Milling Operations, Umarangkada na sa NFA Sultan Kudarat ๐พ๐พ
Pormal nang nagsimula ang milling operations ng mga palay ng NFA Sultan Kudarat Branch Office sa mga kinontratang pribadong rice millers bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng imbentaryo ng bigas at pagtugon sa pangangailangan ng suplay para sa Benteng Bigas Rice Project.
Naka deploy na ang mga kawani ng NFA Sultan Kudarat sa iba't ibang pribadong rice mills upang masiguro ang maayos na proseso ng paggiling at mapanatili ang mataas na kalidad ng mga rice recoveries. Nakahanda na rin ang mga Warehouse Supervisors sa pagtanggap at maayos na pag iimbak ng mga bigas na magmumula sa milling operations.
Patunay ang hakbang na ito sa matatag na koordinasyon at pagtutulungan ng bawat kawani at katuwang ng ahensya upang maisakatuparan ang mandato ng NFA na tiyakin ang sapat at dekalidad na suplay ng bigas para sa mamamayan.
Sama samang pagkilos para sa mas matatag na suplay ng bigas, serbisyo para sa bawat Pilipino. ๐พ๐
"Tiyak ang bigas panatag ang bukas"
โSa Serbisyong Patas at Tapat, Bigas ay Laging Dekalidad.โ
NFA Sultan Kudarat
This is the Official page of NFA Sultan Kudarat Branch Office
31/05/2026
๐จ๐ด๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฒ๐ฏ๐ฎ๐ธ, ๐ฆ๐๐น๐๐ฎ๐ป ๐๐๐ฑ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐พ๐พ๐ค
Mas pinaigting ang koordinasyon at pagkakaisa ng NFA Sultan Kudarat Branch Office at mga lokal na magsasaka ng Lebak tungo sa mas maunlad at produktibong sektor ng agrikultura.
Dumalo sa isang pagpupulong ang mga kinatawan ng NFA Sultan Kudarat na sina Warehouse Supervisor Gladys D. Bretaรฑa, Acting WS/QAO Mary Michelle B. Lozarita, QAO Sheeny Mae L. Cortez, at Cashier II Jethe B. Benemerito kasama ang mga opisyal at miyembro ng Lebak Sustainable Organic Agriculture Multi-Purpose Cooperative (LESOA MPC) sa pangunguna ni William U. Saratao.
Sa nasabing pagpupulong, naibahagi ng mga magsasaka ang kanilang mga mungkahi at saloobin upang higit pang mapabuti ang proseso ng palay deliveries lalo na sa panahon ng anihan. Ipinaliwanag naman ng mga kinatawan ng NFA ang mga pagbabago sa klasipikasyon at mga pamantayan sa pagbili ng palay upang maging mas malinaw ang mga proseso at inaasahan ng bawat panig.
Patunay ang pagpupulong na ito sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng NFA sa ating mga magsasaka. Sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon at pagtutulungan, mas napapalakas ang suporta ng ahensya sa sektor ng agrikultura at mas napatatag ang ugnayan nito sa mga magsasakang katuwang sa pagsusulong ng seguridad sa pagkain ng bansa. ๐พ
"Tiyak ang bigas panatag ang bukas"
โSa Serbisyong Patas at Tapat, Bigas ay Laging Dekalidad.โ
27/05/2026
๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐จ๐ด๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฆ๐ฒ๐ธ๐๐ผ๐ฟ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ ๐พ๐ค
Nagsagawa ng isang makabuluhang ugnayan at talakayan kasama ang ating mga lokal na magsasaka, mga lider at miyembro ng ibaโt ibang farmers associations sa bayan ng President Quirino. Katuwang sa aktibidad si Municipal Agriculturist Engr. Onofre P. Asuncion kasama ang mga kinatawan ng NFA Sultan Kudarat na sina Warehouse Supervisor Joy P. Cabrera, Abraham A. Cahucom, Acting WS/QAO Kathleen Grace L. Concepcion, at Pest Control Officer Engr. Warren Balbin.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga pagbabago sa mga patakarang ipinatutupad ng NFA, kabilang ang Price Range Scheme (PRICERS) na ina-update kada linggo upang maging gabay sa pagbili ng palay. Bahagi rin ito ng paghahanda ng ahensya para sa nalalapit na harvest season upang mas maging maayos ang pagbili ng palay at patuloy na masuportahan ang ating mga magsasaka.
Patuloy ang NFA sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan upang maisulong ang kapakanan ng sektor ng agrikultura at mapanatili ang sapat na suplay ng bigas para sa sambayanang Pilipino. ๐ค๐พ
"Tiyak ang bigas panatag ang bukas"
โSa Serbisyong Patas at Tapat, Bigas ay Laging Dekalidad.โ
25/05/2026
๐๐ช๐ฅ๐ก๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐จ๐๐๐๐ฃ, ๐๐ฃ๐ซ๐๐ฃ๐ฉ๐ค๐ง๐ฎ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐๐๐๐ฎ ๐พ
Sa pangunguna ng Branch Inventory Committee, matagumpay na isinagawa ng NFA Sultan Kudarat Branch Office noong Mayo 18โ22, 2026 ang Semi-Annual Physical Inventory ng palay, bigas, at empty sacks sa lahat ng bodega nito.
