06/10/2026
FOR AWARENESS β SUPERKALAN CUSTOMERS
Good day po!
Please be informed na may reported scam incident na nangyari noong October 5, 2026 involving one of our Branch
According na-kwento ng family member ng customer, may pumunta raw po sa kanilang bahay na nagpakilalang owner ng Superkalan/Brentgas branch. Sinabi raw po nito na maglilista siya ng customers para sa isang Brentgas raffle, at sinabi rin na kinabukasan daw po ang raffle.
After po nito, chineck daw niya ang LPG cylinder at sinabi na may singaw/leak daw po ang gasul. Sinabi niya na kailangan daw ang gold wedding ring at gold earrings ng customer para gamitin umano sa pagbara o pag-aayos sa regulator.
Dahil senior citizen po ang customer at naniwala sa sinabi ng scammer, naibigay niya ang kanyang mga alahas. Pagkatapos daw po, may ginawa ang scammer sa regulator at sinabi na wala na raw ang singaw.
Paalala po sa lahat ng Superkalan customers:
β οΈ Mag-ingat po sa mga taong nagpapakilalang owner o representative ng Superkalan/Brentgas.
N
β οΈ Huwag po magbibigay ng pera, alahas, o anumang valuable items sa sinumang magsasabing kailangan ito para sa LPG inspection, repair, o anumang raffle/promo.
β οΈ Kung may mag-claim na may problema ang inyong LPG cylinder, regulator, o hose, i-verify muna sa inyong authorized Superkalan branch/personnel bago papasukin o payagan ang anumang repair.
Please help us share this information, especially sa ating mga parents, grandparents, at senior citizens, para maiwasan po ang ganitong klaseng scam.
Stay alert and stay safe, Superkalan customers!