Brgy Sinait, Quirino, Isabela

Directions

Brgy Sinait, Quirino, Isabela

Tignan: kasalukuyang ginaganap ang Assistance to Indigent individuals or Families-Food Assistance Rice Distribution Proj...
02/09/2026

Tignan: kasalukuyang ginaganap ang Assistance to Indigent individuals or Families-Food Assistance Rice Distribution Project sa ating barangay. Kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa ating mahal na pangulo, His Excellency Ferdinand R. Marcos Jr. sa ating mahal na Bayan ng Quirino sa pamumuno ni Mayor Edward D. Juan at sa lahat ng konseho ng ating sangguniang bayan ng Quirino sa pangunguna ng ating Vice Mayor Victor Emmanuel Callangan. muli kami po ay nagpapasalamat sa rice assistance na ito na alam naming makakatulong para sa aming lahat.


Tignan: Matagumpay na naisagawa ang Measles-Rubella (MR) Vaccination Activity sa ating Barangay ngayong araw August 17, ...
17/08/2026

Tignan: Matagumpay na naisagawa ang Measles-Rubella (MR) Vaccination Activity sa ating Barangay ngayong araw August 17, 2026, katuwang ang Barangay Health Workers at Rural Health Unit (RHU), bilang bahagi ng patuloy na programa para sa pagprotekta sa kalusugan ng mga bata at pag-iwas sa pagkalat ng measles at rubella sa ating komunidad.

Maraming salamat sa RHU at sa lahat ng magulang at residente na nakiisa at nagbigay ng suporta sa matagumpay na aktibidad na ito.
Sama-sama para sa malusog, ligtas, at protektadong Barangay! ๐Ÿ’š๐Ÿ’‰




Tignan: Matagumpay na naisagawa ang pagmamarka at pagkakakilanlan ng mga baka at kalabaw sa ating Barangay, nuong nakara...
17/08/2026

Tignan: Matagumpay na naisagawa ang pagmamarka at pagkakakilanlan ng mga baka at kalabaw sa ating Barangay, nuong nakaraang webes August 13, 2026 katuwang ang Local Government Unit of Quirino, bilang bahagi ng programa para sa maayos na identification, monitoring, at record-keeping ng mga alagang hayop sa ating komunidad.

Ang aktibidad na ito ay malaking tulong sa ating mga livestock raisers upang mas mapangalagaan at masubaybayan ang kanilang mga alagang hayop. ๐Ÿ„๐Ÿ„



๐ŸฆŸ Anti-Dengue Spraying/Fogging ActivityKalusugan at kaligtasan ng bawat residente, patuloy nating pinangangalagaan! ๐Ÿ’šMat...
17/08/2026

๐ŸฆŸ Anti-Dengue Spraying/Fogging Activity

Kalusugan at kaligtasan ng bawat residente, patuloy nating pinangangalagaan! ๐Ÿ’š

Matagumpay na naisagawa ng ating Barangay ang Anti-Dengue Spraying/Fogging Activity bilang bahagi ng ating patuloy na kampanya laban sa dengue at pag-iwas sa pagdami ng lamok sa ating komunidad.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pakikiisa ng mga residente, patuloy nating isinusulong ang isang malinis, ligtas, at malusog na Barangay.

Bayanihan para sa kalusugan. Sama-sama laban sa dengue! ๐ŸฆŸ๐Ÿšซ



TIGNAN: Matagumpay na naitayo ang mga bagong solar street lights sa Purok 1 sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Al-Fel...
07/08/2026

TIGNAN: Matagumpay na naitayo ang mga bagong solar street lights sa Purok 1 sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Al-Felix Jr. T. Dela Cruz at sa patuloy na pagsuporta ng konseho sa kasalukuyang administrasyon, sa proyektong ito, lahat ng street lights sa ating barangay ay solar-powered na, kaya hindi na gagamit ng kuryente mula sa barangay. Makatutulong ito sa pagpapababa ng gastusin sa kuryente at magbibigay ng mas maraming pondo para sa iba pang proyekto at serbisyong pangkomunidad.๐Ÿค๐Ÿ”‹โœจ



