Sangguniang Kabataan of Barangay San Ramon Iriga City

Sangguniang Kabataan of Barangay San Ramon Iriga City

Share

Official page of the Sangguniang Kabataan of Barangay San Ramon Iriga City

04/07/2022

FYI!

Photos from Sangguniang Kabataan of Barangay San Ramon Iriga City's post 06/11/2021

PAGBATI🥳 TEAM HIMAWARI- 2nd Place INTER BRGY PATARANDAAN TOURNAMENT 2021

Nasungkit ng Team HIMAWARI representante ng Barangay San Ramon Ang 2nd Place sa larangan ng INTER BRGY PATARANDAAN TOURNAMENT 2021 na pinangunahan ng Sangguniang Kabataan Federation ng Iriga City, sa San Francisco Elementary School, Barangay San San Francisco.

Ang Team HIMAWARI ay binubuo ng Tatlong magaganda at magagaling na babae na sina Ms.Kirstelle Jane Sancho, Ms. Lea Yaguel at Ms. Mary Grace Barroga na nagtulong tulong upang panghawakan ang panalo.

Sa Unang Round Easy silay nakakuha ng 1900 puntos, Average 2,600 puntos, at Difficult 2,100 puntos na na may kabuoang 6600 puntos na humantong sa pagka panalo bilang IKALAWA sa pinaka mataas na puntos na kanilang nakuha.

Kayat Ang Sk San Ramon Council ay humahanga sa inyong dedikasyon na ipanalo ang larong ito, Ang Sangguniang Kabataan of Barangay San Ramon at Barangay Council ay Proud na Proud sa inyong mga galing!

Kudos Kabataan San Ramon✊


Photos from Sangguniang Kabataan of Barangay San Ramon Iriga City's post 06/11/2021

TINGNAN

Noong nakaraang Oktubre 23, nag-organisa ang Sangguniang Kabataan Federation ng Iriga City ng INTER BRGY SCRABBLE TOURNAMENT sa Zeferino Arroyo High School, Barangay San Agustin. Ang Sk San Ramon ay Isa sa Lumahok sa nasabing palaro.

Representante ng San Ramon si Ms. Alliah R. Cañeba na Galing sa Purok 2. Si Cañeba ay nakabilang sa Top 6 ng Semis at naka kuha ng 2 Panalo , ngunit hindi ito pinalad na manalo sa Final Round ng nasabing torneo.

Gayunpaman, ang buong mamamayan ng Barangay San Ramon sa pag suporta ng Sangguniang Kabataan of Brgy. San Ramon at Barangay Council ay Proud na Proud sayong ipinamalas na Galing!

Kudos Kabataan ng San Ramon✊


Mobile uploads 05/11/2021

Team "Himawari" Goodluck 🤗🍀

09/10/2021

Pagbati!

Ang araw na itoy maituturing na espesyal para sa ating Sk Treasurer ng Sangguniang Kabataan of Barangay San Ramon Iriga City, Mula sa konseho ng Sk Binabati ka namin ng Happy Birthday Noemi Antang Barroga🥳.

26/09/2021

Pagbati🥳

Isang Pagdiriwang na naman ang ating masisilayan mula sa ating konseho ng Sangguniang Kabataan ng San Ramon,
Binabati ka namin ng Maligayang Kaarawan 🎂Meryll O. Padilla ang Sk Secretary ng San Ramon.

Photos from Sangguniang Kabataan of Barangay San Ramon Iriga City's post 21/09/2021

TINGNAN | Tree Planting Activity Naisagawa na

Naisagawa ng Sangguniang Kabataan of Barangay San Ramon Iriga City ang " Tree Planting Activity" nitong nakaraang September 17, 2021 na dinaluhan ng mga Kabataan konektado ito sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2021.

Ang aktibidad na itoy ay dinaluhan pa ng Barangay San Ramon Council at PYAP San Ramon upang magbigay halaga sa kahalagan ng kalikasan sa kasalukuyan.

