Liga ng mga Barangay Aklan Chapter

Directions Contact the organization

Liga ng mga Barangay Aklan Chapter Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Liga ng mga Barangay Aklan Chapter, Government Organization, Capitol Site, Estancia, Kalibo.

25/09/2026

Nilagdaan na ngayong araw ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. bilang batas ang 𝗥𝗲𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝗰𝘁 𝗡𝗼. 𝟭𝟮𝟯𝟮𝟲 na nagtatakda sa limang (5) taon ang termino ng panunungkulan ng mga Barangay Officials at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan.

Sa ilalim ng bagong batas, hanggang dalawang (2) magkakasunod na termino ang maaaring pagsilbihan ng mga Barangay Officials sa parehong posisyon, habang isang (1) termino naman para sa mga Sangguniang Kabataan Officials.

Ang mga kasalukuyang opisyal na saklaw ng dalawang taong extension ay ituturing nang nakapagsilbi ng isang buong limang-taong termino, habang ang mga nasa kanilang huling termino ay hindi na maaaring tumakbo muli sa parehong posisyon.

Dahil dito, ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2 ay hindi na itutuloy, at ang susunod na halalan ay sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028. Ang bagong election cycle ay bahagi ng transition tungo sa limang-taong termino ng mga Barangay at SK Officials.

Nagpapasalamat ang Liga sa Pangulo sa tiwalang ipinagkaloob sa mga barangay sa pamamagitan ng mas mahabang panahon para makapaglingkod sa ating mga komunidad. Kasabay ng panibagong pagkakataong ito, hinihikayat ng Liga ang lahat ng Barangay Officials na pagbutihin pa ang serbisyo, palakasin ang mga programa, at gawing mas makabuluhan ang bawat araw ng panunungkulan para sa ating mga kabarangay.

Ang dagdad panahon sa paglilingkod ay pagkakataon para makagawa ng higit pa at mas malaking pananagutan para sa bawat barangay.

🫰🏻💙

10/09/2026
05/09/2026

Pasado na sa second reading ng House of Representatives ang House Bill No. 10971 "𝗔𝗡 𝗔𝗖𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥 𝗔 𝗧𝗘𝗥𝗠 𝗢𝗙 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝗙𝗢𝗥 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝗠𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥𝗦 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡, 𝗔𝗡𝗗 𝗙𝗢𝗥 𝗢𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗣𝗨𝗥𝗣𝗢𝗦𝗘𝗦", na naglalayong gawing limang (5) taon ang termino ng panunungkulan ng mga Barangay Officials at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan.

Sa ilalim ng inihaing panukala, hanggang tatlong (3) sunod-sunod na termino ang maaaring manungkulan ang mga halal na barangay officials at 1 naman sa Sangguniang Kabataan Officials.

Itinatakda rin dito na ang susunod na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028, bilang bahagi ng transition patungo sa limang taong termino. Pagkatapos nito, regular nang idaraos ang BSKE kada limang taon.

Ang panukala ay inakda at sinuportahan nina Representatives Bernadette G. Escudero, Janette L. Garin, David “Jay-Jay” C. Suarez, Francisco Paolo P. Ortega V, Jefferson F. Khonghun, Ysabel Maria J. Zamora, Terry L. Ridon, Atty. Gerville “Jinky Bitrics” R. Luistro, Jude A. Acidre, Joel R. Chua, Marcelino C. Libanan, Christopher Sheen P. Gonzales, Marcelino “Marcy” R. Teodoro, Alexander Ty Pimentel, Raymond Democrito C. Mendoza, Alfredo “Albee” B. Benitez, Alyssa Michaela “Mica” M. Gonzales, Ma. Victoria Co-Pilar, Monique Yazmin Maria Q. Lagdameo, Antonino B. Roman III, Henry “Indy” F. Oaminal, Jr., Jesus “Jess” R. Marquez, Edwin L. Cruzado, M.D., Dale B. Corvera, Maximo B. Rodriguez, Jr., Karl Fernandez Legazpi, Javier Miguel Lopez Benitez, Benjamin C. Agarao, Jr., Caroline B. Agyao, M.D., Ustadz Yusop T. Alano, Antonio “Tonypet” T. Albano, Loreto S. Amante, Maria Cristina C. Angeles, Junard “Ahong” Q. Chan, Katrina Reiko Chua-Tai, Agatha “Agay” Cruz, Walfredo “Arman” R. Dimaguila, Jr., Imelda Quibranza Dimaporo, Albert S. Garcia, Maria Angela S. Garcia, Ed Christopher S. Go, Richard I. Gomez, DPA, Roy M. Gonzales, Charisse Anne C. Hernandez, Ramil L. Hernandez, Carmelo G. Lazatin, Jr., Isidro D. Lumayag, Esmael G. Mangudadatu, Ann Matibag, Francisco “Lalo” T. Matugas, Roger Gaviola Mercado, Ramon C. Nolasco, Edwin Ongchuan, Mario “Kokoy” O. Salvador, Leody “Odie” F. Tarriela, Roberto “Pinpin” T. Uy, Jr., Baby Aline Vargas-Alfonso, Patrick Michael D. Vargas, Julius Cesar “Jay” V. Vergara, Zaldy S. Villa, Mark Cholo I. Violago, at Florencio T. Miraflores.

Ang pag-apruba sa second reading ay bahagi pa lamang ng proseso ng lehislasyon. Panukala pa lamang ito at hindi pa ganap batas.

🫰🏻💙

02/09/2026
02/09/2026
🎉 GOOD NEWS, MGA KABARANGAY!The Liga ng mga Barangay – Aklan Chapter, together with the Office of the Provincial Governo...
28/08/2026

🎉 GOOD NEWS, MGA KABARANGAY!

The Liga ng mga Barangay – Aklan Chapter, together with the Office of the Provincial Governor, will be conducting the Launch and Distribution of Checks of the Bawat Barangay Makikinabang Program.

September 2, 2026 9:00 AM
Gov. Augusto B. Legaspi Memorial Sports and Cultural Center, Kalibo, Aklan

We look forward to celebrating this meaningful milestone with you as we bring this program closer to every barangay in the province.

For further details, kindly coordinate with your Municipal Liga Presidents or send us a message.

Maraming salamat po, Pres. Jessica Dy at sa buong Liga Ng Mga Barangay Sa Pilipinas, sa pa birthday cake 🎂🎉
26/08/2026

Maraming salamat po, Pres. Jessica Dy at sa buong Liga Ng Mga Barangay Sa Pilipinas, sa pa birthday cake 🎂🎉

Happy Birthday Pres Rannie! Wishing you good health, happiness, and continued success. May God bless you with many more ...
22/08/2026

Happy Birthday Pres Rannie! Wishing you good health, happiness, and continued success. May God bless you with many more fruitful years as you continue to serve and inspire all of us. 🎉💙

From your LnB Aklan Family!

Address

Capitol Site, Estancia
Kalibo
5600

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Liga ng mga Barangay Aklan Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Liga ng mga Barangay Aklan Chapter:

Shortcuts

Share