BRIGADA ESKWELA
INVITING ALL PARENTS AND STUDENT OF MASULA NATIONAL HIGH SCHOOL STARTING MONDAY
Barangay Masula Isabela city
Official page of Barangay Masula
and intended for the updates and activities of the Barangay
TUPAD PAY OUT
Who:Operator tupad Beneficiaries
Where: DOLE Office
When: June 01, 2026 1PM
29/05/2026
29/05/2026
CONGRATULATIONS!
29/05/2026
25/05/2026
PAGLILINIS NG MGA BENEPISYARYO NG TUPAD, ISINAGAWA SA PANGUNGUNA NI PUNONG BARANGAY NURMINA MUNJALAL
Mayo 2026 โ Isinagawa ang masusing paglilinis ng mga benepisyaryo ng programang TUPAD sa pangunguna ni Punong Barangay Nurmina Hegasan Munjalal ngayong araw. Ang nasabing hakbang ay layong matiyak na ang tulong na inilalaan ng pamahalaan ay napupunta lamang sa mga karapat-dapat at tunay na nangangailangang residente ng nasasakupang lugar.
Ayon kay Punong Barangay Munjalal, mahalaga ang ganitong programa para mga residente nito, dahil sa kakulangan ng kita ng bawat isa.
Nagpasalamat din ang mga residente sa pinuno ng barangay, dahil sa ganitong paraan ay masisiguro nilang pantay at tama ang pamamahagi ng tulong.
Nagpapasalamat ang bawat isa sa programa na handog ni punong lungsod Sitti Djalia Dadah Turabin Hataman, na sa pamamagitan ng programang ito matugunan ang kanilang pangangailangan sa buhay.
Inaasahang magiging regular ang ganitong pagsusuri at paglilinis ng talaan upang mapanatiling epektibo at makatarungan ang pagpapatupad ng programa sa buong barangay.
25/05/2026
PAGBISITA NG MGA TAGA LAB, LEDIPO AT CITY AGRICULTURE , ISINAGAWA SA MGA MAGSASAKA NG BRGY. MASULA
Mayo 14, 2026 โ Nagsagawa ng mahalagang pagbisita ang mga kinatawan mula sa Tanggapan ng Sektor ng Agrikultura at LAB sa mga magsasaka ng Barangay Masula ngayong umaga. Ang layunin ng nasabing pagkilos ay upang masubaybayan ang kalagayan ng agrikultura sa nasabing lugar at tiyakin ang kapakanan ng mga nagtatrabaho sa sektor ng pagsasaka.
Pinangunahan ng mga opisyal ang pagtatalakayan kasama ang mga lider ng mga samahang magsasaka at mga residente ng barangay. Tinalakay nila ang mga kasalukuyang hamon na kinakaharap ng mga mamamayan, kabilang na ang mga isyu sa irigasyon, presyo ng mga ani, at ang sapat na suportang teknikal at pinansyal na kailangan upang mapataas ang antas ng produksyon.
Ayon sa mga kinatawan, ang ganitong mga pagbisita ay magiging bahagi ng patuloy na programa ng pamahalaan upang mapalapit ang serbisyo sa mga komunidad at matugunan agad ang mga pangangailangan ng sektor ng agrikultura. Nangako sila na isusulong ang mga hakbang na magbibigay ng mas malawak na oportunidad at tulong, lalo na sa pagbibigay ng mga kagamitan, binhi, at pati na rin sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng mga pagsasanay.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga magsasaka ng Barangay Masula sa inisyatibo ng pamahalaan. Ayon sa kanila, malaking tulong ang ganitong pakikipag-ugnayan upang marinig ang kanilang mga hinaing at matugunan ang mga pangangailangan na makatutulong sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan at ng buong komunidad.
Ulat at larawan mula kay BION Sabtiya Munjalal Alawaddin
16/05/2026
16/05/2026
๐ ๐๐ฌ๐ข๐ฅ ๐ฆ๐๐ง๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ง๐จ๐ฅ๐๐๐๐ก-๐๐๐ง๐๐ ๐๐ก ๐ก๐ข๐ ๐๐ก๐๐ง๐๐ ๐๐ฆ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐๐๐ช๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฆ๐ ๐ฅ๐๐๐๐ข๐ก๐๐ ๐ค๐จ๐๐๐๐๐๐๐ฅ | In recognition of her years of public service and commitment to responsive and people-centered governance, Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman of the City Government of Isabela has been shortlisted as one of the Regional Nominees for the 2026 Gawad Pagasa under the Civil Service Commission (CSC) Honor Awards Program.
As part of the evaluation process, the City Government of Isabela encourages the public to share their feedback, experiences, and observationsโwhether positive or constructiveโregarding the candidates for the 2026 Gawad Lingkod Bayani Regional Qualifiers.
Public participation remains an important pillar of good governance, accountability, and transparency. Your insights help recognize public servants who demonstrate integrity, excellence, and genuine dedication in serving the community.
๐
Submission Deadline: 22 May 2026
๐ฒ Submit your feedback through this link:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSchXmhiLUYvUr8dqjlFplE9Xwvg-gksdKUXyNqmhWdCaR2fKA/viewform?pli=1
Let your voice be heard and take part in promoting a culture of integrity, transparency, and meaningful public service.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Isabela
