06/09/2026
𝐓𝐨𝐩 𝟔 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐌𝐨𝐬𝐭 𝐖𝐚𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧, 𝐀𝐫𝐞𝐬𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐬𝐚 𝐈𝐥𝐨𝐢𝐥𝐨
ILOILO — Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang Top 6 Regional Most Wanted Person sa Western Visayas matapos maaresto sa Anilao, Iloilo ang isang 25-anyos na lalaking nahaharap sa apat na bilang ng Qualified R**e, dakong alas-11:10 ng umaga noong Setyembre 5, 2026.
Kinilala ang akusado bilang si alyas “Gaming,” 25 taong gulang, walang asawa, laborer, at residente ng Anilao, Iloilo.
Naaresto siya sa bisa ng Warrant of Arrest para sa apat na bilang ng Qualified R**e, paglabag sa Article 266-A (1), kaugnay ng Article 266-B ng Revised Penal Code.
Ang warrant ay inilabas noong Agosto 14, 2026 ng Regional Trial Court, Branch 66, Barotac Viejo, Iloilo, at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Isinagawa ang operasyon ng Tracker Team ng Anilao Municipal Police Station, katuwang ang mga personnel ng 62nd Special Action Company, 6th Special Action Battalion, PNP-Special Action Force, at Police Intelligence and Targeting/Criminal Investigation Team ng Iloilo Regional Intelligence Unit 6.
Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Anilao MPS para sa kaukulang disposisyon.
Ayon kay Police Brigadier General Randulf T Tuaño, Regional Director ng Police Regional Office 6 (PRO6), ang pagkakaaresto sa akusado ay patunay ng patuloy na pagtutok ng kapulisan sa pagtugis sa mga wanted person, lalo na sa mga nahaharap sa mabibigat na kaso.
“Walang pagtatagong panghabambuhay para sa mga wanted person. Patuloy silang tutugisin ng PRO6 hanggang sila ay maaresto at maiharap sa hustisya,” ani PBGen Tuaño.
Patuloy ding nananawagan ang PRO6 sa publiko na makipagtulungan sa kapulisan at agad na ipagbigay-alam ang anumang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga taong nagtatago sa batas.
Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng PRO6 laban sa mga wanted persons at ng pagsusulong nito ng RESPONSIVE, TRUSTED, and TRANSFORMATIVE POLICING for a Safer Western Visayas.
Kaakibat nito ang bisyon ng Philippine National Police na “BAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMAN,” sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., Chief, PNP.
(PNP-RPIO6)
#𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝘃𝗲𝗧𝗿𝘂𝘀𝘁𝗲𝗱𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗶𝗻𝗴
#𝗧𝗼𝗦𝗲𝗿𝘃𝗲𝗮𝗻𝗱𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁
#𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗣𝗡𝗣𝗽𝗮𝗿𝗮𝗦𝗮𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