Barangay Diki-Serbisyong Damang-dama

Directions

Barangay Diki-Serbisyong Damang-dama OFFICIAL PAGE OF BARANGAY DIKI

LOCAL GOVERNMENT UNIT SUPPORT SYSTEM (LGUSS) – BARANGAY INFORMATION MANAGEMENT SYSTEM (BIMS) ROLL-OUTSeptember 14, 2026 ...
15/09/2026

LOCAL GOVERNMENT UNIT SUPPORT SYSTEM (LGUSS) – BARANGAY INFORMATION MANAGEMENT SYSTEM (BIMS) ROLL-OUT
September 14, 2026 | Bradbrotel Suites, Ipil, Zamboanga Sibugay

The LGU Isabela, through DILG Isabela City, participated in the LGUSS BIMS Roll-Out, represented by 12 Barangay Local Government Units (BLGUs), with each invited barangay represented by its Barangay Secretary, including Barangay Diki.

The activity brought together selected LGUs and BLGUs across the Zamboanga Peninsula to strengthen BIMS implementation.

Effective barangay information management is essential to strengthening governance, improving decision-making, and delivering more responsive public services to the community.

EYES ALL HEREUPLIFT LISTING
12/09/2026

EYES ALL HERE
UPLIFT LISTING

DIKIZENS | KALINISAN SA BAGONG PILIPINAS | BARANGAY DIKI 🇵🇭Pursuant to DILG Memorandum Circular No. 2023-133, institutio...
05/09/2026

DIKIZENS | KALINISAN SA BAGONG PILIPINAS | BARANGAY DIKI 🇵🇭

Pursuant to DILG Memorandum Circular No. 2023-133, institutionalizing the conduct of Barangay Kalinisan Day, and DILG Memorandum Circular No. 2024-053, ang Barangay Diki, sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Nihma J. Deman, ay nagsagawa ng Kalinisan sa Bagong Pilipinas bilang pagpapakita ng commitment sa pagpapanatili ng malinis, ligtas, healthy, at environmentally responsible na community.

Sa pamamagitan ng active participation ng ating Barangay Local Government Unit (BLGU), BHWs, Barangay Tanods, Civil Society Organizations (CSOs), other staff, volunteers, at community stakeholders, naging matagumpay ang activity at naipakita ang tunay na diwa ng Bayanihan, volunteerism, discipline, at shared responsibility.

CLEAN-UP ACTIVITY HIGHLIGHTS
• Garbage Collected: 10 sacks
• Estimated Weight: Approximately 70 kilograms

ATTENDANCE • BLGU • BHW • Barangay Tanod • CSO • Other Staff
TOTAL: 89 PARTICIPANTS

Ang simpleng pagkilos ng bawat isa ay malaking ambag sa pagkakaroon ng cleaner, greener, safer, and more sustainable Barangay Diki.

BARANGAY KALINISAN DAY (BarKaDa)Clean-up DriveMatagumpay na isinagawa ng Barangay Diki ang Barangay Kalinisan Day (BarKa...
29/08/2026

BARANGAY KALINISAN DAY (BarKaDa)
Clean-up Drive

Matagumpay na isinagawa ng Barangay Diki ang Barangay Kalinisan Day (BarKaDa) ngayong August 29, 2026 | 7:00 AM, na pinangunahan ni Punong Barangay Hon. Nihma J. Deman.

Ang aktibidad ay isinagawa bilang bahagi ng DILG’s implementation of the Barangay Kalinisan Day (BarKaDa) Program, alinsunod sa mga kaugnay na DILG Memorandum Circulars No. 2023-133 at layunin nitong itaguyod ang kalinisan, environmental responsibility, bayanihan, at community participation.

📍 Sites: 2 — Purok 6 & Purok 7
🗑️ Waste Collected: 55 sacks
♻️ Total Volume: 300
👥 Attendance: 120 participants

Alhamdulillah! Nakiisa ang BLGU, BHW/BNS, Barangay Tanod, Lupong Tagapamayapa, Solo Parent Association, Women’s Association, Coast Guard Sub-Station Personnel, at Bureau of Fire Protection (BFP).

Sama-sama sa Bayanihan para sa Malinis, Maayos, Ligtas at Masaganang Barangay Diki!