Sa pamamagitan ng masusing actual counting at beripikasyon, tiniyak ng komite ang tamang bilang, maayos na dokumentasyon, at wastong monitoring ng mga nakaimbak na suplay ng bigas at iba pang accountabilities.
Patuloy na pinagtitibay ng NFA Sultan Kudarat ang transparency, accountability, at kahandaan sa pagpapanatili ng sapat at maayos na buffer stock para sa bawat pamilyang Pilipino.
"Tiyak ang bigas panatag ang bukas"
โSa Serbisyong Patas at Tapat, Bigas ay Laging Dekalidad.โ
๐พ NFA Sultan Kudarat: Presyo ng Pamimili ng Palay (May 25-31, 2026)
Ang sumusunod ay ang umiiral na presyo sa pamimili ng palay ng National Food Authority ngayong linggo, mula May 25-31, 2026, sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong tumawag o mag-text sa:
๐ฑ +63 936 142 1161
o bumisita sa pinakamalapit na NFA Buying Station:
๐ Isulan Buying Station โ Brgy. Dansuli, Isulan
๐ Tacurong Buying Station โ SPGC Compound, Del Pilar St., Poblacion, Tacurong City
๐ Lebak Buying Station โ Brgy. Masurot, Lebak
Maraming salamat at patuloy na makiisa sa mga programa ng NFA!
"Tiyak ang Bigas, Panatag ang Bukas."
โSa Serbisyong Patas at Tapat, Bigas ay Laging Dekalidad.โ
๐พ NFA Sultan Kudarat: Presyo ng Pamimili ng Palay (May 18-24, 2026)
Ang sumusunod ay ang umiiral na presyo sa pamimili ng palay ng National Food Authority ngayong linggo, mula May 18-24, 2026, sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong tumawag o mag-text sa:
๐ฑ +63 936 142 1161
o bumisita sa pinakamalapit na NFA Buying Station:
๐ Isulan Buying Station โ Brgy. Dansuli, Isulan
๐ Tacurong Buying Station โ SPGC Compound, Del Pilar St., Poblacion, Tacurong City
๐ Lebak Buying Station โ Brgy. Masurot, Lebak
Maraming salamat at patuloy na makiisa sa mga programa ng NFA!
"Tiyak ang Bigas, Panatag ang Bukas."
โSa Serbisyong Patas at Tapat, Bigas ay Laging Dekalidad.โ
13/05/2026
๐ก๐๐ ๐ฆ๐๐น๐๐ฎ๐ป ๐๐๐ฑ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐, ๐ฃ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ผ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ฏ๐ฎ
Dumalo sina Acting Branch Manager Virgil Calasagsag at Assistant Branch Manager Jose M. Aguda sa ginanap na 2nd Quarter Meeting ng Provincial Cooperative Development Council (PCDC) ngayong Mayo 13, 2026 sa Sultan Kudarat Provincial Capitol.
Sa pangunguna ni PCDC Chairman Hon. Nestor Casador, tinalakay at pinagtibay ng konseho ang reorganized structure framework na layuning higit pang mapalakas ang ugnayan, koordinasyon, at mga programang sumusuporta sa sektor ng kooperatiba sa lalawigan.
Isinagawa rin ang halalan ng mga opisyal ng konseho kung saan nahalal bilang bagong Chairman ng konseho si Hon. Elias Segura. Nahalal din si Acting Branch Manager Virgil Calasagsag bilang isa sa mga opisyal ng PCDC.
Patunay ito ng aktibong pakikiisa ng NFA Sultan Kudarat sa mga programang naglalayong palakasin ang samahan ng mga kooperatiba at isulong ang mas maayos at mas inklusibong serbisyo para sa mamamayan.
"Tiyak ang Bigas, Panatag ang Bukas."
๐พ NFA Sultan Kudarat: Presyo ng Pamimili ng Palay (May 11-17, 2026)
Ang sumusunod ay ang umiiral na presyo sa pamimili ng palay ng National Food Authority ngayong linggo, mula May 11-17, 2026, sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong tumawag o mag-text sa:
๐ฑ +63 936 142 1161
o bumisita sa pinakamalapit na NFA Buying Station:
๐ Isulan Buying Station โ Brgy. Dansuli, Isulan
๐ Tacurong Buying Station โ SPGC Compound, Del Pilar St., Poblacion, Tacurong City
๐ Lebak Buying Station โ Brgy. Masurot, Lebak
Maraming salamat at patuloy na makiisa sa mga programa ng NFA!
"Tiyak ang Bigas, Panatag ang Bukas."
โSa Serbisyong Patas at Tapat, Bigas ay Laging Dekalidad.โ
05/05/2026
EASE OF DOING BUSINESS (EODB) MONTH 2026
Kaisa ang National Food Authority Sultan Kudarat Branch Office sa pagdiriwang ng EODB Month ngayong buwan ng Mayo na may temang: โAchieving Results through Transparency and Accountability: Towards a More Productive Bagong Pilipinas.โ
Bilang bahagi ng aming tungkulin, patuloy naming pinaiigting ang paghahatid ng mabilis, malinaw, at episyenteng serbisyong publiko para sa bawat Pilipino.
โTiyak ang Bigas, Panatag ang Bukas.โ
โSa Serbisyong Patas at Tapat, Bigas ay Laging Dekalidad.โ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Brgy. Dansuli, Isulan, Sultan Kudarat
Isulan
9805
