20/08/2025
𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟓
𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐯𝐚𝐧
Isang matagumpay na 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐯𝐚𝐧 para sa RCSP Barangays!
Maraming salamat sa 𝐃𝐈𝐋𝐆 at sa lahat ng katuwang na ahensya sa pagbibigay ng serbisyo, tulong, at impormasyon para sa ikauunlad ng ating mga kabarangay.
Sama-sama tayong maglingkod para sa kapayapaan at kaunlaran ng bawat komunidad.
15/08/2025
𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟓
𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡𝐥𝐲 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐃𝐢𝐞𝐭𝐛𝐚𝐧
isang karangalan ang makadalo sa barangay meeting upang makinig, makibahagi, at mas lalo pang mapalakas ang ating pagtutulungan para sa ikabubuti ng komunidad!
𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐃𝐢𝐞𝐭𝐛𝐚𝐧!🫶🏻
15/08/2025
𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟓
𝐓𝐁 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐯𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐁𝐮𝐧𝐭𝐢𝐬 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬
Lubos ang aming pasasalamat sa 𝐃𝐎𝐇 𝐚𝐭 𝐑𝐇𝐔 sa kanilang inisyatibong dalhin ang serbisyong medikal para sa pagpuksa ng TB (Tuberculosis) at sa pagsasagawa ng Buntis Congress na naglalayong maghatid ng mahahalagang impormasyon para sa kalusugan at kapakanan ng ating mga kababaihang nagdadalang-tao.
Isang malaking hakbang ito tungo sa mas malusog at mas ligtas na komunidad.
09/08/2025
𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟓
𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐊𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐅𝐞𝐬𝐭𝐢𝐯𝐚𝐥 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐀𝐧𝐨𝐧𝐚𝐧𝐠!
Taos-pusong pasasalamat Barangay Anonang sa masaya at matagumpay na pagdiriwang ng Fiesta!🫶🏻
08/08/2025
𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟓-𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Isang karangalan na makadalo sa 𝐃𝐈𝐋𝐆 𝐍𝐄𝐎 𝐏𝐥𝐮𝐬 𝐈𝐧𝐭𝐫𝐨𝐝𝐮𝐜𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐬𝐞 bilang bagong halal na lokal na opisyal.
Isang mahalagang pagkakataon upang madagdagan ang kaalaman kailangan para sa mas mahusay, at makabuluhang paglilingkod sa ating bayan. 🇵🇭💙
07/08/2025
School Based Immunization o BAKUNA ESWELA 2025
LIBRENG Bakuna para sa Grade 1,7 (lahat ng kasarian) at Grade 4 (Babae lang)
Mga bakuna para sa Grade 1 at 7 (lahat ng kasarian)
-measles-Rubella (MR)
-Tetanus-Diphtheria (Td)
Mga bakuna para sa Grade 4 (BABAE lang)
-Human Papilloma Virus (HPV)
Para sa iba pang mga impormasyon nasa litrato sa ibaba.
31/07/2025
𝐉𝐮𝐥𝐲 𝟑𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟓
𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧
Wastong nutrisyon para sa lahat — Walang Batang Maiiwan!