13/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ญ ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ณ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ๐ ๐ง๐ ๐๐ง๐๐๐ง๐ญ๐ ๐๐๐จ๐ฉ๐ฅ๐โ๐ฌ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ โ ๐๐๐ ๐๐จ๐๐๐ฅ ๐๐จ๐ฅ๐ข๐๐ฒ ๐
๐จ๐ซ๐ฎ๐ฆ, ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐ฎ๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฏ๐๐ง๐๐จ๐ซ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ง๐๐๐ง๐ญ๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐๐ซ๐๐ข๐๐ฅ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ซ, ๐ค๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ง๐๐ ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐ฎ๐ญ๐๐ฌ, ๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ญ ๐ข๐๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐
Kasama rin sa nasabing pagpupulong ang mga kinatawan mula sa ๐๐ฎ๐ฌ๐ข๐ง๐๐ฌ๐ฌ ๐๐๐ซ๐ฆ๐ข๐ญ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐๐๐ง๐ฌ๐ข๐ง๐ ๐๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง (๐๐๐๐) ng Infanta, ilang miyembro ng ๐๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ง๐๐๐ง๐ญ๐, at mga opisyal ng ๐๐ง๐๐๐ง๐ญ๐ ๐๐๐จ๐ฉ๐ฅ๐โ๐ฌ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ upang pakinggan at talakayin ang mga mahahalagang usapin na kinahaharap ng sektor ng mga maliliit na negosyante.
Isa sa mga pangunahing isyung inilatag ng mga vendor ay ang patuloy na pagdami ng mga truck at nagtitinda sa gilid ng kalsada na walang kaukulang permit, na nagiging sanhi ng hindi patas na kompetisyon sa mga lehitimong negosyanteng sumusunod sa mga regulasyon at nagbabayad ng tamang permit. Giit ng mga vendor na paigtingin ang monitoring at pagpapatupad ng umiiral na mga ordinansa, upang maprotektahan ang kanilang kabuhayan.
Ipinahayag din ng mga vendor ang kanilang kahilingan na mabigyang prayoridad ang mga lokal na negosyante ng Infanta bago ang mga dayuhang pumapasok sa bayan upang magtinda sa nasabing lugar.
Matapos ang talakayan, nabuo ang samahan ng mga vendor sa paggabay ng Infanta Peopleโs Council, upang maging mas organisado ang kanilang hakbang, mapalakas ang kanilang boses, at maprotektahan ang kapakanan ng kanilang mga kasamahan.
Umaasa ang sektor ng mga vendor sa agarang tugon at patuloy na pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta para sa mas maayos, patas, at organisadong kalakalan sa ating bayan.