WORLD LEPROSY DAY | AGOSTO 7, 2026Noong Agosto 7, 2026, nakikiisa ang Barangay Health Workers (BHWs) ng Barangay Diki sa...
25/08/2026

WORLD LEPROSY DAY | AGOSTO 7, 2026
Noong Agosto 7, 2026, nakikiisa ang Barangay Health Workers (BHWs) ng Barangay Diki sa paggunita ng World Leprosy Day, na ginanap sa RHU III – Malamawi, Isabela City, Basilan.
Layunin ng paggunita na patuloy na palawakin ang kaalaman ng komunidad tungkol sa Leprosy (Ketong), itaguyod ang maagang pagpapasuri at paggamot, at labanan ang stigma at diskriminasyon laban sa mga taong apektado ng sakit.
Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng ating mga BHW, patuloy nating isinusulong ang kalusugan, kamalayan, at pantay na pag-aaruga para sa bawat miyembro ng komunidad.
Kalusugan para sa Lahat. Walang Stigma, Walang Diskriminasyon.
📅 Agosto 7, 2026, RHU III – Malamawi, Isabela City, Basilan

BIHAUN | PANAYAM SA MGA BATANG NAGTATRABAHOAgosto 25, 2026, isinasagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE), ka...
25/08/2026

BIHAUN | PANAYAM SA MGA BATANG NAGTATRABAHO
Agosto 25, 2026, isinasagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE), katuwang ang Barangay Diki, Isabela City, Basilan, ang panayam at pagsusuri sa mga batang nagtatrabaho (Labor Children).
Layunin ng aktibidad na mapakinggan ang kalagayan at karanasan ng mga batang nagtatrabaho, matukoy ang kanilang mga pangangailangan, at makapagbigay ng angkop na suporta at programa para sa kanilang kapakanan at proteksyon.
📍 Barangay Diki, Isabela City, Basilan I Agosto 25, 2026
Patuloy ang pakikipagtulungan ng DOLE at Barangay Diki upang matiyak na ang bawat bata ay napoprotektahan, napapahalagahan, at nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral, umunlad, at magkaroon ng mas magandang kinabukasan.
Para sa Bata. Para sa Kinabukasan. Para sa Mas Maunlad na Barangay.






NATIONAL HIV, AIDS & STI AWARENESS | AGOSTO 13, 2026Noong Agosto 13, 2026, isinagawa sa Barangay Health Center ng Barang...
25/08/2026

NATIONAL HIV, AIDS & STI AWARENESS | AGOSTO 13, 2026
Noong Agosto 13, 2026, isinagawa sa Barangay Health Center ng Barangay Diki, Isabela City, Basilan ang aktibidad para sa National HIV, AIDS and STI Awareness, na dinaluhan at aktibong nilahukan ng mga Dikizens.
Layunin ng aktibidad na magbigay ng tamang impormasyon at kaalaman tungkol sa HIV, AIDS, at Sexually Transmitted Infections (STIs), gayundin ang kahalagahan ng prevention, early testing, proper treatment, at pag-iwas sa stigma at diskriminasyon.
Sa pamamagitan ng sama-samang pakikilahok ng mga Dikizens at Barangay Health Workers, patuloy nating itinataguyod ang isang ligtas, malusog, at mapagmalasakit na komunidad.
Tamang Kaalaman. Maagang Pag-iwas. Pangangalaga sa Kalusugan.
đź“… Agosto 13, 2026, Barangay Health Center, Barangay Diki, Isabela City, Basilan

ADOLESCENCE HEALTHY YOUNG ONES | AUGUST 19, 2026Noong Agosto 19, 2026, matagumpay na isinagawa ang Adolescence Healthy Y...
25/08/2026

ADOLESCENCE HEALTHY YOUNG ONES | AUGUST 19, 2026
Noong Agosto 19, 2026, matagumpay na isinagawa ang Adolescence Healthy Young Ones (AHYO) na pinangunahan ng City Health Office, sa pakikipagtulungan at aktibong pakikilahok ng mga Early Moms at Barangay Health Workers (BHWs) ng Barangay Diki, Isabela City, Basilan.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan at mga batang ina tungkol sa kalusugan, wastong pangangalaga sa sarili, reproductive health, at iba pang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa kanilang kalusugan at kapakanan.
Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy nating isinusulong ang isang malusog, responsableng, at may sapat na kaalamang kabataan.
Maraming salamat sa City Health Office, Early Moms, at BHWs ng Barangay Diki sa inyong aktibong pakikilahok at suporta!
đź“… Agosto 19, 2026, Barangay Diki, Isabela City, Basilan

ALHAMDULILLAH! | 5 DESERVING DIKIZENS SCHOLARSMatapos ang isang masusing pagsusuri, beripikasyon, at maingat na proseso ...
24/08/2026

ALHAMDULILLAH! | 5 DESERVING DIKIZENS SCHOLARS

Matapos ang isang masusing pagsusuri, beripikasyon, at maingat na proseso ng pagpili, buong pagmamalaki nating ipinapakilala ang limang (5) natatangi at kwalipikadong mag-aaral na Dikizens na napiling maging mga benepisyaryo ng Barangay Presidential Scholarship Program.