Ang aming pasasalamat sa LGU - Iriga thru Mayor Madel Yorobe Alfelor, Acting City Agriculturist thru Eng. Janice Moran Barcela-Orciga , thru Sir. Marvin Delos Santos Binimirito, thru City Agriculture Office Iriga City, thru Mr & Mrs. Norberto Barroga Land Owner, thru Sir Ryan Ebron Head Teacher III San Ramon ES & Barangay Council of San Ramon thru PB Peter Belleza Jr. at sa lahat ng mga nagtulong tulong Lalong-lalo na sa lahat ng Kabataang nakiisa at nakilahok upang maisagawa ang aktibidad.



Photos from Sangguniang Kabataan of Barangay San Ramon Iriga City's post 10/09/2021

Tingnan:

Bilang Pagsuporta sa 2021 Brigada Eskwela na may temang "Bayanihan para sa Paaralan" Binigyan katuparan ng Sangguniang Kabataan of San Ramon Iriga City ang hangarin makatulong sa mga mag-aaral ng San Ramon Elementary School.

Ngayong araw namahagi ng mga gamit na makakatulong sa mga mag-aaral lalong lalo na sa mga "Less Furtunate Students" dahil sa pandemiya na nangyayari sa kasalukuyan, ito naman ang naging aksyon ng Sk Council upang matugunan ang mga kakulangan ng bawat mag-aaral.

Mahigit kumulang 168 na mag aaral ang benepisyaryo sa programang ito at dahil sa pandemiya na nangyayari sa kasalukuyan ang mga kits na ipapamahagi ng Sk Council ang mga g**o sa bawat grado ang siyang magbibigay upang maiwasan ang anomang problema sa pamamahagi.

Mula sa aming konseho nawa ang mga gamit na iyan ay makatulong sa inyong pag aaral, Mga Kabataan sa hinaharap ng SRES magsumikap kayo para sa inyong pangarap.❤❤❤

Photos from Sangguniang Kabataan of Barangay San Ramon Iriga City's post 04/09/2021

Isang mainit na pagbati sa mga nanalo at taos-pusong pasasalamat sa mga nagsipaglahok.

Ang Sk Mountain Unit ng 8 Barangay ay binubuo ng Antipolo, Cristo Rey, Sagrada, San Rafael, San Ramon, Sta Isabel, Sta Maria, at Sta. Teresita ay nagsama-sama para sa isang Pagdiriwang nang Linggo ng Kabataan 2021 na may temang 'Transforming Food System; Youth Innovation For Human and Planetary Health'

Narito ang mga nanalo sa bawat patimpalak na idinaos kaugnay sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan para sa taong ito.

SLOGAN MAKING CONTEST - 3rd Place
Mary Grace Barroga

TAGISAN NG TALINO - 3rd Place
Alliah Cañeba & Kirstelle Jane Sancho

MOBILE LEGENDS TOURNAMENT - 4th Place
Team FBYz Squad

MOBILE PHOTOGRAPHY CONTEST - 6th Place
Aileen Lagbas Martinez

POSTER MAKING CONTEST - 8th Place
Cindy Yaldua

Maraming Salamat sa pagbabahagi ninyo ng galing sa ibat ibang aktibidad. Salamat din sa lahat ng kabataan na lumahok at nakisaya sa ating Linggo ng Kabataan. Muli, maligayang Linggo ng Kabataan Sk Mountain Unit.‼️

Photos from Sangguniang Kabataan of Barangay San Ramon Iriga City's post 31/08/2021

TINGNAN : SK SAN RAMON AY NAGBIGAY NG KAUNTING TULONG SA SNHS.

Pagsaludo sa adhikain mapaganda ang SNHS kayat ang Sk San Ramon Iriga City ay nagbigay ng Painting Materials bilang pagsuporta sa "Let A Million Flowers Bloom Project".

Want your business to be the top-listed Government Service in Iriga City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


San Ramon Iriga City
Iriga City
4431