08/09/2026
Maupay nga adlaw, mga ka-Negosyo!
Inaanyayahan ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 - 𝗟𝗲𝘆𝘁𝗲 ang ating mga lokal na micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na dumalo at makilahok sa LBP Lifting MSMEs Lending Program Orientation!
Ito na ang pagkakataon ninyong matuklasan ang iba't ibang financial at digital solutions mula sa 𝗟𝗔𝗡𝗗𝗕𝗔𝗡𝗞 na makakatulong sa paglago at pag-asenso ng inyong negosyo, habang ipinagmamalaki at tinatangkilik ang mga produktong sariling atin!
📍 𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧 𝗗𝗘𝗧𝗔𝗜𝗟𝗦:
📅 𝗣𝗲𝘁𝘀𝗮: September 17, 2026
⏰ 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻: 10:30 AM - 12:00 NN
🕒 𝗦𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝗮: 1:30 PM
📍 𝗟𝘂𝗴𝗮𝗿: Summit Hotel, Robinsons Place Tacloban, Barangay 77 Marasbaras, Tacloban City, 6500 Leyte
🚨 𝗣𝗔𝗔𝗡𝗢 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗢?
I-scan lamang ang QR Code na nasa larawan para makapag-register.
⚠️ Deadline of Registration:
SEPTEMBER 15, 2026
Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Magparehistro na at maging bahagi ng patuloy na pag-unlad ng mga MSME sa Eastern Visayas!