian 2026 brings together Quezonians in a colorful celebration of creativity, music, talent, tradition, and community.

Interested participants may scan the QR code or click the link to access the complete mechanics, requirements, schedules, and other important details.
https://tourism.quezon.gov.ph/.../paskong-quezonian-2026...


Handa ka na bang ipakita ang galing ng Quezonian ngayong Pasko?

The holiday season shines brighter as Paskong Quezonian 2026 brings together Quezonians in a colorful celebration of creativity, music, talent, tradition, and community.

Interested participants may scan the QR code or click the link to access the complete mechanics, requirements, schedules, and other important details.

https://tourism.quezon.gov.ph/news-details/paskong-quezonian-2026-guidelines


Address

Infanta Municipal Building, Velasco Street, Poblacion 38
Infanta
4336

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Government of Infanta posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Government of Infanta:

Shortcuts

Share