DepEd Sta. Cruz National High School

Directions

DepEd Sta. Cruz National High School This is the official page of Deped Sta. Cruz National High School. Sta. Cruz National High School is the official fan page of the SCNHS.

It is maintained and administered by its alumnae. All information contained herein does not represent the view(s) of the SCNHS administration. Views expressed in the Forums and Comments page are those of the participants alone and do not necessarily reflect the view/opinion of the SCNHS Administration. Disclaimer: The moderators reserve the right to block anyone who post expletive words, racial slur, offensive pictures, videos and links, etc.

🎉💙 HAPPY RETIREMENT, MAM ANITA O. BASCO! 💙🎉🌟 30 YEARS OF DEDICATED SERVICE, A LIFETIME OF INSPIRATION! 🌟Thirty years of ...
28/10/2026

🎉💙 HAPPY RETIREMENT, MAM ANITA O. BASCO! 💙🎉

🌟 30 YEARS OF DEDICATED SERVICE, A LIFETIME OF INSPIRATION! 🌟

Thirty years of teaching, guiding, and inspiring young minds is a remarkable legacy worth celebrating. Your unwavering commitment, patience, and passion for education have touched countless lives and made a lasting difference in the hearts of your learners and colleagues.

As you close this meaningful chapter of your professional journey, may you look back with pride on the lives you have shaped, the knowledge you have shared, and the memories you have created throughout your 30 years in service.

Your retirement is not the end of your journey, but the beginning of a new chapter filled with well-deserved rest, happiness, good health, and beautiful opportunities.

Thank you for your 30 years of invaluable service to education. Your dedication will always be remembered, and your legacy will continue to inspire generations to come. ❤️

👏 Congratulations on your well-deserved retirement, Mam Anita! May God bless you abundantly in this wonderful new season of your life. 🙏💐

Once a teacher, always an inspiration! 📚✨






🦟💚 SCHOOL-BASED DENGUE AWARENESS CAMPAIGN 💚🦟🏫 A Clean School is a Dengue-Free School!Ang kalusugan at kaligtasan ng bawa...
28/10/2026

🦟💚 SCHOOL-BASED DENGUE AWARENESS CAMPAIGN 💚🦟

🏫 A Clean School is a Dengue-Free School!

Ang kalusugan at kaligtasan ng bawat mag-aaral, g**o, at kawani ay mahalaga. Kaya naman, sama-sama tayong makiisa sa pagpapanatili ng malinis at ligtas na kapaligiran upang maiwasan ang pagdami ng lamok na nagdadala ng dengue.

🌿 Isagawa ang 4S Kontra Dengue!

✅ Search and Destroy – Hanapin at alisin ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok sa loob at paligid ng paaralan.

✅ Self-Protection Measures – Magsuot ng angkop na damit at gumamit ng mosquito repellent kung kinakailangan.

✅ Seek Early Consultation – Agad na magpakonsulta kapag may lagnat o mga sintomas na maaaring kaugnay ng dengue.

✅ Support Targeted Fogging – Makipagtulungan sa mga awtoridad sa kalusugan kung inirerekomenda ang fogging sa mga lugar na may panganib ng dengue.

🧹 Sa pamamagitan ng regular na clean-up drive, tamang pagtatapon ng basura, paglilinis ng mga kanal, at pag-aalis ng naipong tubig, makatutulong tayo sa pagprotekta sa buong komunidad ng paaralan.

💚 Tandaan: Ang paaralang malinis ay hakbang tungo sa paaralang ligtas at malusog!

Sama-sama sa kalinisan, sama-sama laban sa dengue!






25/10/2026

"Project: Continuous Gate Improvement"

Maraming salamat po sa inyong walang suporta sa ating paaralan,

Malayo pa pero malayo na sa dating itsura☺️☝️

&MsSCNHS2027

25/10/2026

First end of term activity
SCNHS Founding Anniversary and MR. & MS. SCNHS 2026

13/10/2026

| HIGHLIGHTS|
National School Safety Week Orientation 2026

Ligtas na Paaralan, Sama-samang Isusulong: SCNHS, Nakiisa sa National School Safety WeekSa layuning matiyak ang kaligtas...
12/10/2026

Ligtas na Paaralan, Sama-samang Isusulong: SCNHS, Nakiisa sa National School Safety Week

Sa layuning matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mag-aaral, nakiisa ang Sta. Cruz National High School (SCNHS) sa pagtalima ng National School Safety Week ngayong Oktubre 12, 2026, sa pamamagitan ng isang oryentasyon na isinagawa matapos ang flag ceremony.

Pinangunahan ng Punong-g**o na si G. Joven D. Paitan ang oryentasyon, kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang mapangalagaan ang mga mag-aaral laban sa bullying, karahasan, diskriminasyon, at iba pang banta sa kanilang kaligtasan, alinsunod sa DepEd Order No. 006, s. 2026.

Bilang pagpapakita ng suporta sa adbokasiya, naghatid ng mga mensahe ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng komunidad ng paaralan. Kabilang dito si Wilfredo C. Portugal Jr., pangulo ng School Parents-Teachers Association (SPTA); Pastor Ramil Aragon, tagapangulo ng School Governance Council (SGC); Hon. Carmelita Jurilla, kinatawan ni Hon. Julito Gonzales, Punong-Barangay ng Sta. Cruz; Jerick M. Broqueza, pangulo ng Faculty Club; at Jamaica Imperial, pangulo ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG).

Sa kanilang mga mensahe, binigyang-diin ng mga kinatawan na ang kaligtasan ng mga mag-aaral ay hindi lamang pananagutan ng mga g**o at pamunuan ng paaralan, kundi tungkulin din ng mga magulang, mag-aaral, at buong komunidad. Itinampok din ang kahalagahan ng paggalang sa kapwa, pagtulong sa mga nakararanas ng bullying, at agarang pagsasabi sa mga nakatatanda o kinauukulan kapag may nasaksihang pang-aabuso o hindi ligtas na sitwasyon.

Sinundan ito ng sama-samang pagbigkas ng Panata para sa Ligtas, Inklusibo at Maalagang Paaralan, na pinangunahan ni Sir Paitan. Sa pamamagitan ng panata, pinagtibay ang pangakong itaguyod ang isang paaralang nagbibigay-halaga sa dignidad ng bawat mag-aaral at hindi kinukunsinti ang bullying, karahasan, at diskriminasyon.

Bilang huling bahagi ng programa, pinangunahan ng mga stakeholders ang paglagda sa School Safety Commitment Wall, na nagsilbing simbolo ng kanilang pagkakaisa at pananagutang makibahagi sa pagpapanatili ng kaligtasan sa paaralan.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga g**o, magulang, mag-aaral, at mga katuwang ng paaralan, muling pinagtibay ng SCNHS ang paninindigang ang kaligtasan ng bawat mag-aaral ay pananagutan ng lahat.

✍️ Jamaica Imperial
📸 Aidrian Ramos, Cherry Mejela Oliva , Ashley Chloe Maderal

Address

Purok-5 Sta. Cruz
Jose Panganiban
4606

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Sta. Cruz National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share