31/10/2026
LIGTAS UNDAS 2026: ALALAHANIN AT IGALANG ANG ATING MGA MAHAL SA BUHAY
Bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng Philippine National Police (PNP) para sa isang ligtas, maayos, at mapayapang paggunita sa Undas 2026, pinaaalalahanan ng Kalamansig Municipal Police Station ang publiko na sundin ang mga alituntunin at panatilihin ang disiplina sa pagbisita sa mga sementeryo.
Hinihikayat ang lahat na isaalang-alang ang mga sumusunod na paalala:
🔹 Panatilihing malinis ang mga puntod at paligid ng sementeryo. Itapon ang mga basura sa tamang lalagyan.
🔹 Iwasang magdala ng alak, patalim o anumang bladed weapons, at malalakas na loudspeaker sa loob ng sementeryo.
🔹 Laging sundin ang mga itinakdang safety protocols, lalo na para sa mga Persons with Disabilities (PWDs), mga bata, at mga senior citizens.
🔹 Maging mapagmatyag at responsable sa lahat ng oras upang maiwasan ang anumang insidente.
Ang Undas ay panahon ng pag-alala, panalangin, at pagbibigay-pugay sa ating mga yumaong mahal sa buhay. Sa pamamagitan ng kooperasyon, disiplina, at malasakit sa kapwa, sama-sama nating maisusulong ang isang ligtas at mapayapang paggunita.
Ang KALAMANSIG MPS ay patuloy na nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at sa pagbibigay ng serbisyong may malasakit sa bawat mamamayan.
Maging responsable. Maging mapagmatyag. Maging ligtas ngayong Undas 2026!