🎓 Shanah Reez S. Bairulla
4th Year – Bachelor of Elementary Education
Basilan State College | Purok 1

🎓 Sulaiya S. Padjing
4th Year – Bachelor of Elementary Education
Basilan State College | Purok 2

🎓 Sitti Jawhar A. Nurhasim
4th Year – Bachelor of Science in Nursing
Hardam Furigay Colleges Foundation Inc. | Purok 3

🎓 Nuralyn J. Anggal
4th Year – Bachelor of Nutrition and Dietetics
Basilan State College | Purok 6

🎓 Babyleen J. Gani
4th Year – Bachelor of Science in Social Work
Basilan State College | Purok 7

Ang pagpili sa ating limang scholars ay isinagawa nang maingat, patas, at transparent, alinsunod sa itinakdang kwalipikasyon at pamantayan ng programa.

Bilang pagpapakita ng ating commitment sa fairness at transparency, ang limang napiling scholars ay hindi kabilang sa 1st hanggang 4th degree family/relatives ng Punong Barangay at ng mga Barangay Kagawad.

Alhamdulillah, matagumpay nating naisagawa ang proseso ng pagpili. Nawa’y maging malaking tulong ang scholarship na ito sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral at magsilbing inspirasyon upang lalo nilang pagbutihin ang kanilang mga pangarap para sa kanilang sarili, pamilya, at komunidad.

Ang programang ito ay isinasagawa bilang suporta sa edukasyon at sa mga kabataang may pangarap na makapagtapos at makapaglingkod sa kanilang kapwa, sa ilalim ng pamumuno nina:

🇵🇭 His Excellency Ferdinand R. Marcos Jr.
President of the Republic of the Philippines

🏛️ Hon. Mujiv S. Hataman
Governor, Province of Basilan

🏙️ Hon. Sitti Djalia T. Hataman
City Mayor, Isabela City, Basilan

Congratulations sa ating limang bagong Scholars!

Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa iba pang kabataang Dikizens. Patuloy na mangarap, magsikap, at maniwala sa inyong kakayahan.

Padayon, Dikizens! Para sa Edukasyon, Para sa Kinabukasan!

BAWAT BAYAN MAKIKINABANG | RICE DISTRIBUTION PARA SA MGA DIKIZENSAugust 21, 2026 — Isinagawa ang Rice Distribution para ...
23/08/2026

BAWAT BAYAN MAKIKINABANG | RICE DISTRIBUTION PARA SA MGA DIKIZENS

August 21, 2026 — Isinagawa ang Rice Distribution para sa ating mga minamahal na Dikizens sa ilalim ng “Bawat Bayan Makikinabang” Rice Program ng Pamahalaang Nasyonal sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM), sa pamamagitan ng Provincial Government of Basilan at City Government of Isabela.

Sa isinagawang distribution, kabuuang 1,300 bags ng 10-Kilo Rice ang inilaan at naipamahagi sa mga kwalipikadong beneficiaries ng ating barangay.

Ang Barangay Diki ay may kabuuang 1,518 households. Dahil limitado ang bilang ng bigas na inilaan para sa kasalukuyang distribution, hindi po lahat ng households ay nabigyan sa unang pamamahagi.

Humihingi po kami ng inyong pang-unawa at kaunting pasensya. Nauunawaan po namin ang ating mga Dikizens na umaasa ring makatanggap ng assistance.

Insha Allah, sa mga susunod na araw, umaasa po tayo na mabibigyan din ang mga Dikizens na hindi nakasama sa unang distribution, sakaling magkaroon ng karagdagang allocation para sa ating barangay.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa Pamahalaang Nasyonal sa pamumuno ni PBBM, Provincial Government of Basilan, at City Government of Isabela sa patuloy na pagdadala ng mga programa at tulong para sa ating mga kababayan.

Bawat Bayan Makikinabang.
Bawat Dikizen, mahalaga.

Address

Diki, Malamawi
Isabela
7300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Diki-Serbisyong Damang-dama posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share