๐Ÿ’š

07/08/2026
๐Ÿšœ Barangay Road Clearing OperationPatuloy ang ating Barangay Road Clearing Operation bilang bahagi ng ating layunin na m...
03/08/2026

๐Ÿšœ Barangay Road Clearing Operation
Patuloy ang ating Barangay Road Clearing Operation bilang bahagi ng ating layunin na mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang ating mga kalsada. Maraming salamat sa ating mga Barangay Officials, Employee, 4Pโ€™s Member, SLP Members at mga residenteng nakiisa sa gawaing ito.


Tignan! Patuloy ang paglilingkod ng ating mga lingkod-bayan sa pamamagitan ng regular na sesyon ng Sangguniang Barangay ...
03/08/2026

Tignan! Patuloy ang paglilingkod ng ating mga lingkod-bayan sa pamamagitan ng regular na sesyon ng Sangguniang Barangay upang talakayin ang mga nakalatag na proyekto, programa, at iba pang mahahalagang usapin para sa ikauunlad ng ating barangay.

Sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano at pagtutulungan, patuloy nating isinusulong ang mga programang makikinabang ang bawat mamamayan at tinitiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga ito.

Sama-sama tungo sa isang mas maunlad, maayos, at progresibong barangay!

๐Ÿ’š

Tignan! Bago pa man matapos ang taon, sinimulan na ang pagpapatuloy ng pagpapaganda ng ating komunidad sa pamamagitan ng...
03/08/2026

Tignan! Bago pa man matapos ang taon, sinimulan na ang pagpapatuloy ng pagpapaganda ng ating komunidad sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng proyekto ng Barangay Road Canal sa Purok 2.

Ang proyektong ito ay pansamantalang natigil noong nakaraang taon dahil sa kakulangan ng pondo. Ngayong taon, muli itong ipinagpapatuloy ng ating administrasyon sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Hon. Alfelix Dela Cruz, kasama ang patuloy na suporta ng buong Sangguniang Barangay.

Layunin nating matapos ang proyektong ito sa mga susunod na araw upang higit pang mapabuti ang ating imprastraktura at mapaglingkuran ang bawat mamamayan ng ating barangay.

Patuloy tayong magkaisa para sa mas ligtas, maayos, at maunlad na komunidad! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ


Feeling lonely? Ano Tara?  makisaya sa darating na June 17,2026 live at Municipal Oval, Quirino, Isabela see you!
08/06/2026

Feeling lonely? Ano Tara?
makisaya sa darating na June 17,2026 live at Municipal Oval, Quirino, Isabela see you!

๐Ÿ‘‰ Tara na, dalhin ang tropa at makisaya kasama sina ๐๐จ๐ž๐ฅ ๐๐š๐ฅ๐จ๐ฆ๐จ ๐จ๐Ÿ ๐’๐ข๐š๐ค๐จ๐ฅ ๐š๐ง๐ ๐‘๐ž๐ฉ๐š๐ค๐จ๐ฅ ๐๐š๐ง๐, ๐‚๐จ๐ฌ๐ฆ๐ข๐œ ๐’๐ฎ๐ฉ๐ž๐ซ๐ฌ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐š๐ญ ๐’๐š๐ง๐ค๐š๐ข๐›๐š! ๐ŸŽค๐Ÿ”ฅ

Isang gabi ng musika, kasiyahan, at pagkakaibigan na siguradong magbibigay kulay sa ating pagdiriwang ng ๐Ÿ“๐Ÿ—๐ญ๐ก ๐…๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ง๐  ๐€๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ ng bayan ng ๐๐ฎ๐ข๐ซ๐ข๐ง๐จ, ๐ˆ๐ฌ๐š๐›๐ž๐ฅ๐š.๐Ÿป๐ŸŽ‰

Address

Purok 2 Sinait Quirino Isabela
Isabela
3321

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy Sinait, Quirino, Isabela posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share