09/05/2026
FIESTA NIGHT RAFFLE π
Para sa bisperas ng kapistahan sa Sitio Balanban, ang mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Punong Barangay, Hon. Gemma V. Delos Reyes ay maghahatid ng munting kasiyahan.
Mamayang gabi, magkakaroon ng raffles na may premyong 60 sacks of 5 kls rice, para sa mga household heads ng Sitio Balanban.
Tunghayan ang munting handog na ito, kasama ang Sangguniang Kabataan, 6:30 ng gabi.
02/05/2026
Sinimulan na ang unang araw ng nobena sa Sta. Cruz Chapel sa Sitio Balanban sa pamamagitan ng Banal na Misa noong ika-1 ng Mayo. Isinasagawa ang siyam na araw na nobena sa nasabing kapilya, na dinadaluhan ng mga deboto bilang paghahanda sa nalalapit na kapistahan sa ika-10 ng Mayo.
Kaugnay nito, nagbayanihan ang mga kabataan ng barangay sa pagpapalagay ng mga banderitas. Sinuportahan naman ito ng mga opisyal ng barangay, Sangguniang Kabataan, at ilang mga sponsors para sa pagpapatayo ng extension ng kapilya at ng arko.
01/05/2026
ANUNSYO PUBLIKO | Magkakaroon ng Libreng Tuli sa Mayo 8 na gaganapin sa Multipurpose Hall ng Barangay.
Para sa paunang rehistrasyon, maaaring bumisita sa Barangay Health Center o makipag-ugnayan sa aming tanggapan sa 0970-981-9986.
16/04/2026
Tuloy-tuloy ang pagpapasiklab ng angking galing at husay ng mga manlalaro sa SK Volleyball: Invitational Conference, na handog ng Sangguniang Kabataan sa pangunguna ni SK Chairperson Ivar P. Rubillos.
Matapos ang ikatlong linggo ng laban noong Sabado at Linggo, nangunguna ang koponan ng Tugpa Brothers mula sa Sitio Balanban na may malinis na standing na 4-0. Samantala, nananatiling walang talo sa kategoryang kababaihan ang Tropang Potchie, na may kartadang 3-0.
Inaasahang gaganapin ang huling elimination round sa huling linggo ng Abril, habang ang inaabangang Finals ay nakatakda sa Mayo 3. Patuloy na mapapanood ang mga laban tuwing weekend, simula alas-1 ng hapon sa Purok 5 Multi-Purpose Covered Court. (kuha ni P. Burgos)
15/04/2026
Ito na ang moment mo!
ππ§π’ π‘π ππ‘π π π’π ππ‘π§ π π’, ππ¦πππππ | Handa ka na bang ipakita ang iyong galing sa pagkanta? Bukas ang entablado para sa lahatβ15 taong gulang pataasβpara sa Tawag ng Tanghalan auditions!
π ICCC (Isabela City Gymnasium), Binuangan, Isabela City, April 20 | 10AMβ4PM
Maghanda ng:
βͺοΈ1 Minus One piece
βͺοΈ1 English A Capella
βͺοΈ1 Filipino A Capella
Pwede rin mag audition online. Baka ikaw na ang susunod na tatanghal at magbibigay-inspirasyon sa buong bansa.
15/04/2026
Muling naghandog ng libreng Dental Services para sa mga nanay at kabataan ang City Health Office, sa pamamagitan ng Dental Health Unit, Abril 14. Naganap ito sa Multi-Purpose Hall ng barangay, na kung saan higit kumulang 40 na inidibidwal ang nakabenepisyo.
Naroon ang ilang mga opisyal ng barangay, BHW, narse at mga midwife, na nagbigay ng suporta sa programa. (Mga larawan mula sa CHO Fb Page)
15/04/2026
SERBISYO PUBLIKO | Ipinapaalam po natin sa ating mga residente ng barangay na kung sino man ang nakakita ng nawawalang wallet ni Jimboy Abella, ay maaring ipagbigay-alam sa aming tanggapan. Ang nasabing wallet ay naglalaman ng β±600, school ID, at ilang mga resibo.
Ayon sa may-ari, bandang alas-8 ng umaga kanina nang siya ay dumaan sa Sitio Balanban, kung saan niya napansin na nawawala ang kanyang wallet.
Para sa makakita, maaring tumawag o mag-text sa numerong ito: 0985-582-0781.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.